Chapter 15: The Devils Game

119 50 9
                                    

Chapter 15: The Devils Game

Nagising ako kinaumagahan na parang hindi nakatulog ng maayos. Well actually hindi nga. Dahil sa nangyari kagabi ay matagal akong dinalaw ng antok.

Ngayon ay tinatahak ko na ang daan patungo sa pinakadulong parte ng university. Doon gaganapin ang game dahil obviously nandoon din ang maze.

Pagkarating ko ay halos kumpleto na ang halat na departamento. Sinuri ko ang buong lugar at nakita ang apat na hinihintay ako.

Lumingon sa akin si Kiero at nabigla ng makita ako. Iniwas ko na lamang ang tingin ko dahil ayokong magkaroon pa ng koneksyon galing sa kaniya. Makakakuha pa rin naman ako ng impormasyon ng dahil kay Topher.

Lumapit ako sakanila at nakita ko ring nabigla si Topher ng makita ako. Now, what?

"Kanina pa kayo?" salubong na tanong ko sa kanila. 

Tinangoan naman ako ni Alex.

"Xandra hindi mo na suot ang eyeglass mo." Manghang-mangha na wika sa akin ni Topher kaya napahawak naman ako sa batok ko ng bahagya.

"Ah, oo. Nagsuot ako ng contact lens ngayon. Naisip ko rin kasi na baka nga makasagabal ang pagsusuot ko ng eyeglass ko habang nasa game tayo." wika ko at nginitian sila.

Nginitian naman ako ni Topher. 

"Ang ganda mo." wika niya sa mababang tono.

Nakita ko namang sinulyapan agad ni Kiero si Topher. Hindi ko na lang sinagot si Topher sa sinabi niya at agad na umiwas na ng tingin. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang handang-handa na ang iba.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago nag awtomatikong nagbukas ang gate papasok sa maze. Ngayon ko lang din napansin ang mga punong nakahilera sa maze.

Kung hindi mo tatandaan ang dadaanan mo ay malilito ka talaga dahil magkapareho ang bawat sulok ng maze. Kahit saan ka titingin ay parang ilusyon sa paningin mo.

"Pumasok na tayo." Malamig na wika ni Kiero at tumango naman sila.

Nagsimula na ring pumasok ang ilan. Huminga naman ako ng malalim at napahawak ng mahigpit sa shuriken na dala ko. Ito lang ay mayroon ako. Sabi rin naman nila na hindi kami maghihihiwalay hiwalay. Ako daw ang maghahanap sa susi at sila ang makikipaglaban.

Binungad ako ng malakas na hangin pagkapasok ko sa loob ng maze. Napatingin naman ako sa ibabaw ng tarangkahan ng makita ang pangalan ko pagkapasok ko sa loob. Tila ba na de-detect nila kung sino ang mga pumapasok.

"Maging alerto kayo." wika ni Topher at inilibot ang paningin.

Alam kong magsisimula lang ang labanan kapag may isang grupong makakahanap sa susi at aagawin iyon.

Maraming nakahilerang puno na syang gagabay sa'yo kung saan ka dadaan. Pero mas pinili naming sundan ang punong nakahilera sa gitna.

Pagkapasok mo agad sa mga nakahilerang puno ay hindi mo na makikita ang mga estudyanteng nakapasok sa ibang daanan. Magkadikit dikit ang mga puno, maraming damo at bulaklak dahilan upang kabahan ka dahil hindi mo na alam kung sino ang bubungad sa inyo.

Hindi ko na rin nakita ang pinto na nakita ko kahapon. Para bang may iniba sila sa buong espasyo. Hindi na ito kagaya ng nakita namin kahapon.

Tumitingin ako sa mga puno dahil baka may makita kaming clues o susi ng biglang may lumabas sa kaliwang daan kung saan din sana kami liliko.

"ABM department." bulong ni Topher at tumango naman si Leo sa kaniya.

Isa sila sa mga estudyanteng nag u-undercover sa undergrounds society. Mga matatalino.

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon