Nag-iisang nakaupo si Devon sa loob ng canteen. Hindi nakapasok si Fretzie dahil may sakit ito. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ng kaibigan at natuluyan nang nagkatrangkaso kung kaya hayun siya mag-isang kumakain nang lunch. Sa hindi kalayuan may isang taong kanina pa siya pinagmamasdan nang hindi niya namamalayan.
Mula sa isang sulok nang canteen ay nakaupo si Sam kasama ang mga kaibigan. Busy ang mga itong naguusap tungkol sa kanilang bagong komposisyong kanta ngunit wala doon ang kanyang konsentrasyon. Kanina pa niya tinitingnan ang babaeng mag-isang nakaupo hindi kalayuan sa kanila. He was so fascinated with the sudden change of her facial expression. It was the same girl who occupied her dreams the past few nights. He can't help but smile when he remembers how the girl blushed when she saw him.
"Sam, what can you say man? Should we make it ballad or we can put some rythms on it and make it like pop rock?"
Napabalikwas si Sam sa pagkakaupo nang tapikin siya ng katabi. Natatakang napalingon siya kay Brett na siyang tumapik sa kanya.
"What's it man?" tanong niya sa katabi.
Kumunot ang noo nito sa kanyang tanong. Nang tingnan ang iba pang mga kasama ay nakatingin rin ang mga ito sa kanya na tila naguguluhan. Doon lang niya namalayan kung bakit ganoon ang mga reaksyon ng mga ito. Malamang nahuli siya ng mga kaibigang hindi nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Sorry, I wasn't paying attention," nakangising sabi ni Sam sa mga kasama.
Nailing na lamang ang mga ito sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito sa halip muli niyang sinulyapan ang kanina pang babeng pinapanood. Nakita niyang nakakunot ang noo nito at tila may iniisip. Hindi niya mapigilang muling mapangiti sa nakita. Kahit simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot nito ay napakaganda pa ring tingnan nang babae. Wala ni bahid ng pulbo ang muka nito at walang masyadong kolorete ito sa katawan. Tanging hiwak na perlas at relo sa kaliwang kamay lang ang aksesoryang suot nito.
"Baka matunaw iyan, ikaw din bro saying naman."
Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya ang nakangising mukha ni Brett sa kanyang harapan. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo dahil hindi niya alam ang isasagot rito. Tila siya isang teenage boy na nahuling gumagawa ng kalokohan.
"Ano maganda ba bro?Bakit hindi mo lapitan?" tanong ni Patrick na kanilang keyboardist.
Ngiti lang ang ibinigay na sagot niya rito.
"Tsssk, Samuel Lawrence is that you? Kailan ka pa naging torpe? O baka naman natatakot kang mabasted bro?"
"What? Of course not!" nanlalaking matang sagot niya sa kaibigan.
"Kung ganoon let's make a bet. Kailangan mo siyang mapasagot within a month kung hindi you'll be the one to buy our new instruments." nakangising sabat ni Brett. Ito naman ang kanilang basista.
"Ayaw ko, hindi ko papatulan ang kalokohan ninyo," tanggi niya sa suhestiyon nang kaibigan. Ayaw niyang patulan ang kalokohan ng mga ito.
"Sabihin mo natotorpe ka lang!" ani Patrick na siya namang ikinatawa ng malakas ng mga kaibigan.
Naiinis na tumayo siya sa kinauupuan bago muling nagsalita. "Ako, torpe? Le'ts see," aniya sabay lakad patungong mesa kung saan kumakain ang babaeng laman ng kanilang usapang magkakaibigan. Nakiring pa niya ang kantiyawan ng mga kaibigan ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.
Habang kinakagat ni Devon ang kanyang sandwich ay may biglang nagsalita sa kanyang likuran. "Hi Miss. Is it okay if I sit here?" tanong nang taong mula sa kanyang likuran. Dahil sa pagkabigla ay nabulunan siya sa kinakain. Napaubo tuloy siya."Here, drink this. Sorry if I startled you," sabay abot ng mineral water sa kanya.