Chapter 1

843 14 1
                                    

"Raiza dumating na ba yung mga documents from Asian Airlines? Malapit na ang deadline natin for the campaign. I need those papers ASAP." Worried na sabi ni Devon sa sekretarya.  

She's the Creative Director of Ingenious Minds Advertising Company. They are currently launching a TVC campaign for their biggest client as of the moment, ang Asian Airlines. Sobrang pressured siya sa mga oras na iyon dahil malapit na ang deadline nila for the presentation. She wants everything to be perfect before the due date. 

"By three pa daw po masesend ng secretary ni Mr. Gil Ma'am. Ibibigay ko po sa inyo pagkadating na pagkadating. Yun pong mga print ad layouts for Jag napass ko na kay Miss Emman, sisend na lang daw po niya sa inyo after two days yung final pint ad." anang sekretarya niya.  

"Good. "aniya. "How about my phone calls?" muling tanong niya rito. 

"Oo nga po pala muntik ko nang makalimutang sabihin, tumawag po si Miss Fretzie kanina pinapasabi pong tawagan niyo daw po siya as soon as possible. Importante lang daw po." sagot nito sa kanya. 

"Hay, mangungulit na naman yun." Sa isip-isip niya. Nailing nalang siya sa sinabi nang sekretarya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Fretzie Joanne Bercede is her bestfriend since college. Kahit totally opposite ang ugali nilang dalawa ay hindi ito naging hadlang para sila maging close nito. Kung siya ang North Pole ito naman ang South. Homebody siya, ayaw na ayaw niyang nagpupunta kung saan saan. Mas gusto niyang magkulong at magbasa ng libro sa kanyang kawarto, samantalang ito naman ay daig pa si Dora the Explorer sa pagiging outgoing. Isa pang malaking kaibahan nila ay ang pagiging madaldal nito. Palaging may baong kwento at hindi ito maubus- ubusan ng sasabihin. Minsan ay hindi niya masisi ang ibang taong mainis dito dahil sa ugali ngunit kahit ganoon ang kaibigan ay mahal na mahal niya ito. Bukod sa kanyang ina ay ito ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay. Ano na naman kaya ang gusto nito sa kanya sa pagkakataong ito. Kilala niya ito, siguro ay may chismis na naman itong dala. 

"Sige, salamat." Baling niya sa sekretarya. "I'll call her. Make sure to bring the Asian Air documents to me as soon as you receive them, okay? Don't also forget to tell Isha to send me the script for the Monde campaign. Sige iyon lang muna sa ngayon, pwede ka nang bumalik sa mesa mo." bilin niya kay Raiza. 

Ibinaba niya ang mga papeles na binabasa pagkatapos ay inabot ang cellphone at dali- daling idinial ang number ng kaibigan. "Fretzie Joanne, what is it this time? Siguraduhin mong importante ang sasabihin mo dahil kung hindi kukutusan kita. Alam mo namang busy ako ngayon. Ano ba yang ichichismis mo ha? Tanong niya sa kaibigan. 

"Wala man lang bang hi o hello diyan. Hindi ba pwedeng kumustahin mo muna ang maganda mong kaibigan bago ka magtanong? Ikaw talaga, isa pa hindi ko pwedeng sabihin sa iyo over the phone friend. Can we meet here in the shop by 6 pm, please? I want to tell you the good news, besides one week na tayong hindi nagkikita. Namimiss na kita. So let's kust meet later, okay." Excited na tugon nito mula sa kabilang linya. 

"Fretz, alam mo naming busy ako ngayon. Marami pa akong kailangang gawin dito sa office, di ba talaga over the phone mo nalang sabihin sa'kin?" aniya. 

Narinig niyang bumuntung-hininga ito mula sa kabilang linya. "I know you're busy but can't you spare your bestfriend two hours of your time? Sige na please? Pero kung hindi ka talaga pwede, di bale nalang. Next time ko nalang sasabihin sa iyo kapag hindi ka na busy." pangungonsensya nito sa kanya. 

"Ikaw talaga, kinukonsensya mo pa ako ha. Okay, you win but I can't make it by six I still need to finish the script for Asian Air campaign but we can meet by seven, is that okay? Make sure importante talaga yang sasabihin mo kung hindi hindi kita kakausapin ng dalawang lingo." Natatawang sagot niya. 

"Yes my friend, 100 % sure. Kita nalang tayo dito sa Bella Rosa okay? Bye." Masayang paalam nito sa kanya.  

Napabuntong hininga nalang siya matapos ibaba ang kanyang cellphone. Kahit kailan talaga Fretz gets what she wants. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng convincing power nito. Kahit anong hilingin sa kanya nito ay hindi niya magawang tanggihan. Dahil na rin sigurong bukod sa kanyang ina ay ito lamang ang bukod tangging tao na hindi nang-iwan sa kanya lalo ng mga panahong kailangang kailang niya ng karamay. Ito ang umantabay sa kanya nang mga panahong sobrang sakit ang kanyang nadama dulot ng taong akala niya ay hindi siya sasaktan, nang taong pinagkatiwalaan niya nang lubos at binigay at lahat lahat sa kanya ngunit nagawa pa rin siyang lokohin. Mabilis niyang binalik ang konsentrasyon sa ginagawa. Ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan.

The Man In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon