"NAGTATAMPO ako sa'yo friend. I thought I'm your bestfriend pero bakit naglilihim ka na sa akin ngayon?" nakangusong tanong ni Fretzie sa kanya. Kasalukuyan silang nasa library at nagreresearch tungkol sa kanilang term paper ng sumumpong ang sakit ng kaibigan. Mukhang hindi na naman nito nainom ang gamot kaya hayun at hyper na naman ito.
Mula sa binabasang libro ay nilipat ni Devon ang tingin sa kaibigan. "Anong lihim pinagsasabi mo diyan ha? Bakit parang kahit ako hindi ko alam na may secret na pala ako?" natatawang tugon niya rito.
"Ewan ko sa iyo, denial queen ka talaga! Si fafa Sam po ang tinutukoy ko. Gusto ko lang namang malaman kung ano na ang status ninyong dalawa. Kailan mo ba sasagutin iyong tao? Kung ako lang niligawan niya naku hindi siya magdadalawang salita sa akin? Sasagutin ko siya agad!"- Fretzie
Naging malapit silang dalawa ni Sam pagkatapos ng gabing niyaya siya nitong lumabas. Madalas siya nitong pinupuntahan kapag breaktime o kaya kapag wala itong ginagawa. Madalas din ay inihahatid siya nito pauwi at minsan ay sinusundo pa sa bahay para isabay sa pagpasok. Maraming nakakakita sa kanilang palaging magkasama kaya naman wala itong ginagawa kaya hindi na nila naitago pa ang panliligaw nito.
"As if siya ang type mo. Akala mo ba hindi namin napapansin nina Sam na si Ivan ang crush mo? Halata ka kaya friend," pang-iinis ni Devon sa kaibigan.
"Para namang papansinin ako nung supladong iyon. Kulang nalang magcart-wheel ako sa harap niya pero deadma lang ang lolo mo," nakalabing sagot nito.
Natawa siya sa hitsura nang kaibigan. Alam niyang may gusto it okay Ivan pero kahit anong pilit nitong itago iyon ay halata pa rin ito dahil sa mga kilos. Hindi niya maiwasang maawa rito dahil sa pangdedeadma ni Ivan dito. Kung alam lang ni Fretzie ang dahilan ng pag-iwas nang lalaki dito ay tiyak na masasaktan ito. Mabilis niyang niligpit ang mga librong binasa pagkatapos ay niyaya na ang kaibigang pumunta sa susunod na klase. Paglabas nila ng library ay hindi niya maiwasang magtaka. Lahat ng mga estudyante ay patakbong papunta sa University quadrangle.
"Aray! Nagmamadali? May rally, may rally?" naiinis na wika ng kaibigan. Halos madapa ito kung hindi pa niya naagapan ng mabangga nang isang tumatakbong babae na hindi man lang huminto para magsorry.
"Anong meron bakit parang may concert sa quad?" curious na tanong ni Fretzie sa kanya. "Tara silipin natin, baka may artista." Hinila nito ang kamay niya at mabilis na kinaladkad siya papuntang quadrangle. Pagdating nila sa quad ay sumiksik ang kaibigan sa mga taong nakakumpol para makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
Nang makarating sa unahan laking gulat niya sa nakita. Si Sam kasama ang mga kabanda ay nakapwesto sa harapan at tumutugtogng musika para sa mga estudyante. Hindi niya mapigilang lalong humanga sa lalaki dahil sa ganda ng boses nito. Para itong isang anghel habang sabay na tinutugtog ang gitara at kumakanta. Hindi niya namalayang tapos na pala itong kumanta.
"Thank you everyone for coming in this not so well prepared gig of Rhytymn and Beats. Actually I just forced my buddies to join me here today because I want to sing a special song for the special woman who's been running around my mind and gave me sleepless nights this past few days. Devon May, I hope your listineng. This song is for you," madamdaming pahayag ni Sam bago tinipa ang gitara.
"I'm not the hero who will always save the day. Don't always wear the white hat don't always know the way. I may not even be the dream you wanted to come true, but I'll always be the man in love with you..."
Hindi makagalaw si Devon sa kinatatayuan habang titig na titig sa lalaki. Nang tumingala ito ay nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti at pinagpatuloy ang pagkanta ng hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
"But I'll always be the man in love with you, I'm not the key that opens every door. I don't have the power to give you all you want and more, but when you're needin'something special you can hold on to. I'll always be the man in love with you. I never could work miracles there may be others who can do what I can't do, but no one else can be as good as me at lovin' you.So when the world won't turn the way you wish it would, and the dreams you have don't come alive as often as they should. Remember that there's someone there whose heart is always true.I'll always be the man in love with you..."
Hindi niya namalayang tapos na pala ito sa pagkanta at ngayon ay nasa kanya nang harapan. Nagsisigawan na ang mga estudyanteng naroroon dahil sa eksenang nasaksihan ngunit wala siyang ibang marinig kundi ang tibok ng kanyang puso.
Sam grabbed her hands and passionately looked at her. "Devz, I want you to know that you're the only girl that makes me feel the way I feel right now. I want take care of you, to cherish you, to protect you. I want to be the man who will love you. I'm asking you to give me a chance so that I can be that guy for you. Devon May Seron, will you be my girl?" he asked lovingly.
She can't stop tears falling from her eyes. She can't believe that the man she's secretly in love with feels the same for her. Sam lovingly wiped her tears, waiting for her answer to his question. There's part of her that wants to say no because she's afraid that she might just end up getting hurt but she doesn't want to be afraid anymore. She wants to get the chance to show this man how she feels for him. She wants to love him without any reservations and doubts in her heart."Yes, I will be your girl Sam. I love you and thank you for loving me too." Devon said to him.
"Yes!" masayang sigaw ni Sam habang buhat-buhat siya nito at inikot ikot.
Nagsigawan kanilang mga audience ng kiss. Binaba siya nito at pagkatapos ay buong pagmamahal na tinitigan ang kanyang mukha. Hindi niya maiwasang pamulahan ng masuyong haplusin nito ang kanyang pisngi. "I love you Devz, I'm so in love with you. Thank you for loving me too," madamdaming pahayag nito. Dahan-dahang bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. Her heart beats full of anticipation. When their lips met, it was pure heaven.Nagsigawan ang mga tao sa kanilang paligid kaya hindi niya maiwasang mahiya. Nang pinakawalan siya ni Sam ay isunubsob niya ang mukha sa dibdib nito para itago ang pamumula.