Chapter 23- Happy Ever After?!

728 13 16
                                    

Tahimik na nakaupo si Devon sa mesang inilaan para sa wedding entourage. Nasa reception na sila nang kasal na ginaganap sa loob ng Manila Ballroom. Kasalukuyang nagkakaguluhan ang mga kababaihan dahil sa tradisyonal na paghagis nang wedding bouquet. Pinipilit siyang sumali nang mga kasamahan ngunit maagap siyang tumanggi. Wala siyang balak makigulo sa mga kadalagahang nais makuha ang bulaklak. Isa pa, kahit siya ang makasalo nito ay hindi na matutupad ang paniniwala tungkol sa wedding bouquet na kung sino ang makakuha nito ay siyang sususnod na ikakasal. Paano mangyayari yun kung ang tanging lalaking nais niyang makasama habang buhay ay ilang ulit na nanloko sa kanya.

Narinig niyang nagsalita ang emcee upang kuhanin ang atensyon nang lahat nang naroroon. Tinawag nito ang best man upang magbigay nang mensahe para sa mga bagong kasal kasabay ang wedding toast para sa mga ito. Nakita niyang tumayo si Sam at lumapit sa mic at nagsalita.

"Good evening ladies and gentlemen. Tonight we're celebrating a wonderful union of two souls destined to be together. I just want to give my congratulations to my two friends. Hindi ako makapaniwala na ang dating aso't pusa kong mga kaibigan ay mag-asawa na ngayon. Naaalala ko pa nga kung paano kayo magaway noon. Sana naman kung mag-aaway kayo ulit huwag niyong ituloy sa bugbugan," ani Sam nang pabiro na siya namang ikinatawa nang mga tao sa paligid. "I just wish you all the best in life. Married life is not that easy but as long as you help each other, trust each other, and have faith with each other no trials or problems that will come your way will separate you. Just continue loving each other unconditionally, okay?" pagpapatuloy nito. "By the way guys, I just want to take this opportunity to say something. I already got the approval of our newly weds here so please bear with me." pagpapatuloy nito.

Nagtataka man ay patuloy pa ring nakinig ang mga bisita sa sasabihin nito. "More than four years ago, I met this girl. She's simple yet she standout from the rest. She said that she's only a plain Jane but for me she's the most beautiful girl I've ever met. I did everything to get a chance to know her and luckily I got what I wished for. We became friends at first, but that's not just what I want from her. I want to have the right to love her, to protect her, to take care of her. I want to have the right to call her mine." madamdaming pahayag ni Sam habang nakatingin sa kanya. "One fateful day, I finally got the chance to ask her to be my girl, and would you believe, she said yes! I was the happiest man on the planet when I heard her said that she's also in love with me. Day by day after, our love for each other grew stronger. For five months there's not a day that pass by that we didn't become happy. But of course, there's no perfect relationship. On afternoon, I was waiting for her in our music club office but she didn't come. I tried to call her to ask if there's something happened but she didn't answer her phone. She didn't even give me a chance to see her, kasi pala narinig niyakami ng mga kaibigan kong nag-uusap tungkol sa kanya. Narinig niya na pinagpustahan namin siya kaya ko siya niligawan,"

Huminga muna si Sam bago nagpatuloy.

"It was true that my friends made a bet but I didn't agree with them. What I felt for her was true. Hindi dahil sa isang pustahan kung kaya ko siya niligawan dahil unang beses ko palang siyang nakita hindi na siya nawala sa isip ko. Four years after the beak up we met each other again. The moment I saw her again I knew that I still love her despite of the years that passed.I talked to her and asked for another chance for me to prove that I love her for real. Heaven's on my side because she gave me another chance to be part of her life. Pero hindi pa man nagtatagal ang aming pagbabati, nagkaroon na naman kami ng problema. She thought I have another woman aside from her because she saw me with a girl on a jewelry store buying a ring. Well ito lang ang masasabi ko sa iyo Devon May, totoo ang nakita mo. Bumili ako nang singsing kasama ang isang babae, pero hindi siya basta lang babae, she's my cousin Tippy the same one that I'm supposed to introduce to you before you heard the thing about the bet. I asked her to help me buy a ring for the girl that I want to ask the hand for marriage and that girl is you, Devz."madamdaming pahayag nito.

Nanlalaki ang mga matang napatigil si Devon. Hindi mapigilan niyana mapaiyak sa mga narinig. Hindi niya akalaing para sa kanya ang singsing na binili nito. Hindi niya mapaniwalaan na binili nito ang singsing na iyon dahil nais nitong hilingin sa kanyang magpakasal dito.

Patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iyak kaya hindi niya namalayang nakalapit na pala si Sam sa kanya. Lumuhod ito sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang mukha upang punasan ang mga mula. Matamang tinitigan siya nito. "Don't cry babe. Everything you heard is true. I bought that ring not for anyone else but for you." Binitawan nito ang kanyang mukha upang ipasok sa bulsa. Nakita niyang may kinuha ito mula sa loob at nang iangat ang kamay ay nakita niya ang isang napakagandang singsing.

"Devon May Seron, babe will you marry me, be my wife and mother of my children?" madamdaming tanong ni Sam sa kanya.

Hindi magawang magsalita ni Devon sa sobrang kaligayahan. Tumango lang siya nang tumango bilang tugon sa tanong ni Sam sa kanya. Mabilis nitong sinuot ang singsing sa kanyang daliri at pagkatapos ay hinalikan siya sa labi. Ayaw pa sana nitong bumitaw ngunit narinig nila ang hiwayan nang mga tao sa paligid.

Hiyang-hiya si Devon na bumitaw mula rito. Hinawakan niya ang mukha ni Sam. "Yes, I will marry you. I'll marry you because first, I love you and no matter what happen that fact will not change. Second, I will marry because you want me to be the mother of your children right, well I want to tell you that I already am. I'm one month pregnant babe, we're going to have a baby," masayang pahayag ni Devon.

Nanlalaki ang mata ni Sam sa kanyang sinabi. "Yes! Yes! Everybody did you hear that? I'm going to be a father!" masayang sabi nito nang matauhan at dahil sa labis na saya ay binuhat siya nito at inikot.

Nabigla si Devon sa ginawa ni Sam kaya pinaghahampas niya ito. "Hey, put me down. I'm dizzy. Remember I'm pregnant." Natatawang sabi niya rito.

Natauhan siguro ito sa kanyang sinabi kaya dahan-dahan siyang ibinaba pagktapos ay mahigpit na niyakap. "Thank you Devz. You made me the happiest man on earth today," bulong ni Sam sa kanya. Hahalikan pa sana siya nito ulit nang biglang may magsalita sa likod nito.

"Hey, you two, get out of here and get a room. You already made a lot of scenes here. Remember this is our wedding not yours!" pagbibiro ni Ivan sa mga kaibigan. Natawa ang mga bisita sa hirit nang binata.

Lumapit ang kanyang bestfriend sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Congratulations friend! I'm so happy for you. Sa wakas, ikaw na ang susunod na masasakal, este ikakasal." pagbibiro ni Fretzie na siya niyang ikinatawa. "Seriously I'm so happy for both of you. Hay, dapat siguro Sam one year honeymoon package ang binigay mong regalo sa amin imbes na one month. Ninakawan niyo kami nang moment nitong honey ko at sa mismong kasal pa naming ah. Pasalamat ka love ko itong bestfriend ko kung hindi never akong papaya maagawan niyo nang eksena no! At teka lang, inunahan niyo pa kaming magkababy nitong honey ko, ninang ako ah?" patuloy na pagbibiro ni Fretzie sa kanila.

Masaya siyang tumango rito." Siyempre naman." aniya at muling niyakap ni Devon ang kaibigan.

"Hay, tama na nga ang drama. Tuloy ang party!" natatawang sabi ni Fretzie at saka pumunta sa tabi nang asawa.

Nilinga niya si Sam sa kanyang tabi at muling niyakap ito. "I love you babe, thank you for giving my fairy tale a happy ending." aniya rito.

Hinawakan ni Sam ang kanyang baba upang itaas at tingnan siya sa mata. "I love you more Kimberly Devon May. I can't love another woman besides you. It should be me to thank you for letting me be the man to love you forever." madamdaming tugon ni Sam sa kanya at pagkatapos ay muling bumaba ang mukha upang sakupin ulit ang kanyang mga labi at bigyan siya nang isang matamis na halik.

Narinig ni Devon ang pagngangantiyaw sa kanila nang mga bisita ngunit wala na siyang pakialam. Ang mahalaga lamang sa kanya sa mga oras na iyon ay ang lalaking kayakap. Sa wakas ay makakamtan na niya ang pinapangarap, ang makasama ang lalaking pinakamamahal nang panghabang buhay. Isang masayang wakas para sa kanya, kay Sam, at sa ang mga magiging anak nila....

                                                                           The End

Author's Note: Thanks guys for reading my first fanfic...sorry kung hindi gaanong kaganda...#Pordalab ika nga... please do leave your comments and suggestions in the comment box...i love to hear from you guyz... i have another story coming up..it's of course SamVon inspired pa rin but Rated SPG this time.. hahaha.. dahil hindi natuloy ang ganap na spg sa ABY sa FF ko na lang itututloy! will post it soon... tnx again... #PurpleForever

The Man In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon