Chapter 2: University
Mabilis kaming nakalabas sa university hanggang sa hindi na namin narinig ang sigaw ng babaeng humahabol sa kanila.
"Ano ba bitawan niyo 'ko!" Angal ko ngunit hindi pa rin nila ako pinapansin.
Hanggang sa hindi ko na lang namalayan kung saan kami napadpad. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumigil na rin sila sa pagtakbo. Agad din akong napasulyap sa unahan ng marinig ang magulong pagbabangayan ng grupo ng mga kalalakihan.
Nasaan ba kami?
"Wait here." sabi ng lalaking humila sa akin dahilan upang mabalik ako sa ulirat.
Aalis na sana sila ng bigla kong hinila ang braso ng lalaking humila rin sa akin kanina.
"Wait, nasan ba tayo?" takang tanong ko.
Nginitian niya naman ako at kinindatan.
"Nasa arena tayo ng underground society."
Naiwan na lamang akong nakatulala at hindi alam kung anong gagawin sa mga narinig ko galing sa kaniya.
What?
Nanatili pa rin akong nakatayo malapit sa pinto at mahigpit na nakahawak sa strap ng sling bag ko. I let out a cough and sighed.
Pinagmasdan ko naman ang apat na lalaking walang hiyang sinama ako sa lugar na 'to na nakikipag-usap sa isa sa mga lider ng mga kalalakihan dito. Nandito kami ngayon sa tago at malaking lugar na ngayon ko lang din nakita. Now I wonder, kaya siguro sila nakapasok sa apollo university ay dahil isa silang gangster.
They do illegal things and fight with small people, mga walang kinabukasan ang mga taong 'to. I sniff, ang baho pa naman dito. Nakakasakit nang ilong ang upos na sigarilyong nakakalat sa buong lugar.
I just rolled my eyes. Sabi nang lalaking humila sa 'kin kanina na nandito raw kami sa arena ng undergrounds society. Magkakaroon nga ako ng lead sa grupo na hinahanap ko pero hindi ko naman ini-expect na sa first day ko palang ay makikita ko na agad ang arena nila.
Naramdaman ko namang may nag vibrate sa bag ko kaya agad kung kinuha ito at nakita ang cellphone ko. Bumungad agad sa akin ang sandamakmak na messages ni Xander. Napasimangot naman ako.
Sabi niya kanina na nasa likod ko lang daw sila eh paglabas nga namin kanina ay wala sila! Puro kasinungalingan talaga sinasabi ng lalaking iyon. Always my bully.
From Xander:
"Alexandra paano mo agad sila nakilala?"
"Alex, hey! Susundan ka lang namin. 'Wag kang mag-alala."
"Alexandra mag reply ka! Okay ka lang ba?"
"Hey! Alexandra sila ang hinahanap natin! Silang apat ang pinakamalakas na grupo sa larangan ng undergrounds society."
Napatigil naman ako sa pagbabasa ng mga text ni Xander ng mabasa ang pang-apat na message niya. Imposibleng sila 'yon! Agad ko namang kinuha ang isa ko pang cellphone at binuksan ito. Ginagamit lang kasi namin ito sa mga importanteng bagay tulad nito. Dito ko kasi sine-save ang mga info's ng mga misyong ibinibigay sa akin.
"Kiero Mondragon, 18." bulong ko at sinuri ang picture nito.
Tinitigan ko naman ang apat at na realize na ito pala 'yong lalaking 'di gaanong nagsasalita o kung magsasalita man ay matipid lang. Napasapo naman ako sa noo ko.
"Sila nga!" mahinang utas ko.
Now this is unexpected! Tiningnan ko naman muli ang picture at sinuri ang tatlo pang 'di ko kilala.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Victim
RomanceIsang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa loob ng underground society. Kumalap ng impormasyon, iyon lamang ang dapat niyang gawin sa loob ng maikling panahon. Akala'y magtatagumpay...