Nagmulat ako nang mata pero napapikit ulit dahil sa liwanang nang ilaw. Minulat ko ulit at tiningnan ang paligid. Puro puti lang ang nakita ko at sa palagay ko ay hospital ito. Ginalaw ko ang aking kamay tsaka ko lang napansin na may tao palang natutulog.
"George." tawag ko sa kanya pero hindi pa rin nagising. "George." tagwa ko ulit at doon lang niya inangat ang kanyang ulo. Nanlaki bigla ang kanyang mata nang makita ako
"Lex? Lex, gising ka na. Wait lang at tatawagin ko si Doc." natatarantang sabi niya pero pinigilan ko siya.
"Asan si Ara? Asan ang anak natin? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko at umagos ang mga luha sa pisngi ko. Kumunot ang noo niya.
"Wala na si Ara, Lex. Matagal nang patay ang anak natin." malungkot niyang sabi.
"Anong namatay? Anong matagal na? 'Di ba kinidnap siya nila George at binaril?" nagtatakang tanong ko.
"Huh? Hindi. Namatay siya dahil naaksidente ka." sagot niya.
"Hindi. Magkasama pa nga tayo.Huwag mo nga akong biruin nang ganyan hindi nakakatuwa. Asan na siya?" nagwawala ako habang sinasabi iyon. Bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok si Mhenzae at Andrew.
"Anong ginagawa nang hayop na 'yan dito? Pinatay mo anak ko. Hayop ka! Papatayin din kita." umiiyak kong sigaw sa kanya.
"Zae tawagin mo si Doc Clarisse, bilisan mo." utos ni George tapos niyakap ako. Maya-maya lang dumating ang Doctor at mga nurses. Tinurukan nila ako at nararamdaman kong nanghihina at nakatulog ulit, pero bago 'yon narinig ko pa ang pag-uusap nila.
"Doc, bakit ganun ang reaksyon niya?" tanong ni George.
"Iyon siguro ang laman nang paniginip niya habang natutulog." sagot ng Doctor.
"Ano ang gagawin ko Doc?" tanong ulit ni George.
"Pagkagising niya, ipaliwanag mo sa kanya ang nangyari dati." sagot ng Doctor. Pagkatapos nun ay nawala na ako sa ulirat. Alas-singko nang hapon na ako nagising.
"George?" tawag ko. Kaagad naman siya tumayo at lumapit sa akin.
"Bakit? may masakit ba sayo? Sabihin mo lang sa akin at tatwagin ko si Doc. Clarisse." sabi niya sa akin.
"Wala, wala. wede mo bang sabihin sa akin ang mga nagyari? Narinig ko kasi ang sinabi ni Doc kanina bago ako makatulog." tanong ko sa kanya. Tumango siya at umupo sa silya sa gilid ko.
"Naalala mo pa ba ang nangyari bago ka nawalan nang malay?" tanong niya.
"Oo, may asong biglang tumawid kaya iniwasan ko." sagot ko naman sa kanya.
"You were in comma. Five years ka nang natutulog dito sa hospital." na-shock ako sa sinabi niya. Ganun ako katagal na nakatulog? "Sabi nang mga Doctor himala na lang kung gigising ka pa. Sobrang tagal kitang inantay, dumating pa sa point na muntik na kong sumuko. Pero lumalaban ka, kaya lumaban din ako. Namatay ang babay natin sa sinapupunan mo nung araw na naaksidente ka." mangiyak-ngiyak niyang kuwento. Pati ako hindi ko napigilan umiyak.

BINABASA MO ANG
Fallin' Into Pieces
Historia CortaAlam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magi...