Kyla's PoV
May nakita kaming bahay. Pero bakit nga ba may bahay sa GITNA ng gubat? Napaka ironic naman...
Nang malapitan namin ang bahay, ang laki neto. Kung dito kami tutuloy, sobra pa saaming labing lima ang pwesto dito.
Isa-isa na silang nagsipasok. Mejo nagpahuli ako.
Pag pasok palang namin, napaka creepy na agad ng ambiance. Iilan lang ang bintanang naka bukas kaya hindi gaanong nakakapasok ang sinag ng araw. Though nakakakita pa naman kami. Mukhang luma na talaga yung bahay. Yung sahig na gawa sa kahoy, sira-sira na. May lumang t.v rin na nasa sala na sa tingin ko'y hindi na gumagana. Ang mga display naman ay mukha nang antiques.
Pumasok kami sa unang pinto na nakita namin. Mukhang eto ang kusina. Katulad ng inaasahan, lumain na talaga ang hitsura.
"Guys, tignan niyo 'to oh." Pagkasabi'y kinuha ni Drake ang malaking kutsara na display. "Anlaki no?" Komento nya.
" Eewww, Drake. Bitawan mo nga yan, ang dumi-dumi ohh!" Nandidiring sabi ni Seannen.
"May tinidor din, Drake oh. Haha." Sabi ni Karl at kinuha nya rin ang malaking tinidor na display. Naglaro lang sila doon sa may kusina.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling buhay yung mga paa ko. Pumunta ulit ako sa sala. Curious talaga ako sa mga bagay dito.
"Bakit kaya inabandona itong bahay na to? Sino ang may-ari nito? Hayyy." Sabi ko sa sarili ko. Nagulat nalang ako nang may nagtakip sa mata ko. "Jusko po. Zyrenz? Ikaw ba yan?"
"Oh yeahh. Anong ginagawa mo?" Tanong nya.
"Nag-iikot lang. Hindi ka ba nagtataka?"
"Saan? Sa pagkakataon? Dahil ba nasasaktong magkasama tayo lagi? Haha."
"Baliw! Kasi bakit may bahay dito sa gitna ng gubat, diba?"
"Mejo. Ang weird nga e. Tara gala tayo. Haha. Unahin natin yung kwarto." Sabay kindat niya sakin.
"Sira ulo!"
"Hala siya oh. Ang green minded mo naman. Titignan lang natin kung kasya ba tayong labing lima sa mga kwarto. Hahahaha."
"Ang adik mo kasi eh! Haha."
Inikot nga namin ang bahay. Pati second floor inakyat namin syempre. At sa kabuuan, mayroong limang kwarto itong bahay. Isa sa baba at apat sa taas. Hindi pare-pareho ang sizes ng kwarto. Yung panghuling bedroom na pinasok namin ay masasabi kong ang master's bedroom. Except kasi sa ito ang pinaka malaki, napaka bongga ng kama nito. Kahit na luma, masasabi kong may pagka elegante.
"Zyrenz.."
"Oh?"
"Wala ka bang napapansin?"
"Wala naman."
"Kanina ko pa nakikita itong display na'to oh. Pati sa first floor meron.."
"Alin?"
"Yang itim na pusang display."
"Sus. Malay mo mahilig lang talaga sa itim na pusa yung may-ari nitong bahay kaya andaming display na ganyan."
"Sigu---"
Naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sigaw. Sigaw ng babae.
"SI SEANNEN."
BINABASA MO ANG
Desolation
Misterio / SuspensoA peaceful week to enjoy. Away from civilization, away from the petty human beings, away from everything that would interrupt the time that they could spend being together. An exclusive outing for the most responsible section in their school, Pearl...