Fallin' Into Pieces

566 23 12
                                    

Nakakapagod ang araw na to. Whoooooo. Daming paperworks na tinapos tapos may meeting pa kong pinuntahan. Haixt. Tapos yong boyfriend ko galit pa sakin di ko naman alam ang rason ng ikinakagalit niya. Mga lalaki talaga ang labo na mag isip, malabo pa ugali. Kung di ko lang mahal yon ewan ko na lang. Minsan nakakapagod din ang ganoon. Pag dito naman sa bahay yong bunganga ng nanay at tatay ko ang nangingibabaw. Wala na talagang pagtkakaisa dito sa bahay.

"Ikaw naman Alexandra di ba pwedeng maaga kang umuwi? Andaming gawain dito sa bahay. Tapos puro boyfriend mo pa yang inaatupag mo. Di porke't ikaw ang nagastos dito sa bahay magbuhay prinsesa ka na pagdating mo. Aba iha konting hiya naman." Sabi ng nanay ko.

"Nay pasensya na ho kayo laging OT kasi." Pagpapaumanhin ko.

" OT OT na yan. Leche di ka naman yumayaman." Dagdag pa niya.

"Ano ka ba naman Aurora. Kararating lang ng anak mo galing trabaho at pagod yan tapos ikaw ganyan agad ang ibubungad mo sa kanya? Ikaw ang mahiya sa anak mo. Palamunin lang tayo dito." Singit ng tatay ko.

"Aba hoy Ignacio isa ka pa. Kaya nalaki 'yang ulo ng anak mo eh kasi knikonsente mo." Nanay

"Nay,Tay, wag na ho kayong mag away. Axcel iwanan mo na lang mga pinagkainan niyo diyan ako na maghuhugas." Sabi ko.

Pagkatapos noon ay umakyat na ko sa kwarto ko at nagbihis. Habang nagbibihis ako nakita ko yong picture namin ni Lucas. Bigla akong nalungkot. Naisip ko kasi ang reason kung bakit siya galit sa akin. This past few weeks napansin ko ang pagbabago niya. Para bang ayaw niya sakin. I don't know the reason why or praning lang talaga ako. Napabuntong hininga na lang. Pagkatapos nun bumaba na ko at naghugas ng plato at konting linis na din sa bahay.After noon natulog na 'ko..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan:

Paggising ko parang iba yong pakiramdam ko. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Ayan na naman ako si praning. Makapag ayos na nga.

After 20 minutes na paliligo......

Habang nagbibihis ako nakita ko ang marka ng sugat sa kaliwang braso ko medyo sariwa pa.. Biglang nag flash back sa akin ang pangyayari nang nakaraang gabi na umuwi ako.

*Flashback*

Naglalakad ako pauwi galing sa bahay nila Lucas. Binisita ko siya kasi ilang araw na siyang di nagpaparamdam sakin. Habang naglalakad ako. May mga tambay sa waiting shed na nakaupo.

"Alex. Bakit mag-isa ka ata ngayon? Asan na yong gago mong boypren? Nakahanap na ngh iba no? " Sabi ni Andrew ex-bf ko habang tumatawa.

"Tol baka naman nakabingwit ng chicks na sobrang sexy at puti. " Humagalpak ng tawa si Carl tropa niya. Anim silang magkakasama at sa palagay ko lasing ang mga to.

"Hindi ko alam eh. Sige uuwi na ko." Sabi ko kasi natatakot ako sa pwede nilang gawin. Bali-balita kasi dito sa amin na may ginahasa na daw silang babae.

" Oh 'wag muna. Kinakausap pa kita eh." Sabi ni Andrew. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Huh? Uh hindi na. Uuwi na ko. Bukas na lang tayo mag usap pagod ako eh." Sabi ko. Sa totoo lang nanginginig na ko sa takot.

"Aba hoy babae di ka ba nakakaintindi? Sabi ko wag ka munang umalis. Punyeta ka." Napabaling ang tingin ko sa kaliwa nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

"Aww.. Please bitawan mo na 'ko. Uuwi na 'ko." Pagmamakaawa ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nasampal. Ansakit ng pisngi ko. Pero ininda ko 'yong sakit.

"Tanga ka ba? Ngayong hawak na kita di ka na makakawala sakin. Dati pa kita gustong maangkin. At ngayon na ang tamang panahon. " I can't believe this. Pumatol ako sa isang adik. Hinawakan na ko ng tatlo pa nilang kasama at ang isa naman kinuha ang sasakyan.

Fallin' Into PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon