Chapter 8:

141 7 8
                                    

"Zae, okay ka lang ba? May dugo ang noo mo." Nag-aalalang tanong ko. Buti na lang at nakapag-preno agad kundi durog-durog na siguro kami ngayon.

"Oo, ikaw ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong din niya.

"Wala naman. Nahilo lang ulit." Sagot ko sa kanya.

"Shit. Sino hayop kaya ang may pakana nito? Bakit nila tayo hinahabol? Humanda sila kapag nalaman ko." Galit na sabi niya. Nakakatakot talaga siya kapag nagagalit.

"Sa totoo lang? Hindi ko rin alam. Sila rin 'yong bumaril sa Restau na pinuntahan namin ni George nun." Naalala ko ang pangyayaring iyon. Kung saan may sasabihin siya sa akin tungkol kay Ara.

"Parang alam ko na." Biglsng sambit niya at tuma-tango-tango pa.

"Sino?" Tanong ko.

"Don't you get it?" Tanong niya.

"Sino pa? Edi ang gagong Andrew na 'yon." Masungit niyang sabi.

"Alam mo Zae, naaksidente na tayo't lahat lahat hindi pa rin mawawala 'yang kasungitan na meron ka sa katawan mo." Sabi ko sa kanya.

"Whatever. Tayo na. Pakshet na mga taong 'yon, balak pa nila tayong patayin." Nanggagalaiting sabi niya.

"Kaya nga." Napabuntong hininga na lang ako pagkasabi ko nun.

"Hindi nila alam na mababawasan nang isang Hot and Sexy sa mundo kapag nangyari 'yon." Sabi pa niya. Napatawa ako sa sinambit niya.

"For real, Zae? Nakuha mo pang alalahanin ang pagka- Hot and Sexy mo sa gitna nang nangyari sa atin? You're impossible." Napapailing at tumatawang sabi ko.

"Naman. I'm just stating the fact." Nakangising sagot niya at pinaandar ang kotse.

"Kay fine." Sabi ko. Nakatingin lang ako sa labas nang bintana buong biyahe. Hindi na rin umimik si Zae pagkatapos nun.

******

Papunta na kami sa Hospital ngayon. Nakausap ni Zae si George at ayon nga sabi niya pumunta kami sa St. Luke's para may bantay si Ara.

"Lex, Zae, buti naman at ligtas kayo." Iyan agad ang sinabi niya pagkakita niya sa amin.

"Oo nga e. Na-insecure lang siguro sa paggiging Hot and sexy ko kaya balak kaming patayin." Natatawang sabi niya. Napatawa na rin kami sa tinuran niya.

"Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin makagpag-move on dyan sa paggiging Hot and Sexy mo Zae?" Natatawa pa ring tanong ko.

"Hindi." simpleng sagot niya.

"Halina kayo, at kanina pa kayo inaantay ni Ara." Aya ni George sa amin. Agad kaming tumalima. Pagkapasok namin sa kwarto ni Ara tulog pa siya.

"Napagod siguro kakaantay kaya nakatulog." Sabi ni George. Umupo ako sa sofa at sumunod naman si Zae.

"Zae, hiramin ko muna si Alex may kailangan lang akong sabihin sa kanya." Pagpapaalam ni G kay Zae.

"Sige. Dito na muna ako." Sabi ni Mhenzae.

"Pwede ka bang bumili munang tubig? Ubos na kasi ang tubog ni Ara sa ref." Tanong ni G kay Mhenzae.

"Ow. Sure. Okay lang ba na walang bantay dito si Ara?" Tanong naman ni Zae sa kanya.

"Oo naman. Walang makakapasok na ibang tao rito." Nakangiting sabi ni George. Lumabas na si Zae at sumunod naman kami ni George. Dun niya ako dinala sa roof top ng hospital.

"Lex, may kailangan kang malaman." Panimula niya.

"Hmmm. Ano?" Tanong ko.

"Pero bago 'yon hiumihingi ako nang sorry sa mga sinabi ko kahapon." Sabi niya.

"Wala 'yon. Naiintindihan naman kita." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sorry pa rin at salamat." Nakangiti rin siya habang sinasabi iyon.

"Ano na?" Naaatat na tanong ko.

"Una, about sa kaso mo. Nawawala sila Andrew, balita ko nagpaplano silang umalis nang bansa. At 'yong nangyari sa atin sa Restau, sila ang may pakana nun. Pero hinahanapan pa namin nang ebidensya." Sabi niya. 

"Edi ibig sabihin sila rin ang may pakana nang nangyari sa amin kahapon?" Nagtatakang tanong ko. Kumunot ang noo niya.

" Do you mean, iisa lang ang gumawa nun? Ganung sasakyan pa rin ba ang gamit nila? Tumango ako.

"Oo, nakita ko kasi sa side mirror at sinabi ko iyon kay Zae." Sagot ko sa kanya.

"Siguradong sila 'yon. Pangalawa, may witness na sa kaso mo. Naalala mo pa ba ang matandang tumulong sayo?" Tanong niya.

"A-ah. Oo. Siya 'yong nakakita sa aking nakahandusay sa sahig." Naalala ko ang ginawa nila sa akin.

"Pumunta siya sa opisina kanina at makikipag-cooperate siya amin." Nakangiting sambit niya.

"Salamat talaga George." Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.

"At ang huli, tungkol kay Ara." Napabuntong -hininga siya.

"Anong meron? Nung nakaraan mo pa sinasabi 'yan pero hindi matapos tapos." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Oo nga e. Lagi kasing may nangyayari everytime na  sasabihin ko sayo." Seryosong sabi niya.

"PAnsin ko nga e." Sabi ko naman sa kanya.

"Si Ara, she's your daughter." Sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"What? Are you crazy? Paano ko naman magiging anak 'yon?" Nagtatakang tanong ko.\

"Hindi mo ba talaga matandaan? Kinalimutan mo na talaga kami? Lex naman, ang tagal ka naming hinitay. Tapos nung makita kita gustong-gusto kong sabihin sayo ang lahat. Ang dami kong gustong sabihin sayo pero hindi ko masabi dahil nangingbabawa ang pagka-miss ko sayo." Mangingiyak ngiyak  niyang sabi.

"Hindi ko maintindihan. Ano ba ang nangyayari sayo?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanya.

"One-year na si Ara nun nung maaksidente ka. Nahulog sa tubig ang kotseng minamaneho mo dahil iniwasan mo ang asong tumawid." Kwento niya. Hindi ako umimik kaya ipinagpatuloy niy. ""Yong kotse mo nakita namin na nakalutang na lang sa ilog at wala ka na dun. Lex, four years ka naming hinanap. Nalaman ko na lang na buhay ka nung makita ko sa telebisyon ang balita tungkol sa kaso ni Andrew. Mabuti pa si Zae, naalala mo pero kami nang pamilya at anak mo hindi mo man lang maalala." Dagdag pa niya.

"T-talaga?" Mangingiyak kong tanong.

"Oo, i-----"

"Lex, George, si Ara nawawala. Hindi niyo ba napansin? Akala ko sumunod sa inyo?" Hinihingal na tanong ni Zae.

"Panong nawawala? Hindi naman siya umakyat dito." Sagot ni George. Hindi ako makaimik kasi hanggang ngayon may after shock pa ako sa nalaman ko.

"Shit. Dito na muna kayo. Hanapin niyo rin at ipapacheck ko ang CCTV camera nang hospital." Sabi ni George. Tumakbo na siya pababa nun.

"Lex, huy, anong nangyari sayo?" Tanong ni Mhenzae.

"Zae, is it true?" Tanong ko rin sa kanya.

"Ha? Ang alin?" Nagtatakang tanong niyA.

"Na anak ko si Ara?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"S-sinabi na niya sayo?" Nauutal na tanong niuya. Tumango ako bilang sagot.

"Zae, Lex, may mga dumukot sa kanya. Sa palagay ko sila Andrew iyon." Hinihingal rin na sabi ni George. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulong na ako. Sunod-sunod na lang ang mga balitang natatanggap ko. Kung may good meron ding bad.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yay. Malapit na talaga matapos. Haha.

Fallin' Into PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon