Author's Note: ei guys, just wanna thank you for reading my story. please do post your comments, suggestions, violent reactions in the comment box. Okay lang if walang vote, i just wanna know what you think regarding my story.. I will appreciate it much! thanks, enjoy reading :)
HINDI pa rin makatulog si Devon kahit mag-aalasingko na nang madaling araw. Tumawag ang kanyang kaibigang si Fretzie kanina sa kanilang opisina upang ipaalala sa kanya ang gaganaping engagement party nito mamayang gabi. Mula nang mag-usap sila sa Bella Rosa nang nakaraang linggo ay hindi na siya mapakali. Kung maaari lang pigilin ang pagsapit nang araw na ito ay ginawa na niya. Pagkatapos nang mahigit kumulang apat na taon ay muli niyang makikita ang lalaking nanakit at nagpaluha sa kanyang puso. Hindi pa rin nawawala ang sakit na idinulot nito kahit sa paglipas nang panahon. Hindi niya malaman kung paano at anong oras na siya nakatulog. Nagising siya sa pagtunog ng kanyang cellphone.
"Hello, good morning, " inaantok pa niyang sagot sa tawag.
"Anong good morning ka diyan! It's already two o'clock in the afternoon. Sinasabi ko na nga ba, hindi ka nakatulog kagabi nuh? Kung hindi pa siguro ako tumawag hindi ka pa rin magigising hanggang ngayon." panenermon ni Fretzie sa kabilang linya Napabalikwas tuloy siya ng bangon ng marinig ito. "I called para sabihing magtatampo talaga ako sa iyo kapag hindi ka pumunta sa party. Kilala kita, alam kong magdadahilan ka at last minute para makaiwas but I'm telling you na hindi mo habang buhay maiiiwasan mo si Sam. Alangan namang hindi ka rin sumipot sa kasal ko para lang magawa yun, kaya hanggang maaga pa face him. Siguro oras na rin para magkaharap kayong dalawa para makapag-move on ka na." seryosong sabi nito.
Hindi niya alam kung paanong nalaman nang kaibigan ang tunay na nararamdaman. Akala niya maitatago niya sa ibang tao na nasasaktan pa rin siya magpahanggang ngayon ngunit nagkamali pala siya. Napabuntong-hingiga na lamang siya sa sarili. Siguro'y tama ang kaibigan, kailangan na niyang harapin si Sam nang mabigyang tuldok na ang nakaraan. "Don't worry, hindi ako mawawala sa party mo mamaya. Promise, cross my heart and hope to die." pagbibiro pa niya.
"Thanks friend. See you in a bit." paalam ni Fretzie.
HINDI malaman ni Devon kung tutuloy siya sa pagpasok sa bahay nang kaibigan kung saan kasalukuyang nagaganap ang kasiyahan o babalik siya sa loob ng kanyang kotse upang umuwi. Napagpasyahan niyang sundin ang una. Kaninang nagmamaneho siya sa daan ay ikinondisyon na niya ang sarili para sa paghaharap nila ni Sam ngunit biglang naglaho ang inipong lakas ng loob sa mga oras na iyon. Tumuloy siya sa garden kung saan nagsisimula na ang party upang hanapin ang kaibigan. Nakita niya itong nakatayo malapit sa makeshift stage kasama ang kasintahang si Ivan at dalawa pang lalaki. Nakilala niya si Joe ang isang kasama ng mga ito ngunit hindi niya makita ang mukha ng isa pang lalaki dahil nakatalikod ito sa kanyang direksyon. Dahan dahan siyang lumapit sa kaibigan na agad naman siyang nakita. Nag-excuse ito sa mga kasama at dali dali siyang pinuntahan.
"Oh my gosh friend, you're here!" masayang salubong sa kanya ni Fretzie. "Where's tita, bakit mag-isa ka lang?
"Sinumpong ng migraine kaya hindi nakasama, sa wedding na lang daw siya mag-aattend." paliwanag niya. "Conratulations," bati niya sabay yakap ito. Naguguilty siya dahil naisip niyang hindi magpunta ngayong gabi, but now that she saw how happy Fretzie is she's glad she came."By the way, you look great!" aniya rito pagkatapos humiwalay sa yakap ng kaibigan.
"Thank you. Halika puntahan natin sina Ivan."- Fretzie
Mabilis nitong hinila ang kamay upang puntahan ang kasintahan kaya wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang dito.
"Honey, Devon's here," tawag pansin ni Fretzie kay Ivan.
Sabay-sabay napalingon ang mga ito sa kanila ng kaibigan. Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang mukha ng isa pang lalaking kasama ng mga ito. "S-sam" Mahinang sambit sa pangalan nito. Naghinang ang mga mata nilang dalawa nang lalaki. Tila tumigil ang ikot ng mundo nang magtagpo ang kanilang paningin. Nakita ni Devon ang kislap sa maga mata ni Sam pagkakakita nito sa kanya ngunit dagling nahalinhinan iyon ng pagkadisgusto. Hindi niya matagalan ang mga titig nito kaya mabilis niyang nilapitan si Ivan para batiin.
"Hi. Congratulations."- Devon
"Thanks Devz. Buti naman at dumating ka na, napaparanoid na itong kaibigan mo dahil kanina ka pa hinihintay," nakangiting sabi ni Ivan. "By the way you remember Joe right?" pakilala nito sa kasama.
"Yeah, I remember him," sagot niya. Binalingan niya ang lalaki para batiin. "Hi Joe, How's 9th Ave?"
"Still the same. Nice to see you again after four years?"- Joe
"Yeah, same here," aniya. Pinipilit na huwag mapalingon sa direksyon ni Sam.
"Devon si Sam nga pala," singit ni Ivan.
Hindi niya alam kung saan siya kumuha nang lakas upang tingnan ito. Nang muling magtagpo ang kanilang mga mata ay tila siya isang kandilang unti-unting nauupos. Kung kanina ay pagkadisgusto ang mababanaag sa ma mata ng lalaki, ngayon ay may kasama nang galit.
"Hi. Kamusta?" Pinilit niyang masabi ang mga kataga nang tuwid at kahit papaano ay nagtagumpay naman siya.Lihim siyang nagpasalamat dahil doon.
"I'm fine. How about you?" walang emosyong tugon ni Sam sa kanya.
"I'm fine, thank you for asking."- Devon
Binalingan niya ang kaibigang upang yayaing maupo. Hindi niya alam kung kailan pa siya tatagal dahil nanginginig na ang kanyang mga tuhod sa oras na iyon. Nakaintinding inalalayan naman siya ni Fretzie patungo sa isang mesang wala pang tao ngunit sa malas niya ay sumunod ang mga lalaki sa kanila at sinabing doon din mauupo ang mga ito. Nagkwentuhan ang mga ito tungkol sa negosyo habang siya'y tahimik lang na nakikinig. Nagsasalita lamang siya kung tatanungin siya ng mga ito. Mula sa sulok ng mata ay nakita niyang kanina pa siya tinititigan ni Sam habang kausap nito ang mga kaibigan. Hindi niya makaya ang tensyong nararamdaman kaya nagpaalam siya sa mga ito na pupunta sa CR.
"I need to go to the powder room, excuse me for a while," mabilis na tumayo si Devon at naglakad palayo sa mga ito.