Chapter 8: Decode the Code
Ilang araw nang nakakalipas ng makabalik ako ng maayos at ligtas sa dorm. Umalis na rin ako doon sa hospital ng maramdamang kaya ko ng maglakad. At sa oras na nalaman kong wala na ang Devil Phoenix ay kinuha ko na 'yon as an opportunity para makalabas ng hindi sila nakikita.
Kasi matapos kung marinig ang pag-uusap nila ay tila mas lumawak pa ang pag-iisip ko na kapag ang isang tao, ganoon na talaga ang pag uugali kahit ano pang gawin mo ay hindi na talaga mababago iyon.
Tulad ni Kiero...
Kasi noong niligtas niya ako at dinala sa hospital akala ko talaga ay may mabuting parte pa sa puso niya na hindi niya ipinapakita. Pero dahil sa pag-uusap na 'yon tila wala nga talagang pag-asa.
Kaya as soon as possible. Dapat ma gather ko na lahat ng impormasyon na mayroon sila na hindi sila kinakaibigan. Kasi kung mas malapit ako sa kanila pakiramdam ko mas lalo akong hindi magiging ligtas.
Ngayon ay nasa dorm na ako at nagmumuni-muni. It's my eight day here in Apollo's University. At ang talagang napansin ko rito sa university ay pareho lang din naman pala sila sa ibang mga normal na university na tinuturoan ang mga estudyante na mag aral ng may dekalidad na edukasyon ang kakaiba nga lang talaga ay kadalasan lahat ng estudyanteng nandirito sa loob ng university ay marunong makipaglaban.
I mean kapag lalabas ako at pupuntang ground. Marami talaga akong nakikitang mga estudyanteng may dala-dalang mga patalim at pinapraktis ito at hindi ko alam kung bakit ina-allowed nila ito sa loob ng university.
Alam kaya ito ng mga pamilya nila? Napabuntong hininga naman ako. Ang mas worst pa ay may nakita pa akong nag aaway gamit ang katana sa loob ng auditorium.
I mean... bakit ganito dito?
Naiisip ko lang din na 'yong ginawa pala ni Celine sa'kin ay hindi pala bawal iyon? Wala naman kasing nasabi sakin ang head about sa mga dont's dito sa university about sa pagdala ng mga patalim at iba pa.
Napatingin naman ako sa tracking device na ibinigay ni Xander sa akin na ngayon ay nakalagay sa may side table. Alam kong hindi ito gumagana rito sa loob ng university. Ipinagtataka ko nga eh kung bakit may barrier itong university na parang may itinatago sila.
Xander's Point of View
"Ano! Natrack niyo na ba?"
"Hindi pa rin eh. Para atang may pomoprotekta dito."
"Ano! Pang ilang araw na ngayon. At hindi niyo pa rin na ba-bypass? Ayusin niyo nga!"
"Opo boss!"
"Hays! Magsi-ayos nga kayo!" bulyaw ni boss sa mga kasama ko.
Nakita ko namang kinakabahan si Drei, ang professional IT namin at ang pinakamagaling na mang hack at mag decode ng mga patterns.
Siguro hindi niya talaga ma track ang device pin na ibinigay ko kay Alexandra. Nakita ko namang umupo si boss malapit sa upuan ni Drei.
Ang boss namin ay ang papa ni Alexandra at alam kong nag-aalala siya para sa anak niya. Sino ba namang hindi diba? Ako nga mismo ay nag-aalala para sa kaniya eh.
Lalo na no'ng nakita kong sa pagpasok niya pa lang ay nakasama niya na agad ang apat na pinakamalakas na gangster sa underground society.
Kaya nga mas kinakabahan ako para sa kaniya, kasi baka mabisto siya. Pero alam ko namang kaya niya. Kasi trained na siya para rito.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit si Alexandra ang ipinadala ng papa niya. Marami namang may kakayahan din kaya bakit ang sarili niya pang anak?
Hays!
"Boss!" kabadong tawag ni Drei kay boss.
Bakit para atang mas kinabahan siya ngayon?
"B-Basahin n-niyo po ang c-code na na b-bypass ko." takot na asik niya.
Anong mayroon? Bakit parang kinakabahan na rin ako? Lumapit naman agad ako para tingnan din ang code na na bypass ni Drei at nabigla ng mabasa ang apat na salita.
"She's my next victim."
Ano? Anong victim? Ano ang ibig nilang sabihin? Napatingin naman ako lalo sa screen at napaisip kay Alexandra.
"Hindi maaari..."
BINABASA MO ANG
The Gangster's Victim
RomanceIsang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa loob ng underground society. Kumalap ng impormasyon, iyon lamang ang dapat niyang gawin sa loob ng maikling panahon. Akala'y magtatagumpay...