Pagising ko kinaumagahan nag-ayos na ako at bumaba. Nakita ko si George sa sala nakaupo. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko roon si Ara na kumakain.
"Baby, bakit ka nag-iisa? Hindi mo kasabay si Daddy?" Nagtatakang tanong ko. Tumingin lang siya sa akin at kumain ulit. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan kong kausapin si George. Pumunta akong sala at andun pa rin siya nakaupo.
"George." Tawag ko sa kanya. Malalim siguro ang iniisip kay nagulat siya.
"Oh? Kaw pala Lex. Sorry talaga kahapon, nawala sa isip ko e." Pagpapaumanhin niya.
"Alam mo, huwag kang mag-sorry sa akin, kundi sa anak mo. Nadis-appoint si Ara, kahit nahihirapan siya inantay ka pa rin niya pero hindi mo man lang naalala na may batang nag-aantay sayo." Pagalit kong sabi sa kanya.
"Sorry." Ulit niya tapos yumuko.
"Sorry? Huwag sa akin. Okay lang sana kung ako lang 'yong nag-antay , pero for Pete's sake G, anak mo 'yong pinag-antay mo nang ilang oras." Sigaw ko sa kanya.
"Nakalimutan ko nga 'di ba? Mahirap bang intindihin 'yon?" Ganting sigaw niya sa akin. Hindi ko skslsing sisigawan niy ako nang ganun-ganun lang.
"Huwag mo 'kong sigawan. Ang mahirap intindihin ay, kung bakit mo kalimutan ang pinangako mo sa anak mo?" Sigaw ko ulit sa kanya.
"Isa ka pa Lex, akala ko maiintindihan mo pero hindi pala. Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko kaya kung magalit ka daig mo pang ikaw ang magulang." Sabi niya. Pero sa sobrang inis ko dumapo ang palad ko sa kaliwang pisngi niya.
"Ang kapal din nang mukha mo. Aalis ako sa bahay na 'to.Bwisit." Sabi ko at umalis na sa harap niya. Pagtalikod ko nakita ko si Ara na nakatayo sa pintuan ng kusina.
"Tita Alex, iiwan mo na ako?" Nagulat ako, hindi sa tanong niya kundi sa tinawag niya akong Tita.
"A-ah,baby kelangan na kasi ni Tita umalis dito." Sabi ko sa kanya. Teary-eyed na siya.
"Sige. Iiwan mo rin pala ako." Pagkasabi niya nun umalis na siya. Tiningnan ko lang siya habang naglalakad paakyat sa kwarto niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Umakyat na rin ako at inayos ang mga gamit ko. After 30 minutes, lumabas na ako sa kwarto ko at pinuntahan si Ara para magpaalam.
"Ara?" Tawag ko sa kanya at kinatok ang pintuan. Hindi siya nasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto. Laking gulat ko sa aking nakita kaya napasigaw na lang ako.
"ARA. GEORGE SI ARA. BILISAN MO." Sigaw ko sa pintuan niya. Narinig ko ang mga hakbang ni George habang paakyat sa hagdan.
"Bakit? Anong nangyari sa anak ko?" Hinihingal na tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam. Nakita ko na lang na nakahandusay siya sa sahig at walang malay. Ang init niya, dalhin na natin sa hospital." Natatarantang sagot ko sa kanya.
"Hey. Calm down. Baka mamaya dalawa na kayo ang isusugod ko sa hospital." Sabi niya. Tumayo na kami at nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Pagdating naman sa hospital agad na inasikaso ng mga nurse at Doctor si Ara.
"Kasalanan ko 'to. Bwisit. Bwisit. Bwisit. Kasalanan ko talaga 'to." Sinuntok niya ang pader.
"George, ano ka ba. umupo ka nga at kumalma. Magiging maayos din ang ang lahat, okay?" Pigil ko sa kanya.
"Paano ako kakalama kung alam ko ako ang dahilan nang nangyari sa kanya?" Sigaw niya sa akin. Hindi na lang ako umimik dahil alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon.
"Kung magwawala ka ba diyan gagalingf agad agad ang anak mo?" NAkakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Pwede ba manahimik ka na lang dyan sa tabi. Huwag kang makialam dahil anak ko 'yon." Galit na sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat pagkatapos ay niyugyog.
"Ano ba. Masakit, pwede bitawan mo ko dahil nahihilo na ako." Sigaw ko sa kanya.
"George, ano ka ba. Nasasaktan na si alex hindi mo ba narinig ang sinabi niya?" Galit na sabi ni Mhenzae. Buti na lang at dumating siya. Medyo nahimasmasan siguro siya kaya binitawan niya ako. Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang pagkahilo.
"Lex, okay ka langa ba?" NAg-aalalang tanong ni Zae sa akin.
"Oo, medyo nahihilo pa."Sagot ko.
"Ang mabuti pa, umuwi muna tayo sa bahay ko para makapagpahinga ka.G, ikaw na muna bahala kay Ara uuwi lang kami. Babalik kami rito kapag malamig na 'yang ulo mo." Sabi ni Zae. Wala namang ibang sinabi si George, tumango lang siya.
"Tara na?" Aya ni Zae.Tumango ako at tumayo na rin.
"Zae, Lex, sorry." Iyon ang huli naming narinig mula kay George bago umalis.
"Lex, pagpasensyahan mo na si George, ganun lang talaga ang nangyayari sa kanya sa tuwing may nangyayari sa anak niya." Pagpapa-umanhin ni Zae.
"Okay lang, I understand him. If I were on his situation,maybe I'll react the way he reacted." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Ang tagal pa kasi niyang abihin ang totoo. Ayan tuloy siya rin ang nahihirapan." Bulong ni Zae, pero narinig ko.
"Kanino?" Tanong ko sa kanya.
"Narinig mo pa 'yong binulong ko? Hanep pre, antalas nang pandinig mo." Natatawang tanong ni Zae sa akin.
"Ewan ko sayo. Natatanong ako, sinagot mo nang isa pang tanong. Kelan pa naging sagot sa isang tanong, ng tanong?" Nakakunot-noong sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko. Nung tumingin ako sa side mirror napansin kong nasa likod pa rin namin ang Van na kanina pa nakasunod. Akala ko naman iisang way lang ang pupuntahan namin.
"Zae, napansin ko lang ha." Humarap ako sa kanya.
"Hmmm?" Sagot niya na diretso pa rin ang tingin.
"Kanina pa nakasunod sa atin ang Van na 'yon." Pagkasabi ko nun, tumingin siya sa side mirror at eksaktong pinaputukan kami. Napasigaw kami sa takot at gulat.
"God, Zae, tayo ang pinupuntirya nila. What should we do?" Natatarantang tanong ko.
"May baril dyan sa ilalim nang upuan mo, kunin mo bilis." Utos niya sa akin. Nung una, umayaw ako, pero sa huli kinuha ko rin kasi hindi nila kami tinitigalan sa pagbaril.
"Ito oh." In abot ko sa kanya ang baril. Nagdadasal ako na sana makakaligtas kami. Umiiyak na ako sa sobrang takot. Pero hindi pa naikasa ni Zae ang baril napansin kong may sasakyang tumawid at malapit na kami.
"Zae, may sasakyan." Sigaw ko sa kanya. Napasigaw na lang kaming dalawa sa sumunod na nangyari.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yiiiisssss.. Dalawang chapter na lang. haha. Mamaya pag inipag ulit ako mag-uupdate ako nang chapter 9 para tapos na bukas.
Vote.Comment. Thanks. ^___^
BINABASA MO ANG
Fallin' Into Pieces
Historia CortaAlam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magi...