Hindi malaman ni Devon kung papaano ayusin ang buhok, kung itatali ba o ilulugay. Kanina pa siya nasa harap ng salamin ngunit hindi makuntento sa nakikitang repleksyon mula dito. Nagpasya siyang hayaang nakalugay nalang ang buhok nang hindi masayahan sa pagkakaayos. Kasalukyan siyang naglalagay ng lipgloss ng marinig ang mga katok sa pintuan.
"Anak nariyan na ang sundo mo, bumaba ka na at nang makaalis na kayo," tawag sa kanya ng kanyang mama mula sa labas ng kanyang kwarto.
Dali-dali niyang sinulyapan ang sarili sa salamin at pagkatapos ay kinuha ang bag tsaka lumabas ng kwarto.
"Wow. Ang ganda- ganda naman nang anak ko. Manang-mana ka talaga sakin," nakangiting sabi nang ina pagkakita sa kanya. Inikot-ikot pa siya nito upang paraanan ng tingin.
"Si mama talaga, siyempre like mother like daughter," pagsakay ni Devon sa ina.
"Hala sige, bumaba na tayo at naghihintay na ang sundo mo" -mama Lynn
Kinakabahan siya habang pababa ng hagdanan. First time niyang makipagdate at hindi niya akalaing si Sam pa ang makakasama niya ngayong gabi. Hindi sana ito madisappoint sa pagyaya sa kanya. Tumayo ito mula sa sofa ng makita siya sa landing ng hagdan. Mabilis itong lumapit sa kanya upang alalayan siyang bumaba.
"Good evening, you're so beautiful tonight," humahangang bati ni Sam.
She's wearing a yellow sweetheart dress na three inches above the knee ang haba at golden wedge naman ang sapin sa paa. Nagdadalawang isip pa siya kanina kung ito ang isusuot niya pero ngayong nakita niya ang paghanga sa mga mata ni Sam ay lihim siyang nagpasalamat at ito ang kanyang napili.
"For you, hope you like them," anityo sabay abot ng dalang bulaklak sa kanya.
"Thank you." - Devon
"You're welcome. So are you ready? Shall we?" nakangiting tanong nito.
"Yeah, I'm ready," sagot niya rito.
Binalingan niya ang kanyang ina at nagpaalam. "Alis na kami Ma. Huwag mo na akong hintayin makauwi, may dala akong susi,"
"Okay, enjoy the night," masayang sagot nang ina. "Sam, take care of my daughter okay. Huwag masyado magpapagabi at magiingat sa pagdidrive," baling nito sa lalaki.
"Yes, Tita. I'll make sure na before midnight nandito ay naihatid ko na po si Devon. Thank you po, we'll go ahead."- Sam
"Okay, bye," paalam ng kanyang ina.
DINALA siya ni Sam sa isang restaurant sa Antipolo. Napacozy ng lugar na pinagdalhan nito sa kanya. Nakadagdag ang lightning sa loob ng resto para maging romantic ang ambience ng lugar. Nakaupo sila sa bangdang dulo nang restaurant at kasalukuyang tumitingin sa menu.
"What do you want to eat?" tanong ni Sam.
"Same as with you." maikling sagot niya dito. Hindi naman kasi siya sanay kumain sa fine dining restaurant kaya hindi niya alam ang oorderin.
"Okay, we'll have Spanner Crab Chowder, Grilled Lime & Coconut Shrimp Lecaribe, Scotch Bonnet Caesar, and Hot Fudge Brownie Sunday for dessert," sabi nito sa waiter. "What do you want to drink? Do you want red wine?" baling nito sa kanya.
"No, I'm fine with water."- Devon
"Okay, we'll just have water," muling baling nito sa waiter.
Inikot ni Devon ang paningin sa restaurant upang pakalmahin ang sarili. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan tuwing kasama niya si Sam. Ayaw niyang mahalata nito ang kanyang pagkailang.
"Thank you for accepting my invitation to take you out for dinner. I'm so happy dahil pumayag ka," muling nagsalita si Sam.
Nahihiyang napasulyap siya rito. "You're welcome. Bakit mo nga pala ako niyayang lumabas?" sobrang natetense na tanong niya rito.
"As I've told you last time. I want to get know more of you."- Sam
Tinawanan ni Devon ang lalaki sa sagot nito kahit ang totoo ay hindi matapos-tapos ang pagririgodon ng tibok ng kanyang puso. "Why? I mean, sino ba naman ako para kilalanin mo. We're just schoolmates, huwag mong sabihing lahat ng kaeskwela mo ay niyayaya mong lumabas para kilalanin?" natatawang tugon niya rito.
"Nope, ikaw lang ang niyaya kong sumama sa'king lumabas dahil ikaw lang ang gusto kong makilala ng lubusan. So please, give me a chance to get know the real Devon May Seron." seryosong pahayag nito.
Naumid ang dila niya sa narinig. Hindi niya alam ang isasagot dito. Mabuti na lang ay dumating na ang kanilang pagkain kaya dali-dali niyang niyaya itong kumain upang ilihis ang takbo ng kanilang usapan.
"Hmmn, let's eat. Gutom na ako," kabadong yaya niya dito.
Hindi ito nagkomento sa halip ay inabot na lamang nito ang kanyang pagkain at tahimik na hinarap ang sariling pagkain pagkatapos. Halos di niya malasahan o malunok man lang ang kanyang pagkain sa sobrang pagkailang. Matamang nakatitig ito sa kanya habang sumusubo. Hindi tuloy niya alam kung anong pwede niyang gawin para iwasan ang mga nakakapanlambot nitong mga tingin.
"Devz, I hope na hindi mo iniisip na pinagtritripan lang kita. Una palang kitang makita ay gusto ko na talagang mapalapit sa iyo, but I didn't got the chance to. When I saw you in the barlast night, I told myself na hindi ko na pwedeng palampasin pa ang pagkakataon kaya here I am asking you to give me opportunity to know you better."- Sam
"Alam mo hindi kita maintindihan. Can you just say it straight to the point?" tugon niya sa lalaki.
"What I mean is I like you and I want to court you," walang paligoy-ligoy na sagot nito sa kanya.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang lalaki. Ayaw niyang ipakita rito ngunit hindi niya mapigilang mapangiti ng matamis rito. Hindi niya akalaing ang lalaking matagal ng lihim na hinahangaan ay may gusto rin pala sa kanya. Nagtugma ang kanilang mata nang lalaki at kung may anong kislap ang kanyang nakita sa mga iyon ng tumango siya bilang tugon sa sinabi nito sa kanya. Inabot nito ang kanyang kamay at saka ito dinala sa labi.
Nagpatuloy ang kanilang masayang usapan pagkatapos. Nawala na lang bigla ang ilang na nararamdaman niya dito at naging palagay na ang kanyang loob sa kasama. Maraming bagay siyang natuklasan tungkol dito na kahit ilang oras palang sila magkasama pero pakiramdam niyang matagal na niya itong kakilala.