Chapter 25: Evidence

101 4 6
                                    

Chapter 25: Evidence

Hindi ko alam kung tama ba talaga ang desisyong ito. Basta ang alam ko ay nakabusangot lang talaga ako buong biyahe. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Hihinto ang bus kapag may bababa o sasakay sa terminal. Hihinto rin kapag kainan na.

"Alam mo Xander! Hindi ko talaga gusto ang ideyang 'to." Ilang ulit na reklamo ko sa kaniya.

Kinuha ng lalaking naka puting uniporme ang bayad naming dalawa at ang stupido ba naman! Binigyan ng 10,000. Eh limang libo lang naman pala ang bayad naming dalawa. Napahiya tuloy kami.

"Tigilan mo nga 'yang kakareklamo mo! Aba hindi ko rin gusto rito. Kaya lang kailangan kitang ilayo noh! Mahirap na..." pagmamaktol din niya, hindi ko na narinig ng maayos ang sinabi niya sa hulihan dahil nagsimula ng umandar ang bus.

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na siya pinansin. Ilang oras kaming nakasakay sa bus at sumasakit na ang pwetan ko. Ang ipinagtataka ko ay nang isinakay ang bus sa barko at sumakay kaming mga pasahero sa mismong barko rin.

Hindi na ako nagtanong pa dahil wala ring alam itong kasama ko. Sumunod na lamang kami sa ibang pasahero dahil mukhang sanay na sanay na silang sumakay. Mahigpit nga ang hawak ko sa bag ko eh dahil pakiramdam ko may kukuha nito.

Dalawang beses isinakay ang bus na sinasakyan namin sa barko. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta basta sabay lang kami sa iba. Ang sabi ni Xander basta hindi niya pa nababasa ang lugar na bababaan namin ay hindi rin kami bababa.

Ang astig 'di ba?

Ngayon ay nakasakay kami sa bus. Nakatingin ako sa labas at malungkot na tiningnan ang langit. Gabing-gabi na. At ikalawang araw na namin itong nakasakay sa bus. Ang sabi ni Xander ay malapit na raw kami. Hindi ko nga siya pinansin dahil galit ako.

Nabuntong-hininga na lamang ako ng maalala si Kiero. Hindi ba talaga ako lulubayan ng lalaking 'yon?!

Pero, ano na kayang nangyari sa kaniya ngayon?

Ugh! Stop that Xandra! Hindi ka niya mahal, okay? Pinaglaruan ka lang niya!

Naramdaman ko naman ang pangingilid ng aking luha. Walang'ya heto na naman. Maiiyak na naman ako. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip. Nagising na lang ako ng marinig ang malakas na sigaw sa unahan.

"Surigao na! Surigao!"

Napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakitang umaga na. Mayroon din mga nakahilera na iba't-ibang bus.

"Xander, surigao na raw!" alog ko sa kaniya.Tulog mantika rin eh. Pero nang marinig niya ang sinabi ko ay bigla na lamang nagising.

"H-Ha? Talaga?" gulat na tanong niya kaya tinangoan ko na lang.

Bumaba kami at bumungad sa amin ang klase-klaseng amoy ng terminal. Surigao? Nasaang lupalop ba kami ng pilipinas?

"Eyeglass madam. Gusto nimo? 150 ra ni." wika ng lalaking lumapit sa amin na may dala-dalang iba't-ibang klaseng eyeglass.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya hindi na lang namin pinansin ni Xander.

"Bakit tayo nandito? Saan lugar ba 'to?" tanong ko sa kaniya ng makitang malayo na kami sa lalaking nagbebenta.

"Hindi pa sana tayo dito kaya lang pakiramdam ko hindi na natin kayang bumiyahe kaya dito na lang tayo titigil." asik niya.

Napakunot-noo naman ako ng marinig iyon. What? Hindi pa pala talaga ito 'yong destination namin?

Nakita naman namin ang mga taong pumupunta sa iisang direksyon kaya sinundan namin iyon. 'Gaisano'. Iyan ang basa ko ng makita ang signage sa itaas ng building na pinapasukan ng mga tao. O-Okay?

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon