Chapter 16

433 5 4
                                    

Devon currently reviewing the terms of their new client for a print ad when she heard someone knocked on the door. Her secretary Raiza opened the door and entered her office. "Ma'am may nagdeliver po," anito sabay abot sa bungkos nang bulaklak sa kanya.

Nagtatakang kinuha niya mula rito ang bulaklak.

"Kanino galing?" tanong niya.

"May note po diyan," maikling sagot ni Raiza sa kanya.

Kinuha niya ang note na nakaipit sa mga bulaklak at binasa. "Beautiful flowers for the most beautiful girl." Iyon lang ang laman ng card. Hindi nakasulat kung kanino galing ang mga ito.

"Wala nang ibang note? Hindi nakasulat kung kanino galing," aniya kay Raiza.

"Wala na po eh, baka kay Sir Quen."

Alam niyang hindi dito galing ang mga bulaklak. Nagkausap na sila nang masinsinan ni Enrique na wala talaga siyang maiaalok rito kundi pagkakaibigan. Tinanggap naman ito nang lalaki nang bukal sa kalooban. Panahon na daw para rito na magmove on. Nagbiro pa ito sa kanya na siya ang unang babaeng nangbasted dito, hindi lang minsan kundi dalawang beses.

"Hindi siya ang nagpapadala nang mga bulaklak." Ani Devon sa sekretarya.

"Kung hindi kay Sir Quen, kanino po galing ang mga iyan? Baka naman may bago ka nang admirer Ma'am." kinikilig nitong sabi.

"Ikaw talaga. Bumalik ka na sa table mo hindi yang pinagtritripan mo ako" nailing na pagtataboy niya rito.

Tinitigan niya ang mga bulaklak. "Sam" sabi niya sa isip. Naalala niya na ganitong klaseng bulaklak ang mga binibigay sa kanya ni Sam noong magkasintahan pa sila. Napabuntong-hininga siya sa naisip. Dalawang linggo na ang nakalilipas nang huli silang magkita. Kumusta na kaya ito? Nais niya sanang makausap ito upang humingi nang tawad ngunit naunahan siya ng hiya.

May kumatok sa pintuan nang kanyang opisina. Ito ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Devon. Nagulat siya nang makita ang bestfriend na naglakad palapit sa kanya. Dali-dali siyang tumayo upang salubingin ito.

"What are you doing here?" tanong niya rito.

"Hindi ba ngayon ka magpapasukat nang gown for my wedding, so nakalimutan mo na naman?" nakangusong tanong ni Fretzie sa kanya.

Natawa siya sa hitsura nang kaibigan. Hindi niya nakalimutan na pupunta sila ngayon sa couturier pero gusto lang niyang inisin ito kaya nagkunwaring nakalimutan ang kanilang lakad. "Ano ka ba joke lang no. Siyempre hindi ko makakalimutan yun. Umupo ka muna diyan, aayusin ko lang ang mga gamit ko then aalis na tayo, okay?"

"Sure" maiksing tugon nito.

Pag-alis nila nang kanyang opisina ay tumuloy sila sa shop ni Gigi. Ito ang baklang couturier na kinuha nang kaibigan upang magtahi nang kanilang susuotin sa kasal. Kasalukuyan kinukuha nito ang kanyang sukat nang magsalita ang kanyang kaibigan na katatapos lang makipag-usap sa kasintahan sa cellphone.

"Ivan's almost here. They will going to fetch us then we'll eat dinner, okay?" tanong ni Fretzie sa kanya.

"Who's with him?" nagtatakang tanong ni Devon ngunit bago pa siya nito masagot ay bumukas na ang pinto nang shop at pumasok si Ivan at sa likod nito ay ang taong dalawang linggo nang laman nang kanyang isip.

"Hi, honey." bati ni Ivan sa kaibigan at nilapitan ito para halikan.

"Bakit ang bilis niyong nakarating?" tanong ni Fretzie sa kasintahan.

"Malapit na kami sa shop nang ibaba ko ang phone. Hind naman traffic kaya nakarating kami agad. So, tapos na bang magpasukat si Devon?"- Ivan

"Yup, tapos ko ng sukatan si Ganda! Gusto mo fafa Sam ikaw naman?" malanding sabat ni Gigi.

"No, thank you. I already have my suit" seryosong sagot ni Sam habang matamang nakatitig sa kanya.

Biglang sumikdo ang tibok nang puso ni Devon sa mga titig ni Sam sa kanya. Punung-puno nang emosyon ang mga itim na mata ng lalaki na animo'y may nais iparating sa kanya. Hindi matagalan ni Devon ang tensyon kung kaya binalingan na lamang niya ang kaibigan. "Fretz I think I won't be able to come with you for dinner. I forgot I still need to do some paper works." pagdadahilan niya sa kaibigan.

"Di ba sabi mo sa akin okay lang na sumama kang magdinner? Wala nang bawian, hindi ka pwedeng umuwi."- Fretzie

Mabilis na hinila ni Fretzie ang kanyang kamay at kinaladkad palabas kaya wala siyang nagawa kundi magpatangay rito.

The Man In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon