Chapter 27: Memories

74 1 1
                                    

Chapter 27: Memories

"Saan ka galing?"

I rolled my eyes when I saw how Xander's brows furrowed as soon as I entered the house.

"Diyan lang sa tabi-tabi, dad." I answered. Nilapitan niya naman ako at tiningnan mula ulo hanggang paa. I rolled my eyes because of that.

"Ano bang ginagawa mo? I'm okay! Walang nangyaring masama. Chill!" sabi ko at umupo sa wooden chair.

"You didn't wake me up! Sinamahan na sana kita." giit niya.

"It's okay. Bumalik din naman agad ako." sabi ko.

Napanguso naman ako ng maalala ang huling pinag-usapan namin ni Kirven. Dito siya nakatira pero mayroon din daw silang bahay sa manila. Mabilis lang din naman kaming natapos sa pagkain. Ihahatid niya nga rin sana ako pauwi pero hindi ako sumang-ayon. Lalo na't hindi ko naman talaga siya ganoon kakilala.

"Tinawagan ako ni Boss kanina. Did you call your dad?"

Napabalik naman ako sa ulirat ng marinig ang malamig na tono ng boses ni Xander. Napatikhim ako bigla.

"R-Really, tumawag siya? Ah, anong sinabi?" I asked, calmly.

"Alexandra!" Now, he's damn pissed.

"Okay, okay! Tinawagan ko nga siya kagabi. I used your phone! Ano ba kasing sinabi ni dad sa'yo?" tanong ko. "A-ah, pinagalitan ka ba?" pahabol kong tanong.

He sighed heavily. "Wala akong pakialam kung pagalitan ako, Alexandra! Pero hindi ba sabi ko ang agency na ang bahala! Lumayo nga tayo para hindi ka nila makita! What if may nakakaalam na tumawag ka pala at ma trace tayo, ha?!" he gritted his teeth.

"Now, I need to buy a new phone again!" he massage his forehead.

"I'm sorry okay?! Atsaka, mabilis lang naman 'yun." I explained.

"We need to be careful, Xandra. Bawat galaw natin pinagmamatyagan." Ngayon alam kong kumakalma na siya.

"Okay, okay. I won't do it again."

"Good. Aalis ako mamaya para bumili ng bagong cellphone, dito ka na muna sa bahay. 'Wag kanang sumama kasi mabilis lang din naman ako." aniya kaya tumango naman ako.

That's the rule. Para hindi ka ma trace ng mga kalaban, wala ka dapat permanenteng telepono, address, kahit... kaibigan. Kasi lahat ng permanente sa buhay mo ay gagamitin laban sa'yo. Lalo na't marami-rami na rin kaming naipakulong.

"The NBI is now doing their investigation inside the university together with the agency, Xandra. Ngayon, malalaman na natin kung ano ang mga itinatago nila." sabi ni Xander sabay suot ng kanyang leather jacket. Tapos na siguro itong kumain, kasi aalis na eh. Ang aga pa naman pero ganyan talaga siya. Palaging maaga.

"Talaga? Then, that's good! Sana nga lang ay gawin nila ang trabaho nila ng maayos. Sana hindi ma corrupt ang mga pag-iisip nila at baka mabayaran na naman." I smirked.

Buntong hininga ang pinakawalan ko ng makitang nakaalis na si Xander. Nag-usap lang kami sandali at umalis na rin agad siya. Tinahak ko ang daan patungong kwarto upang makapagbihis na. I feel so sticky. Mabilis lang akong natapos kaya ngayon heto ako sa sala ng bahay. Napakatahimik at ang peaceful ng buong paligid.

"This is what I need." I murmured.

Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim. Ipinikit ko rin ang mga mata ko para makapagpahinga saglit pero hindi pa nga ako nakaka ilang segundo sa pagpikit ay may narinig akong malakas na kalabog sa kusina dahilan upang mapatayo ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon