Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon na magsisimula ang imbestigasyon sa kaso ko. Mabuti na lang at andyan si Zae na laging nasa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan kahit saan ako pumunta. Sa bahay niya ako ngayon nakatira, sabi niya kasi doon na ako para safe. Hindi ko pa nakikita ang sinasabi niyang George na taga-NBI. Pero sa totoo lang sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung may mangyayari ba sa kaso kong ito. Mahina ang ebidensya at higit sa lahat mayaman ang angkan nila Andrew. Kaya nilang bayaran ang lahat. Sa panahon ngayon mahirap mabigyan ng hustisya ang mga taong gipit. Pero malaki ang pag-asa kong mabibigyan ng hustisya ang pambababoy nila sa akin. Isinusumpa ko iyan, pagbabayaran nila ang lahat. Sa dinami-daming nagreklamo sa kanila ni isa walang naglakas loob na humingi ng tulong sa batas dahil tinakot sila nila Andrew.
"Kinakabahan ka?" Tanong ni Zae sa akin.
"Oo eh. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nakaharap ko na sila." Sagot ko sa kanya.
"Lex, huwag kang matakot okay? Andito lang ako. Ako na naniniwala sayo. Sana magtiwala ka sa sarili mo para malutas natin ito." Sabi niya sa akin.
"Pasensya ka na Zae. Alam mo namang sa pera nila dinadaan ang lahat 'di ba?" Sabi ko naman.
"Hindi lahat nabibili ng pera Lex, tandaan mo iyan. Lalaban tayo kahit anong mangyari. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa." Sabi niya ng nakangiti.
"Sige." Nakangiti ko ring sagot.
"Magtiwala ka lang sa Taas. Hinding hindi ka niya pababayaan." Dagdag pa ni Zae.
"Oo naman." Sabi ko.
"Oh tara na baka malate pa tayo." Umalis na kami ng bahay at nagtungo sa korte.
"Diyos ko, Ikaw po ang nakakaalam nang lahat. Alam ko pong hindi ako perpektong tao, pero sana po tulungan Niyo ako sa pagsubok na ito. Kayo po ang higit na makakatulong sa akin. Sa Inyo ko na po pinauubaya ang lahat. Simula't sapol hindi Niyo ako pinabayaan." Habang nasa kotse wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal. Maliban kasi mkay Mhenzae sa kanya ako higit na nagtitiwala. Wala man akong tiwala sa ibang tao pero sa Kanya buong-buo ang tiwala ko. Pagdating sa korte, sa labas pa lang marami nang media na nakaabang. Paano ba namang wala? Sabi ko nga mayaman ang angkan nila. Pagkababa namin nang kotse may babaeng lumapit sa akin. May edad na siya pero maganda pa rin kamukha siya ni Andrew. Girl version nga lang. Sa hindi inaasahan bigla niya akong sinampal. sa gulat ko hindi agad ako nakapag-react.
"Napakawalang-hiya mong babae ka. Malandi ka na nga sisirain mo pa ang pangalan ng pamilya namin." Galit na sigaw niya sa akin.
"Mrs. Lastimosa bawal ho iyan." Sabi nang lalaki. Hula ko ito ang abogado nila Drew.
"Attorney, tuturuan ko lang nang leksyon ang babaeng ito. Ang kapal nang pagmumukh niyang maghabla nang kaso sa anak ko. Pera lang naman ang kailangan mo 'di ba?" Tanong niya sa akin.
"Ma'am halina po kayo baka pati kayo makakasuhan niyan." Malumanay na sabi ng abogado.
"Can't you just wait? If you want to go inside then go. I can handle myself, I don't need you. My son needs you." Galit na sabi niya sa abogado.
"Mawalang-galang na ho Mrs. Lastimosa, but me and my client needs to go inside." Said Mhenzae. Pero ayaw pa rin paawat ng Nanay ni Andrew.May kinuha siya sa bag niya. Akala ko kung ano nung una 'yon pala ay tseke, pagkalabas niya nang tseke pinirmahan niya iyon.
"Oh ayan magwithdraw ka kahit magkano gusto mo. Iuurong mo lang ang kaso sa anak ko." Sinampal niya sa akin ang tsekeng iyon. Bago pa ako makahuma at makapag react biglang dumating si Andrew at ang dilim nang mukha niya.
"Mom? Alex ano ka ba naman. Pati Mommy ko dinadamay mo?" Sigaw niya sa akin.
"Ang kapal mo, ang kapal kapal nang pagmumukha mo. Sisisguraduhin kong mabubulok ka sa kalungan." Sigaw ko sa kanya.
"Alam mo Lex, kahit kailan napaka-eskandalosa mo. Nagsisisi ako at nanging girlfriend kita." umiiling na sabi niya. Ang kapal talaga nang pagmumukha niya sagad sa buto ang kakapalan. Gustong-gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko ang aking emosyon, ayokong ipakita sa kanila na mahina ako. Pinulot ko tsekeng binigay sa akin nang Mommy niya. Pinunit ko iyon at sinampal sa mukha ni Andrew.
"Oh ayan, pera niyo lunukin niyo pa kung gusto niyo. Mga mukha kayong pera. Hinding hindi ko kailangan ang pera niyo, lalaban ako nang nag-iisa ang sandat at iyon ay ang Diyos." Sigaw ko sa kanila at umalis na. Pero pagkatalikod na pagkatalikod ko nag-unahan sa pag-alpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa pisngi ko.
"Lex okay ka lang ba? Lika punta muna tayong ladies room." Pag-aaya ni Mhenzae. Nagpunta kaming ladies room kasi kailanagan ko iyon ngayon. Pagdating na pagdating namin dun hindi ko na napigilan ang emsyon ko. Humagulgol na ako nang iyak.
"Lex ilabas mo lang 'yan. Huwag mong pigilan." Sabi niya sa akin. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Hirap akong huminga at magang-maga na ang mata ko. Makalipas ang sampung minuto tumahan na ako kakaiyak.
"Zae salamat ha. 'Di ko na alam gagawin ko kung wala ka." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Ano ka ba. Wala 'yon 'no kaibigan kita kaya dadamayan kita. ayusin mo na yang hitsura mo para makabalik na tayo doon. Ito concealer oh para matakpan 'yang pamamaga nang mata mo." Inabot niya sa akin. Matawa pa kami pareho sa mukha ko. After that lumabas na kami. Maya-maya lamang nagsimula na kami. Syempre inuna muna 'yong mga panumnumpa na magsasabi nang pawang katotothanan lamang. Nung sumalang na ako kabadong kabado ako pero nilabanan ko ang takot kong iyon. Dahil para ito sa akin at sa iba pang nabiktima nila Andrew.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote and comment na lang po kayo if you want.. :)

BINABASA MO ANG
Fallin' Into Pieces
NouvellesAlam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magi...