Chapter 6:

156 8 6
                                    

Simula nung araw na 'yon sa bahay nila George na kami nakatira ni Mhenzae. Ako lang dapat kaso ayaw pumayag ni George baka si Zae ang pupuntiryahin nila. Malaki ang bahay nila, parang mansiyon na at napapalibutan ng mga guwardiya kaya safe na safe kami. Andito kami ngayon sa gazebo, nag-uusap.

"Lex, you know what? You need a break." Sambit ni Mhenzae.

"What kind of break? Break na kami ni Lucas." Sabi ko sa kanya.

"Gaga. Hindi break na hiwalay,break na time out. Kailangan mong magpahinga at mag relax. Masyado ka nang naistress these past few months." Natatawang sabi niya at nag- roll eyes.

"Sobrang haggard na ba ang face ko?" Natawang tanong ko sa kanya.

"oo." Diretsong sagot niya.

"Oo nga naman Lex. What if let's go out with Ara?" Singit ni George.

"What do you mean with 'go out', G?" Malisyosang tanong ni Zae.

"Out like going outside of this house." Pamilosopo ni George. Natawa ako sa sinabi ni G, pero si Zae, she's at her usual expression, her famous poker face.

"joke lang. Pupuntang park, Subic,Baguio, Tagaytay kahit saan." Sabi ni George.

"Are you asking her on a date?" Nakangising tanong ni Zae. Biglang uminit ang mukha ko sa tanong ni Zae.

"Ah. Eh. Y-yeah." Nauutal na sagot ni George sabay kamot sa ulo niya. Ang cute niyang tingnan sa gesture niyang 'yon.

"Yiiieeehhh. Pag-ibig na ito. Hart hart." Panunukso ni Zae at sinusundot-sundot pa niya tagiliran ko.

"A-ano ba. Tumigil ka nga." Nahihiyang sabi ko.

"Uy, nagbu-blush." Hindi pa rin siya tumigil.

"Tigilan mo ko Mhenzae kung ayaw mong i-Zaepper ko 'yang bibig mo. Sabi ko sa kanya. Tumawalang silang dalawa. Ewan ko ba pero feeling ko matagal ko nang kilala si George.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Andito kami ni Ara ngayong sa park na sinabi ni Geogmundo kay Ara sa school niya, nasa office pa kasi si George. Ang usapan namin alas tres kami magkikita dito. May sinat pa ang bata, sabi ko nga sa kanya pupunta na lang kaming Hospital at itetext ko na lang Daddy niya kaso ayaw.

"Siguro andun na naman si Leslie kaya hindi makaalis nang maaga si Daddy." Narinig kong sabi ni Ara.

"Sinong Leslie, baby?" Tanong ko sa kanya. Medyo nagulat siya nung nagtanong ako.

"Mommy, narinig mo po 'yon?" Tanong niya sa akin.

"Opo,anlakas kasi ng boses mo." Sabi ko.

"Siya po 'yong anak ng business partner ni Daddy na patay na patay sa kanya." Nakalabing sabi niya.

"Ah. Yaan mo na, pupunta pa rin naman dito si Daddy 'di ba?" Sabi ko na lang sa kanya. Pero ang totoo nacu-curious din ako sa Leslie na 'yon.

"Mommy niaantok na po ako. Pwede po ba akong mahiga sa lap mo?" Tanong niya.

"Sige, halika." Sagot ko. Humiga na siya sa lap ko at 'di kalaunan nakatulog na rin. Ang tagal niyang natulog. Inabot kami ng alas sais sa park pero walang George na dumating. Nag-aalala na ako. Hindi siya nagtetext at naka-off ang cellphone niya. Nakailang try na ko,pero cannot be reach pa rin.

"Mommy, wala pa po si Daddy?" Tanong ni Ara at kinusot-kusot niya ang kanyang mata.

"Wala pa baby, baka may emergency lang. Antay na lang tayo ng isang oras okay?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umupo. Lumipas ang isang oras at wala pa ring George na dumating. 

"Baby, baka nasa bahay na si Daddy. Tara uwi na tayo tsaka masama pakiramdam mo." Aya ko sa kanya. Tumayo naman siya at inantay ako. Binitbit ko lang ang bag namin at iiwan ko na lang sa guard ang mga iba pa naming dala.

"Tara na." sabi ko at nag abang kaming taxi pero walang dumaan, kaya no choice kami kundi ang mag-dyip. Kinarga ko na lang si Ara para hindi siya mahirapan. Saglit lang din at nasa bahay na kanto na kami ng subdivision. Kailangan pa namin magtrike papasok.

"Baby, halika na nasa bahay na tayo." Sabi ko kay Ara, ang taas ng lagnat niya. Nag door bell ako at binuksan kaagad ng guard ang gate.

"Andyan na ba si George,manong?" Tanong ko kay Manong guard.

"Wala pa po ma'am. Akala ko po magkasama kayo?" Nagtatakang tanong niya. Umiling lang ako at dumiretso na sa kwarto ni Ara para ihiga siya. Tianong ko siya kung okay lang ba siya at tumango naman. Binihisan ko muna siya bago patulugin. Napabntong hinga ako dahil naawa ako sa bata. Inantay ko pa rin si George pero nakatulog na ko.

"Lex." Naramdaman kong may tumapik sa likod ko kaya inangta ko ang aking ulo at bumungad sa akin ang mukha ni George.

"Oh, san ka nanggaling?" Tanong ko.

"Sa bahay nila Leslie, dumating kasi si Mr. Yu." Sagot niya na parang wala lang. Nainis ako kasi hindi man lang niya tinanggihan ang tao. Hindi niya inisip na inaantay siya ng anak niya.

"Ah ganun ba?" Mapakla kong sagot.

"Hey. What's wrong?" Nagtatakang tanong niya.

"Wala. Nag-antay lang naman kami ng anak mo doon sa meeting palce natin. Limang oras ka lang naman naming inantay." Sabi ko sa kanya. 

"Ay. Oo nga pala. Sorry nawala sa isip ko." Pagpapaumanhin niya.

"Huwag kang mag-sorry sa akin, kundi sa anak mo.Ano ba namang tiniis niayng antayin kahit ang taas na ng lagnat niya?" Sarkastikong sabi ko. Gumuhit ang pag-alala sa mukha niya.

"Okay na ba siya? Pasensya talaga nawala sa isip ko." Dali-dali siyang lumapit kay Ara. Pero hindi pa siya nakalapit narinig kong tinawag ako ni Ara.

"Mommy, naiihi na po ako." Nagising siguro sa lakas ng boses namin.

"Wait lang baby." Lumapit ako sa kanya at binuhat siya.

"Ako na." Sabi ni G.

"Mommy, lalabas na." Dagdag pa ni Ara. Dali-dali naman akong naglakad papuntang C.R. Nagtataka ako kung bakit 'di niya pinansin ang Daddy niya.

"Baby, bakit hindi mo pinansin si Daddy?" tanong ko.

"Ayaw ko sa kanya. Bad siya, pinagpalit na niya ako sa Leslie na 'yon." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Naawa ako sa kanya kaya niyakap ko na lang siya. Lumabas kami ng C.R na humihikbi pa siya.

"Baby may masakit ba sayo?" Tanong ni George pero di siya nito pinasin.

"Mommy, I'll sleep na." Sabi niya at humiga na kama. Tiningnan ko si George. Naawa ako sa kanya pero hindi pa rin mawala ang inis ko sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto ni Ara at pumasok sa kwarto ko. Bukas na lang kami mag-uusap ni George dahil apgod ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dyaran. hanggang dyan lang muna tayo. konting kembot na lang tapos na ito. ^_^

Fallin' Into PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon