Chapter 26: Past

48 2 2
                                    

Chapter 26: Past

"Dad.." I called.

"Xandra, anak. It's late. Ba't napatawag ka? Huwag ka munang bumalik dito, kami na ang bahala sa lahat. Just relax there and soon if everything is fine you can come back here with Xander." aniya na para bang gusto ng tapusin ang tawag. Nahirapan pa akong makuha ang phone ni Xander para lang matawagan si Dad. Naghintay pa talaga ako ng tiyempo na makatulog siya sa kwarto niya. Wala kasi akong cellphone na nadala tapos ito lang ang ibubungad sa'kin ni Dad.

I sighed. "Dad, listen." sabi ko bago niya pa maisipang tapusin ang tawag. Pumasok ako sa banyo ng kwarto at nilock ang pinto. Baka marinig pa ako ni Xander, mahirap na.

"I heard na nakuha niyo raw ang flash drive na dala-dala ko nang nasa university pa ako? At pansamantalang pinaiimbestigahan ang council ng underground?" I asked, confirming it.

I heard him growling. "Sino ang nagsabi sa'yo?! Is it Xander? Ang sabi ko ay 'wag ipapaalam sa'yo! We can take care of this. Salamat anak, dahil nakuha mo ang files ng underground. With this we can jail those criminals! Our long time enemy will not 'cause damage anymore. Hayaan mo ng gawin namin ang trabaho rito. Just relax there. I know you're tired because of the mission. I'm sorry."

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Gulat ako dahil ngayon ko lang narinig na nagpasalamat at humingi ng tawad ang ama ko sa'kin. Did I hear it right?

"Dad.." I called him again, shocked. "You don't understand." I said, nang makabawi na ako sa pagkagulat.

"No. I understand everything you've done, Xandra. You risked it all just to fulfill this mission. Pasensya ka na at pinagdudahan kita. We'll talk soon. Sleep now." aniya at hindi na ako pinatapos sa pagsasalita.

I groaned in frustration. Paano ko sasabihin sa kanyang hindi ko naman talaga nadala pabalik ang flash drive? At baka kung sabihin ko sa kaniya ay baka hindi rin siya maniniwala sa akin. I tried to call him again and this time sasabihin ko na kaagad ang nasa isip ko na baka trap lang 'yon or worst pero out of coverage na ang phone niya! I tried to call him again pero wala. Napasapo ako sa noo ko at napabuntong hininga. Dad, will not listen to me. Ever.

Ibabalik ko na sana ang phone ni Xander ng maisipan kong mag search muna sa google chrome. Baka mayroong mga articles tungkol sa underground.

"Underground society." I typed and search. Pero wala akong nakitang news na nagsasabing pinaiimbestigahan sila. I searched again but I didn't find any related articles about them! Baka hindi pinalabas ng media? They are the most powerful syndicate afterall.

Binura ko na lamang ang search history at dahan-dahang ibinalik ang phone ni Xander sa kwarto niya. Maaga akong nagising kinabukasan. I stretch out a little bago ako bumaba sa kusina. Nagluto ako't kumain na agad. Gusto kong lumabas at magpahangin. Maaga pa naman kaya mabuting maglakad-lakad muna ako sa labas to freshen up. Nag-iwan lang ako ng maliit na note sa fridge in case na magising si Xander na hindi pa ako nakakabalik.

'I'm going out for a walk. It'll be quick. Don't find me.'

Paglabas ko ng bahay ay bumungad agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. I need this. Tahimik akong naglalakad sa gilid ng daan. May nakikita rin akong nag jo-jog. Sana pala ay nag jogging na lang ako to exercise. Ba't nga ba hindi ko naisip 'yon kanina? Oh well!

Napatingala na lamang ako sa kalangitan ng sumagi na naman sa isipan ko ang lalaking 'yun. Ilang beses kong sinubokang hindi siya isipin pero pilit talaga siyang pumapasok sa isip ko. Like he wants to stay there, not wanting to leave.

"Kiero..." I whispher his name.

I know he lied to me. Deceive me. Pero may parte parin talaga sa akin na gusto paring magtiwala sa kaniya. Kahit alam ko namang niloko niya ako. Naisip ko lang din naman kasi na noong una pa lang may plano din naman talaga akong lokohin sila. Kaibiganin para makakuha ng impormasyon. Ang hindi ko lang alam, noong una pa lang ay alam na pala nilang spy ako. I wonder why they did not confront me the first day we met. Pwede naman agad nila akong dakpin or worst patayin pero hind nila ginawa.

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon