Chapter 17: Undergrounds Secret

102 44 2
                                    

Chapter 17: Undergrounds Secret

Nagising ako sa lamig ng aircon na pumapalibot sa buong lugar. Hindi ko naman nilakasan ang aircon kagabi.  Tumayo ako upang patayin ang aircon ng bigla na lamang akong natumba. Nahihilo ako.

"H-Hmm."

Pilit akong tumayo pero parang nahihirapan ako. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Nalililo rin ang paningin kor

Tatayo na sana ako ulit ng bigla na lamang akong kinain ng kadiliman. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang sumunod na mga nangyari.

Iminulat ko ang aking mga mata at inilibot ang paningin ko. Nasaan ako? Nang makita ko ang maleta na nasa gilid, do'n ko lang din napagtanto na nandito na nga pala ako sa VIP dorm.

"You're awake."

Napatingala naman ako ng marinig ang boses ni... Kiero.

"Ba't ka nandito?" tanong ko at pilit na umupo sa pagkakahiga ko.

"H'wag ka munang gumalaw. Baka mabinat ka." wika niya na ikinatigil ko.

Inilapag naman niya ang bowl na mayroong soup at isang baso ng tubig sa mesa malapit sa kama ko.

"You are sick Xandra. Saan ka ba nagpunta pagkatapos ng game kahapon at nilagnat ka?" usisa nitong tanong sa akin.

Hinawakan ko naman ang noo ko at naramdaman ang mainit na sensayon dito. Kaya pala nilalamig at ang bigat ng pakiramdam ko.

"Kumain ka na muna Xandra at pagkatapos uminom ka na ng gamot."

Napatingin naman ako sa gamot na nasa tabi ng baso. Tiningnan ko si Kiero na pinapawisan. Ba't parang napagod siya?

"Sinong nagluto nitong soup?" tanong ko sa kaniya at kinuha ng dahan-dahan ang soup, tinulangan niya naman akong kunin ito dahil mainit pa ito.

Huminga naman siya ng malalim at iniwas ang tingin sa akin. 

"A-Ah, ako." sabi niya sabay hawak ng batok niya.

Napaubo naman ako sa sinabi niya. 

"You know how to cook?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya, inihipan ko muna ang kutsara ko na may mainit na soup bago ito tinikman.

Ilang segundo lang akong tumahimik bago siya tiningnan. 

"It's... good." I said.

Namula naman bigla ang dalawang tenga niya sa sinabi ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at inubos na lamang ang soup na ginawa niya.

Ang totoo kasi niyan ay wala naman talaga akong nalalasahan kasi nga hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Inumin mo 'to." wika niya at ibinigay sa akin ang tablet, gamot 'to para sa may lagnat.

Mabilis ko naman iyong ininom at ibinigay sa kaniya ang baso. "Magpahinga ka muna."
Tiningnan ko naman siyang papaalis na.

"Ba't ka nandito?" tanong ko sa kaniya.

Ba't niya ako inaalagaan? Kaya ko ang sarili ko. Tumigil naman siya sa paglakad at liningon ako.

"Yayayain sana kitang sabay na tayong pumasok ngayong umaga. Kaso pagtingin ko nasa sahig ka na walang malay. May sakit ka Xandra. Hindi mo kayang mag-isa." Napaigting naman ang baga ko sa sinabi niya.

"I can help myself, Kiero. No need." sabi ko at hindi na siya tiningnan. Humiga na lamang ako upang makapagpahinga. Konting tulog lang 'to, mamaya mawawala na rin ito.

"Just relax Xandra. Gusto ko lang alagaan ka. Bababa na muna ako at maghahanda ng kakainin natin mamaya. I will check you later. H'wag kang mag-alala dito lang ako."

The Gangster's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon