Tumulo agad ang mga luhang kanina pa pinipigilan pagkapasok ni Devon sa powder room. Kahit gaano niya gustong kalimutan ang lahat sa nakaraan, hindi pa rin niya magawa. Kaninang nakita niya ang mga tingin ni Sam sa kanya ay hindi niya maiwasang alalahanin ang mga panahong punung puno ng pag-ibig ang masasalamin sa mga mata nito. Hindi tulad ngayong galit at pagkapoot ang mababanaag dito. Mabilis na pinunasan niya ang mga luha at inayos ang sarili. Hindi siya bumalik sa pinanggalin bagkus naglakad siya palabas ng gate. Hindi na niya tatapusin ang party. Tatawagan na lamang niya ang kaibigan upang sabihing nauna na siyang umuwi. Idadahilan nalang niyang biglang sumakit ang kanyang ulo kaya hindi na siya nakapagpaalam ditong uuwi. Alam niyang maiintindihan siya nang kaibigan kaya hindi siya nag-aalalang baka magtampo ito dahil bigla nalang siyang umalis ng walang pasabi. Malapit na siya sa kinapaparadahan nang kanyang sasakyan nang may magsalita sa kanyang likuran.
"Where do you think you are going?"- Sam
Napalingon si Devon sa kanyang likuran. Laking gulat niya nang malaman kung sino ang nagsalita. "Ahh, I..I'm going home." pautal-utal niyang sagot. "You, why you're here?" balik-tanong niya dito.
"You're bestfriend asked me to look for you. Hindi ka na bumalik sa garden kanina, nakita kitang naglalakad palabas kaya minabuti kong sundan ka."- Sam
"Ganoon ba? Sumakit kasi bigla ang ulo ko kaya hindi na ako bumalik sa party. Tatawagan ko nalang si Fretzie mamaya para sabihang nakauwi na ako. Sige pwede ka nang pumasok sa loob, aalis na ako."- Devon
Mabilis niya itong tinalikuran at dali-daling pumunta sa sasakyan. Binubuksan na niya ang pintuan nito upang makapasok nang biglang hablutin nang lalaki ang kanyang kamay at pilit siyang iniharap dito.
"Are you avoiding me?"- Sam
"Anong pinagsasabi mo? Bakit naman kita iiwasan?" pagmamaang-maangan niya sa kausap.
Mariin nitong pinisil ang kanyang braso bago nagsalita. "Sa tingin mo ba ganoon na ako kamanhid para hindi maramdamang ayaw mong makita ako. Bakit dahil ba naguguilty ka sa nangyari dati?" galit nitong tanong sa kanya.
"Nasasaktan ako kaya pwede bang bitawan mo ako! Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala akong dapat ikaguilty sa nangyari dahil hindi naman ako ang may kasalanan ng lahat kundi ikaw. At ano bang ikinagagalit mo? Dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin dahil ginawa kong madali sa iyo ang lahat. Pinagpustahan ninyo lang naman ako ng mga kaibigan mo hindi ba, so bakit ikaw pa ang may ganang magalit ngayon?" hindi niya namalayang umiiyak na siya habang pilit pa ring hinihila ang kamay sa mariing pagkakahawak nito.
Tila natauhan ito sa kanyang mga sinabi. Binitawan nito ang kanyang kamay at maang na napatitig sa kanya.
"Ano, wala kang masabi dahil totoo naman hindi ba? Pinagpustahan ninyo lang ako. Ang sakit-sakit Sam! Binigay ko sa iyo lahat-lahat, wala na nga akong tinira sa sarili ko, ngayon pala laro lang ang lahat para sa inyo ng mga kaibigan mo. Everything was just a game for you. Kahit konti ba minahal mo rin ako?" lumuluhang tanong niya rito.
"I loved you Devz and I still love you up to now! For almost four years I tried to forget you but I'm a failure in that matter. It's true that my friends made a bet before. Binigyan nila ako ng isang buwan para mapasagot ka, kung hindi ako daw bibili ng mga instruments nang banda. Hindi ako pumayag Devon, not because wala akong pambili ng mga iyon pero dahil hindi ka katuwaan lang para sa akin. Everything I said and showed you were all true. I love you so much Devz and I was the happiest person on earth when you gave your yes to me. The time you gave yourself to me that was the most magical moment in my life. Everytime I hugged and kissed you, I felt like I'm the most blessed human being on earth. Everything we shared were all true Devon. Hindi lang dahil sa pustahan o sa laro pero dahil sa katotohanang mahal kita!" madamdaming pahayag ni Sam.
Tila siya estatwang napako sa kinatatyuan habang nagsasalita ang lalaki sa kanyang harapan. Panay tulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paniniwalaan ang lahat ng sinabi ni Sam sa kanya. Nais maniwala ng kanyang puso ngunit iba ang sinisigaw ng kanyang utak. Nang hindi siya nagsalita ay unti-unting lumaylay ang balikat ni Sam. Mabilis itong tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng bahay.
Hinang-hinang binuksan ni Devon ang sasakyan. Hindi niy a alam ang iisipin. Isinubsob niya ang mukha sa manibela at umiyak nang umiyak. Nais niyang maniwala sa lahat ng sinabi ni Sam sa kanya ngunit natatakot siyang baka kasinungalingan lang pala uli ang mga ito. Hindi na niya makakayang tanggapin ang lahat kapag nagkataon.