Pagkarating ko sa bahay, nakita ko si Nanay na nilalabas ang mga gamit ko.
"Nay, bakit niyo po nilalabas ang mga gamit ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nay? Hah! Pagkatapos mo 'kong bastusin tatawagin mo pa akong nanay? Ang kapal din ng pagmumukha mong malandi ka ah." Galit na galit na sabi niya sa akin. Biglang napantig ang tainga ko at bumangon na naman ang galit sa puso ko.
"Mawalang galang na ho, pero 'di kayo kagalang-galang. Una sa lahat BAHAY ko 'yan. Ako ang nagpakahirap sa pagtatrabaho para lang maipatayo ang bahay KONG yan." Sagot ko sa kanya at diininan ko talaga ang salitang bahay at kong.
"Napakawalang respeto mo talagang bata ka. Sana tuluyan ka nang namatay." -Nanay.
"'Yon nga din ang hiling ko eh. Pero ito nabuhay ako kasi may misyon pa akong tutuparin, at iyon ay ang bigyan ng katatungan ang pambababoy nila sa akin." Mahinahon ngunit may diin ang bawat sambit ko nang mga salita.
"Sa palagay mo may maniniwala sa iyo? Aasa ka lang dahil kahit ni isa walang maniniwalang ginahasa ka kasi likas na malandi ka." Sigaw niya ulit sa akin.
"Who knows? " 'Yon na lang ang sinabi ko at pumasok sa bahay. Ayoko ng umiyak. Pagod na ako. Humanda kayong lahat gaganti ako at sisiguraduhin kong mabubulok kayong lahat sa kulungan.
Kinabukasan, palabas na ako ng bahay nang mamataan ko si Lucas sa gate na nag-aantay.
"Alex can I talk to you?" Mahinahong sabi ni Lucas.
"What for?" Mataray kong tanong sa knaya.
"About us." Sabi niya.
"Us? Wala nang tayo Luke. Tapos na tayo. Tinapos mo 'yon one year ago pa. Tinapos mo 'yon noong lokohin niyo 'ko ni Carla." Sigaw ko sa pagmumukha niya.
"Alex. I'm sorry." Nakayukong sabi niya. Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis ko sa kanya. Ang sarap niyang suntukin.
"Pwede ba tama na? Tigilan mo na 'ko. Marami pa kong aasikasuhin at isa na dun ang paghahanap ko ng hustisya sa panggagahasa sa akin." Sabi ko.
"Sa palagya mo may maniniwalang ginahasa ka? Ginusto mo 'yon Alex." Sigaw niya sakin. Hindi na ako nakapagtimpi pa. Pinadapo ko ang palad ko sa magkabila ng pisngi. Sobrang nanggigigil ako.
"Ang kapal ng pagmumukha mo. Ang kapal kapal. Alam mo isa ka pa eh. Kayong mga lalaki kayo wala na kayong ibang gusto kundi ang pagkababae lang namin. Mga hayop kayo. Pagb abayaran niyo ang ginwa niyo sa'kin. Ikaw. Si Carla. Pati na ang mga hayop na nanggahasa sa akin. Tandaan niyo, magbabayad kayong lahat." Humagulgol na ako noon. Pinaghahampas ko si Luke. Sinisipa at sinusuntok. Doon ko lang mailabas lahat ng sakit, poot at galit na nararamdaman ko. Pagkatapos ng limang minuto tumigil na ko sa kakaiyak.
"Wala nang patututnguhan 'to." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad nag-isip na ko ng gagawin kung saan hihingi ng tulong para mabulok sa kulungan sila Andrew at ang mga kasamahan niya.
"Hi alex. Kamusta?" Napatigil ako sa paglalakad nang may humintong van sa aking tagiliran. Noong lingunin ko nakita ko sila ni Andrew, kumpleto sila at nakangiting demonyo.
"Mga hayop kayo, ipapakulong ko kayo." Sigaw ko sa kanila. May nakita akong kahoy, kinuha ko iyon at akmang ihampas sa kanila ngunit mabilis pa sa alas kuwatro na pinaharuruot nila ang van. Mga demonyo. Humanda kayo. 'Di ako titigil hangga't hindi mabigyan ng hustisya ang pambababoy niyo sa akin.
Pagkatapos nang tagpong 'yon. Naalala ko ang kaklase ko sa na si Mhenzae. Isa siyang Lawyer at kaibigan ko siya. Pumunta ako sa opisina niya at sa kanya ako humingi ng tulong.
"Alex kelan naganap 'yon?" Tanong ni Zae sa akin.
"Three weeks ago na." Maluha-luha kong sabi sa kanya.
"Hayop talaga 'yang si Andrew. Walang patawad. Huwag kang mag-alala tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Pero kailangan din nating humingi ng tulong sa NBI. May kaibigan ako doon si George. Mabait 'yon doon na lang tayo hihingi ng tulong para na rin sa kaligtasan mo 'pag nagsimula na ang laban." -Zae.
"Salamat Zae. Akala ko wala na 'kong pag-asang mabigyan ng hustisya ang pambababoy nila sa akin." Humihikbi ako habang sinasabi iyon.
"Wala 'yon ano ka ba. Magkaibigan tayo. Ang magkaibigan nagtutulungan. Dati ikaw ang tumutulong sa akin sa mga projects ko. Ngayon ako naman." Nakingiti niyang sabi sa akin. Napangiti na rin ako.
"Oh, sige salamat. Mauna na 'ko para makapag-paalam sa Boss kong magleleave ako." Sabi ko sa kanya.
"Sige ingat ka." Sagot niya at nagpaalam na kami sa isa't-isa.
This is the beginning. Humanda kayong lahat. Mabubulok kayo sa kulungan.
BINABASA MO ANG
Fallin' Into Pieces
Short StoryAlam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magi...