Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh." Napabalikwas ako nang bangon sa kama dahil nanaginip ako. Napanaginipan ko ang kinwento ni George sa akin. Ngayon naalala ko na ang nangyari bago ako maaksidente. Tinext ako ni George nun na pumunta sa VF Hotel pero nahulog ako sa ilog. Sumakit bigla ang ulo ko.
"Lex, anong nangyare? Bakit ka sumigaw? " Natatarantang tanong ni Zae pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Napanaginipan ko ang nangyari dati. Naalala ko na Zae, kaya sumakit ang ulo ko." Masayang sabi ko sa kanya.
"Thank God at naalala mo na." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Napahiwalay kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumayo siya tapos sumenyas na lalabas siya sa kwarto ko kaya tinanguan ko na lang siya. Nung tiningnan ko kung sino ang tumatawag nagtaka ako, unknown number kaya sinagot ko agad.
"Hello?" Bungad ko. Walang sumasagot kaya inulit ko. Nakatatlong ulit na ako nung nagsalita ang nasa kabilang linya.
"Hello Lex, kamusta ka na?" Sabi niya. Kung hindi ako nagkakamali si Andrew ito.
"Yes. Kilala mo pa rin pala ang boses ko? Good thing, namimiss mo ba ako?" Tanong niya. Siguro nakangisi pa 'to habang sinasabi iyon.
"Umasa ka. Kapal naman nang mukha mo para itanong 'yan sa akin." Sagot ko sa kanya.
"Kaya kita nagustuhan dahil dyan sa katarayan mo. Napaka-challenging mo kasi o talagang nagpapakipot ka lang?" Tanong niya ulit at tumawa nang malakas.
"Dream on. Anong kademonyohan ang pumasok sa isip mo at tumawag ka?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.
"Wala naman. May nakakamiss lang sayo, gusto mong kausapin?" Tanong niya sa akin. Na-curious ako kung sino kaya umo-o ako.
"Pre, dalhin mo na rito. Bilisan mo at nag-aantay si Alex." Narinig kong utos niya. Maya-maya lang may marinig akong iyak nang bata. Kinabahan ako bigla, alam na alam ko kung sino ang batang iyon.
"Ara, baby, anong ginawa nila sayo?" Sigaw ko.
"Mommy, bad sila. They said that they'll kill you and daddy. Mommy help me." sabi niya habang umiiyak.
Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa sobrang galit.
"Napakahayop mo Drew, pati bata dinamay mo pa sa kademonyohan mo." sigaw ko ulit.
"Kalma ka lang Lex, makikita mo rin naman ang anak mo. Mamaya sa likod nang building na dinalhan namin sayo. May makikita kang isang bahay, pumasok ka. Huwag mong tangkain na magsumbong sa mga pulis o kahit kanino kundi bang bang bang. Goobye baby Ara." Sabi niya at tumawa nang malakas.
"Hayop ka talaga kahit kelan. Huwag na huwag mong saktan ang anak ko papatayin kita, tandaan mo 'yan." galit na galit kong sabi sa kanya.
"Ay nakakatakot ka naman magalit Lex, nanginginig ako sa takot." Pang-aasar pa niya at tumawa ulit.
"Papatayin talaga kitang hayop ka pag nakita kita." sabi ko. Kailangan kong mag-isip nang paraan para mailigtas ang anak ko.
"Aantayin kita Lex, alas-kwatro." pagkatapos niya sabihin iyon ay pinatay niya. Naihagis ko ang phone sa sobrang inis. Alas tres na, kailangan ko nang maghanda dahil isang oras na lang. Sana walang mangyaring masama sa anak ko. Hindi pa kami nagsisimula pero iti na agad ang mangyayari? Pagsapit nang 3:30 umalis na ako nang bahay.
"Zae, aalis lang ako saglit babalik din agad." paalam ko kay Mhenzae. Tumango lang siya. Pagdating ko sa lugar na sinabi ni Andrew, naalala ko lahat. Lahat lahat nang pambababoy nila sa akin.
"Ara? Baby? Andito na si Mommy." Sigaw ko. May narinig akong kaluskos sa taas kaya umakyat ako.
"Oooops. Hanggang dyan ka lang Lex." sabi nang isang lalaki. Isa ito sa mga kasamahan ni Drew na gumahasa sa akin.
"Asan ang anak ko?" tanong ko sa kanya.
"Mommy, mommy." narinig kong sigaw ni Ara. Sinundan ko nang tingin ang boses na 'yon at nakita ko siyang nakatali sa isang upuan sa baba. Nang akmang tatakbo na ako, nakita ko si Andrew na papalapit sa anak ko.
"Hep. Huwag kang umalis dyan. Isang kalabit ko lang wala nang Ara sa buhay mo." sabi ni Andrew.
"Kahit kelan napaka-unfair mo lumaban Drew. Ginamit mo pa ang bata para hindi ka matalo. " sabi ko sa kanya. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko kahit nanginginig na ako sa takot. Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko.
"Ganyan talaga ang buhay Lex, kailangan maging matalino ka sa lahat nang bagay." nakangising sabi niya.
"Huh. Matalino ka na sa lagay na 'yan? Ang bobo mo nga e. Bakit? Kasi walang kalaban laban ang bata. " sabi ko naman.
"Kahit kelan rin napakatalas nang tabas niyang dila mo." sigaw niya at sinampal ako.
"Totoo naman a, babae lang ang kaya mong labanan kasi duwag ka. Hindi mo kagang lumaban sa mga taong mas malakas sa amin kasi duwag ka." sigaw ko sa kanya ngunit dumapo na naman sa kabilang pisngi ko ang palad niya.
"Hindi ka ba talaga titigil? Igapos niyo 'yang gagang 'yan , ngayon na." utos niya sa mga alipores niya.
"Subukan niyo kung hindi sabog ang bungo nang biss niyo." biglang may nagsalita sa baba. Nagulat ako nung lingunin ko, si George at wala na doon Ara. Nakahinga ako nang maluwag dahil dumating siya.
"George, panu ka nakarating dito?" tanong ko. Sumenyas siya na mamaya na. Hinawakan ako ni Andrew sa braso at kinaladkad paakyat. Binaril naman nang mga kasama nila so George pero nakatago agad ito.
"Gaga ka Lex, pagsisihan mo at hindi mo sinunod ang sinabi ko." galit niyang sabi. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak niya sa braso kaya halos madurog ang buto ko sa sobrang lakas.
"Hindi ko sinabi sa kanya. Bitiwan mo ako hayop ka." sigaw ko sa kanya. Napasalampak ako sa sahig nung bigla niya akong tinulak papasok sa isang kwarto at nilock.
"Gusto mo talagang maulit ang nangyari sayo noon 'no?" sabi niya at tinali ako sa kama. Tinanggal niya ang pagkakabutones nang blouse ko at sinimulang halikan.
"Bitawan mo ako. Hayop ka! Hayop! Tulong!" sigaw ko at pilit na nanlalaban. Hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang braso ko at sinimulan ulit halikan ang leeg ko pababa. Maya-maya pa narinig naming kumalabog ang pinto.
"Hayop ka!" sinuntok niya nang sinuntok si Andrew pero pinigilan ko siya
"George tama na baka mapatag mo siya." sabi ko sa kanya.
"Ang nararapat sa mga taong katulad niya ay mamatay." sigaw niya at nagwawala kaya niyakap ko siya . Dumating ang mga pulis at itinayo si Andrew.
"Sir salamat po." sabi ni George.
"Salamat din po sa inyo sir kung hindi niyo itinawag agad sa amin baka marami pang mabibiktima mga 'yan." sagot niya. Bumaba na kaming lahat at nakita ko si Ara na hawak ni Zae. Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Zae at tumakbo sa direksyon namin pero hindi namin inasahan ang sumunod na pangyayari.
"Ara/Baby/Sha." sabay-sabay naming sigaw.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
yes. last one chap na lang. yey..
Ano kaya ang nangyari? Abangan sa huling kabanata nang kwentong ito. Salamat.
![](https://img.wattpad.com/cover/26823473-288-k842509.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallin' Into Pieces
Cerita PendekAlam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magi...