Chapter 2:

193 12 6
                                    

Sana po mapatawad niyo ako sa gagawin kong ito. Ng akmang tatalon na ako.

"Aba'y ineng bakit ka nandyan? Magpapakamatay ka? Hay naku sinasabi ko sayo di ka mamamatay dyan ambabaw kaya nyan." May matandang ale na biglang dumaan mula sa kagubatan.

"Ho? Sino po ba kayo at anong pakiaalam mo? Gusto ko ng mamatay kaya pwede ba umalis ka dito." Sigaw ko sa kanya.

"Aba naman. Napakamaldita mong bata ka. Gusto mo ako na huhulog sa dyan? Sinasabi ko lang HO sayo iha. Kung gusto mong magpakmatay dun ka pumunta sa building na tatlumpong palapag. Pag ginawa mo yon siguradong teggy ka. Hala dun ka pumunta gusto mo samahan pa kita?" Sabi niya sakin. Aba naman pilosopong matandang to. Siya kaya ihulog ko dito?

"Ay hindi na ho kailangan kaya ko naman pong pumunta doon." Sagot ko sa kanya. Buti naman at tumigil na kakaagos ang luha ko.

"Nga pala iha. Bakit ka ba magpapakamatay? Anong problema mo? Alam mo kung may problem ka kahit gaano pa yan kalaki o kaliit, hindi sulosyon ang pagpapakamatay." Pangaral niya sakin. Napayuko ako kasi medyo napahiya ako.

"Bakit kung magpapakamatay ka ba masusulosyunan mo ang problemang dinadala mo? Hindi diba? Isa lamang 'yang pagsubok. Pagsubok na kailangan mong harapin at lampasan." Pagpapatuloy niya.

"Kasi ho sobrang bigat na ng nararamdaman ko eh. Lahat ng taong mahal ko niloko at pinagmukhang tanga ako. Ang sakit sakit." Umiiyak na sabi ko.

"Alam mo bang napakaswerte mo at nabuhay ka? Maraming tao ang gustong mabuhay kaya dapat pahalagahan mo iyang buhay na binigay ng Diyos sayo wag mong sayangin sa walang kakwenta kwentang bagay." -Lola

"Ano hong gagawin ko? Wala ng nagmamahal sa akin. Ang boyfriend ko binuntis  ang kaibigan ko. Matagal na nila akong niloko pero ako si tanga na alam iyon binalewala ko lang. " -Ako.

"Naku mga kabataan talaga ngayon dahil lang sa lalaking walang kwenta at manloloko magpapakamatay ka na? Jusko po inay lalaki lang iyan. Marami pang iba dyan na handang magmahal sa iyo ng buong buo." Antaray ni lola parang teenager lang kung magsalita.

"Hindi lang po iyon. Yong itinuring kong pamilya nilihim nila ang totoo kong pagkatao. Sa loob ng 23 years kong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ni minsan hindi man lang nila sinabing ampon lang ako. Na hindi nila ako totoong anak. " Pagsusumbong ko kay lola. Para akong batang inagawan ng kendy sa lagay ko ngayon.

"Magpasalamat ka. Kasi sa halip na abandunahin ka nila, ayan at pinalaki at pinag-aral ka pa nila."- Lola.

"Hindi naman po nila ako tinuring na anak. " -Ako.

"Kahit na. Inalagaan ka naman nila. Hindi ka pinabayaan, pinakain ka, binihisan at pinatira sa bahay nila kahit hindi ka nila kaanu-ano." -Lola.

" Di ko na po alam kung anong gagawin ko. Nahihiya po ako sa mga magulang ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Napakalaki kong tanga." -Ako.

"Napakasimple lang ng dapat mong gawin iha." Napatingin ako ng diretso sa kanya.

"Humingi ka ng tawad sa kanila. Ganun lang kadali. Kung di nila tatanggapin iyon wala na sa iyo ang problema. Ang importante nagsisi ka na sa ginawa mong pagsagot sa kanila." -Lola.

"Lola baka kung ano na naman po akong gawin sa akin ni nanay. Baka saktan na naman po niya ulit ako."- Ako.

"Tanggapin mo kung ano man ang gawin nila. Kung sa paraang iyon mapapatawad ka nila, indahin mo ang sakit. "- Lola.

"Salamat po lola. Napalaki po ng tulong niyo sa akin. Utang ko po sa inyo ang akong buhay. Kung di po kayo dumating siguro ngayon pinagpipiyestahan na ng kung anu-anong hayop sa tubig ang katawan ko."-Ako.

"Walang anuman iyon iha. Alam ko may isa ka pang malaking problema. Kung ano man iyon sana malampasan mo. Pag may kailangan ka puntahan mo na lang ako sa bahay ko. Andun. Nakikita mo ba ang malaking puno ng Narra na iyo? Doon sa likuran noon andun yong kubo na tinitirhan ko." Nakingiting sabi ni lola.

"Opo lola salamat po. Ay ako nga po pala si Alex. Alexandra Ruiz. Kayo po ano pong pangalan niyo lola?" Nakangiting sabi ko.

"Walang anuman iha. Ang mahalaga natulungan kita. Ako si Lola Lydia. " Nakangiting sabi niya.

"Sige ho lola. Bibisitahin ko po kayo dyan pag may oras ako. Salamat po ulit. "Sabi ko.

"Oh siya, sige at ng uuwi na ko. Baka inaantay na ako ng aking apo. Mag-ingat ka iha. " -Lola.

"Sige po kayo din po lola. " Nakangiti kong sabi kay Lola.

"Ayan nakakangiti ka na. Gumaganda ka lalo pag nakangiti."-Lola.

"Sus Lola Lydia nambola pa. Sige po babye po. "  Natatawang nagpaalam ako sa kanya.

"Sige." Nakangiting sagot niya.

Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad pabalik. Kahit papano medyo um-okay na pakiramdam ko. Salamat kay Lola Lydia. Habang naglalakad ako, napag-isip-isip ko. Kung tumalon kaya ako mamamatay ako o hindi?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote and comment na rin kayo.

Fallin' Into PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon