NASA ospital si Devon at hinihintay ang resulta ng mga lab test na ginawa sa kanya. Masama ang pakiramdam niya pagkagising. Nagsuka siya nang nagsuka kahit wala namang laman ang kanyang tiyan. Paglabas niya nang kuwarto upang kumain ng almusal sa kusina ay bigla siyang nahilo at muntikan nang mahulog ng hagdanan kung hindi pa siya nakakapit sa hawakan nito. Hindi na muna siya pumasok sa opisina nang araw na iyon. Masama ang kutob niya na dahilan nang pagsama nang pakiramdam kaya mabilis siyang pumunta nang ospital upang magpatingin sa doctor. Nais niyang makumpirma kung tama ang kanyang hinala.
Kabadong-kabado si Devon habang binubuksan ni Dra. Martinez ang kanyang lab tests results. Halos mapasigaw siya nang sabihin nito ang resulta nang mga ginawang test sa kanya.
"Congratulations Devon. Postive ang result ng lab test mo hija. You're three weeks pregnant." Nakangiting sabi nito sa kanya.
Lumutang ang isip ni Devon sa narinig mula sa doctor. Halos hindi na niya maring ang mga bilin nito sa kanya tungkol sa mga dapat niyang gawin ukol sa kanyang pagbubuntis. Pagkatapos iabot sa kanya ni Dra. Martinez ang reseta ng mga vitamins na kailangan niyang bilhin ay agad siyang lumabas ng opisina ng doktora. Lumabas siya ospital at nag-umpisang maglakad nang hindi alam ang patutunguhan. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hinayaan ang sariling dalhin ng mga paa saan ito patungo. Hindi na niya halos makita ang dinaraanan dahil sa mga luhang bumabalong sa kanyang mga mata. Hindi niya alam ang gagawin. Pagkatapos makita nang sariling mga mata ang pagtataksil nang kasintahan ngayon naman nalaman niyang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang anak nito. Maraming mga katanungan ang nasa isip niya ngayon ngunit hindi niya mabigyang kasagutan.
Gabi na niyang maisipang umuwi ni Devon sa kanila. Nadatnan niya ang inang si mommy Lynn sa kusina at abalang naghahanda ng hapunan. Nangiti ito nang makita siyang dumating.
"Nakauwi ka na pala anak, halika at maupo nang makakain na tayo nang hapunan." Yaya nito sa kanya.
Umupo siya sa silya upang saluhan ang inang kumain. Halos hindi niya malasahan ang inihanda nang ina para sa hapunan. Hindi niya malaman kung papaano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Kahit alam niyang maiintindihan siya nang kanyang mama ngunit ayaw niyang biguin ito. Alam niyang madidismaya ito sa kanya kapag nalaman nito ang totoo.
"Anak, may hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko, bakit hindi ka kumakain?" tanong ni mommy Lynn sa kanya.
Umiling siya at nginitian ito. "Pasensya na Ma, busog pa po kasi ako." aniya rito. "Maiwan ko na po kaya. Aakyat na po ako sa kwarto. Gusto ko na pong magpahinga." paalam niya rito.
"Sige ako nang bahala rito. Umakyat ka na at nang makagpahinga."
Pagkatapos halikan ang ina ay mabilis siyang lumabas ng kanilang kusina. Namimigat na naman ang kanyang mga mata at ayaw niyang makita siya nang ina na umiiyak. Pagdating sa kanyang kwarto ay mabilis siyang nahiga sa kanyang kama at humagulgol.
Author's Note: hi guys, malapit na matapos un story na ito.. mga 2 chapters na lang.. thanks sa pagtitiyagang magbasa.. hehehe please post your comments and suggestions... will post my other FanFic after this.. Rated SPG po xa but SamVon FF pa rin... tnx ulit.. #PurpleForever