Noong salang na ako sa una medyo okay pa. Pero nung kalagitnaan na nagkakainitan ang dalawang kampo. Ang hard kasi nang mga tanong ni Attorney Selgado. Iyon ang lawyer nila Andrew.
"Virgin ka pa ba iha?" Tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang iyon.
"Objection your honor." Singit ni Zae.
"Attorney masyado naman ho atang personal ang tanong mo sa kliyente ko. At isa pa, tanga ka ba? Abogado ka ba talaga? Ang bobo mo, syempre hindi na ni-rape nga 'di ba? Tanga-tangahan Attorney? Try mong magpagahasa tapos tatanungin din kita ng ganyang tanong." Naiiritang sabi ni Zae. Pero hindi siya pinansin ng abogado. Iyon lang naman ang tanong na tinanong niyang walang kakwenta- kwenta. Natapos ang unang hearing at sa tingin ko bias ang mga judge. Parang pinapanigan nila ang kampo nila Andrew. Nagsitayuan na kami nun nang tumunog ang telepono ni Mhenzae.
"Hello. George. Oo andito pa pero palabas na kami. Sige mag-antay ka lang dyan. Bye." Pagkatapos niyang makipag-usap naglakad na kami palabas.
"Lex andito pala si George gusto kang makilala." Sabi ni Zae. Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba o ano.
"Talaga? Iyon bang NBI na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo siya iyon." Sagot niya sa akin. Pagdating namin sa labas may lalaking nakatayo sa harap ng isang mamahaling kotse.
"Tara. Ayon si George, siya 'yong nakatayo sa harap ng magarang kotse na 'yon." Tinuro ni Mhenzae sa akin ang kinatatayuan ni George. Lumapit kami sa kanya, eksaktong pagdating namin sa kinaroroonan niya may cute na batang babae ang biglang lumabas sa kotse. Biglang kumabog ang aking dibdib at parang gusto kong yakapin ang bata.
"Daddy, matagal pa ba? Nagugutom na po ako e." Nakangusong reklamo ng bata.
"Baby, ayan na sila Tita Mhenzae mo kaya aalis na tayo." Nakangiting tugon ni George. Tumingin siya sa amin, biglang lumiwanag ang mukha niya nung nakita niya kami, pero bakit sa akin siya nakatingin?
"Hello po. Ako po si Czsianara Cayetano. Pwede po ba kitang maging mommy?" Sabi niya sa akin tapos hinawakan pa niya ang kamay ko. Napangiti ako sa ginawi niya.
"Bakit wala ka bang Mommy?" Tanong ko sa kanya.
"Meron po, pero hindi niya alam na may baby siya at ako iyon." Malungkot na sabi niya.
"Baby sa kotse na. Inunahan mo pa akong magpakilala sa kliyente ko e. " Natatawang sabi ni George, pati kami ni Zae napatawa na rin.
"Ms. Javier, George De Mesa." Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin.
"Alexandria Javier, Alex na lang." Inabot ko ang kamay niya at nakangiting nagpakilala.
"Tara na sa kotse at doon tayo mag-uusap sa paboritong Restau ng baby ko." Pag-aaya ni George. Sa likod kami nakasakay ni Ara, samantalang sa tabi naman ni George si Mhenzae iyon kasi ang request ng bata.
"Kelan mo balak sabihin sa kanya?" Narinig kong tanong ni Zae.
Hindi ko pa alam. Baka magalit lang siya kapag sasabihin ko, alam naman nating hindi pa siya nakakaalala." Sagot ni George.
"Kungsabagay, pero malay natin kapag sinabi mo sa kanya unti- unting babalik ang alaala niya." Dagdag pa ni Mhenzae. Napabuntong-hinga na lang si George.
"Zae, kung pwede lang matagal ko nang sinabi, kaso hindi e. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi pa naaayon sa tamang oras. At hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang katotohanan." Sabi ni George. Kitang-kita sa mukh niya ang lungkot at sakit. Nakatingin lang ako sa salamin, bigla ring tumingin si George at nagtama ang aming mga mata. Nginitian niya ako at ngumiti na lang din ako sa kanya.
"Okay lang ba kayo diyan? Baby huwag mong masyadong kulitin si Tita Alex ha." Sabi niya kay Ara.
"Opo Daddy, good girl ako kay Mommy." Nakangiti niyang sabi. Sa tuwing tinatawag niya akong Mommy, parang hinahaplos ang puso ko. Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
"Lex, pagpasensyahan mo na ang anak ko ha. Sabik kasi sa Mommy." Ngumiti siya nang alanganin pagkasabi niya nun.
"Okay lang 'yon ano ka ba. Kung dun sasaya ang bata hayaan na lang natin." Nakangiti kong sagot sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Papunta ako ngayon sa Restau na pinuntahan namin last time. Tinawagan ako ni George na makita kami at may sasabihin daw siyang importante. Hindi ko alam kung tungkol saan ang sasabihin niya, siguro tungkol sa kaso. Hindi pala siya isang NBI, isa siyang Agent sa VILLA FUENTES AGENCY. Ang VFA ay isang Agency na katulong ng mga Pulis at Gobyerno sa palutas at panghuhuli sa mga taong nagkakasala. Iilang opisyal lang ang nakakaalam nito sa kadahilanang maraming mata ang mga sindikato. Napansin ko ang isang Van na kanina pa nakasunod sa akin. Pagdating ko sa Restau lumampas ang Van. Siguro iisa lang ang way na pupuntahan namin.
"Alex." Narinig kong may tumawag sa akin. Lumingon lingon ako at nakita ko si George di kalayuan sa kinatatayuan ko. Agad akong pumunta sa kanya.
"Maupo ka muna, oorder muna tayo bago mag-usap." Sabi pa niya.
"Sige." Umupo ako sa upuan katapat niya.
"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.
"Mamaya na. Ano gusto mong kainin?" Tanong niya.
"Kung anong sayo, 'yon na rin ang akin." Sagot ko. Umorder na siya at pagkatapos ng limang minuto dumating na ang pagkain. Habang kumakain nagtatanong siya ng mga bagay bagay tungkol sa buhay ko. Pagkatapos namin kumain nagtanong ulit ako.
"Tungkol saan na ang pag-uusapan natin?"
"Tungkol kay Ara." Sagot niya.
"Anong tungkol sa kanya?" Tanong ko ulit.
"Ikaw---" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla kaming nakarinig nang tatlong sunod -sunod na putok.
"Alex dapa." Sigaw ni George. Agad akong bumaba sa upuan at dumapa. Gumapang si George papunta sa kinaroroonan ko.
"Okay ka lang ba? Tinamaan ka? May masakit ba sayo? Ano?" Natatarantang tanong niya. Kitang kita sa mukha niya ang pag-alala.
"Oo. Okay lang ako. Ikaw okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo. Okay lang din ako. Mukhang tayo ang pinupuntirya nila. Halika na. Ihahatid na kita pauwi wala na sila." Sabi niya. Tumayo na kami at iniwan na lang ang bayad sa table. Buti at kakaunti lang ang tao at walang nadisgrasya. Lumabas na kami at hinatid niya ako sa bahay nila Mhenzae. Habang nasa kotse hindi kami umiimik. Pag may itatanong lang siya.
Nakahiga ako ngayon sa kama at iniisip ang nangyari kanina. Sino sila at bakit nila kami papatayin? Pero ang mas nagpapagulo sa isip ko ay ang sasabihin ni George tungkol kay Ara. Ako ang ano?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hanggang dyan lang muna. Haha. Last 4 chaps na lang .
BINABASA MO ANG
Fallin' Into Pieces
Short StoryAlam niyo ba yong feeling na gusto mo na lang mamatay kesa sa mabuhay? Kasi lahat na lang ng tao pakiramdam mo galit sayo. Wala ka ng ibang ginawang tama kundi puro mali na lang. Minsan naisip ko na lang "magpakamatay na lang kaya ako? Sa ganun magi...