Chapter 4: His Next Victim
Natapos ang klase at orientation ni miss Janina na hindi ko man lang namamalayan ang oras. Sa sobrang tahimik ng klase, halos pati paghinga nila ay naririnig ko na.
Ang apat naman ay naka upo na rin two seats beside me. Kaya ang mga babaeng nasa malapit sa kanila ay kanina pa naka ngiti na halos mapupunit na ang labi.
Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang tumahimik 'tong mga 'to eh kanina naman halos paalisin na nila si miss Janina. Nakita ko rin ang pagtitig ni miss Janina sa loob ng class room. Na tila ba ay sinusuri niya ito. Narinig ko pang bulong niya na nadudumihan siya rito sa loob.
Para sa akin malinis naman ang silid kaya nga lang ay halos buong pader ay napuno na ng vandalism kaya kung hindi siya sanay sa ganitong view ay paniguradong 'di niya talaga magugustuhan. Naalala ko rin ang pagpapakilala ko kanina.
"I am Xandra Alcantallia. 17." tipid kong sabi sakanila ngunit wala man lang pumansin sa akin except kay miss Janina. Na para bang sinusuri niya ako na parang marami na siyang nalalaman tungkol sa akin.
I wonder kung magkapatid nga ba talaga sila ni Kiero. Magkaibang magkaiba kasi talaga silang dalawa kung ibabase mo sa pananalita at pakikitungo.
"Miss!" rinig kung sigaw sa 'di kalayuan
Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ang paparating na shuriken sa mukha ko. Nag-isip na naman ba ako ng malalim? Nasaan nga ba ako?
Oh, I remember! Patungo na nga pala ako sa cafeteria.
Napa-tigil naman ako at napatingin sa shurikeng papalapit na sa akin. Iilag ba ako? Nakita ko namang napahinto ang ilan. Nagtataka sila kung bakit hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Nang makita kong malapit na ang shuriken sa mukha ko ay agad ko itong kinuha at mabilis na ibinalik at inihagis sa lalaki. Alam kung sa kaniya galing ito. Nakita ko namang nagtaka sila. Kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Stupid!" I whispered.
Nakita ko namang tinitigan ako ng ilan galing sa ulo hanggang sa paa. Ano bang mga problema nila?
Tiningnan ko naman ang sarili ko at napasapo sa noo. Alexandra, nakalimutan mo na kung ano ang suot at identity mo! Napatakip naman ako sa mukha. Ugh!
Naalala kong naka eyeglass nga pala ako. Naka long sleeve at mataas na skirt kaya paniguradong parang isang ordinaryong estudyante lamang ako sa paningin nila. Why would I do that? Ofcourse, ang nasa isip lang nila ay weak lamang ako.
I sighed. Ang goal ko lang naman sana ay malaman nilang wala akong kakayahang makipaglaban. Na napunta lamang ako dito dahil sa isang offense at dahil sa nag rebelde ako sa mga magulang ko.
I cursed at mabilis na tumalikod sa kanila. Rinig ko pang tinatawag ako ng lalaki kaya nagmamadali agad ako. It's quarter to 12 naman, so tutungo na lamang ako sa cafeteria. I need to calm down. Lalo na't hindi pa ako nasasanay sa new identity ko rito sa university.
Pumasok ako sa cafeteria ng nagmamadali at agad na nakita ang masikip at magulong loob dito. Napa irap na naman ako, mas mabuti palang pumunta dito ng maaga, ang lalaking 'yon kasi eh.
Tinahak ko naman ang daan patungo sa unahan kaysa sa maghintay na mawala sila at nag order na agad ng pagkain. Makakatulong 'to pampawala ng stress at baka makalimutan ko kung ano ang ginawa ko kanina.
Napagplanuhan din kasi namin nila Xander na hindi ako makikipag-away dito at hinding-hindi ko kailanman ipapakita ang ability ko sa pakikipaglaban upang hindi matuon ang atensyon ng mga tao na nandirito sa loob, sa akin.
I sighed. "Carbonara and cheesecake po ate," utas ko sa nag se-serve pagkarating ko sa counter bago uli tumingin sa mga pagkain. "Tas fries at coke po sa drinks." I smiled.
Bakit ba kasi kahit saan ako magpunta ay hindi ko mapigilang maipakita ang ability ko?Pagkabigay naman ni ate ng order ko ay agad ko naman itong kinuha at inilagay ko sa tray.
Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang isang bakanteng mesa sa gitna. No choice! Kaya agad ko itong tinungo bago pa may maka una sa akin.
Dahan-dahan kung inilagay ang tray sa mesa hanggang sa narinig ko na lamang ang nakaka biyak na katahimikan sa loob ng cafeteria. Ngunit kumain pa rin ako at hindi sila pinansin.
I need to eat more kasi kakailanganin ko 'to sa paghahanap ng impormasyon. Nakapag isip-isip na rin ako na what if makipagkaibigan ako sa apat? Tas sa paraang iyon ay mas makikilala ko sila ng hindi nagtatago.
But... I promise Xander na hindi ako makikipaghalubilo sa kanila. I sighed, ang hirap nito.
Sa larangan kasi ng underground society, kahit anong illegal na gagawin mo ay okay lang. And I am trained to be an agent. Kami ang inatasang huhuli sa kanila. Sa panahon kasi ngayon ay hindi na uso ang gangsters, mafia o ano pa ba. Kasi dapat pantay-pantay lang.
Itong university na nga lang na ito ang tumatanggap ng mga taong katulad nila eh at hindi rin naman kasi natin alam kung ilang tao na ang napatay at naabala ng mga organisasyong iyan.
We focus on reality here. At hinding-hindi natin papairalin ang mga grupo ng ganitong organisasyon. Lalo na nga rin ang frat? Bakit ba kasi sila sumasali sa mga ganiyan?
Sa pag-iisip ko ng mga bagay-bagay ay hindi ko na namalayang may nakatayo na pala sa harapan ko. Pag angat ko ng mukha ay agad kung nakita ang pag mumukha ni Kiero. Ang magulo niyang buhok na kagaya kay Xander at ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa pwesto ko ang tumambad sa akin.
Napalunok naman ako.
"Anong kailangan mo?" tanong ko at tiningnan din ang tatlo na nasa likod niya.
Inilapit niya naman ang mukha niya sa akin bago siya nagsalita.
"Hindi ba sabi ko sa iyo na 'wag mo ng haharangan muli ang daraanan namin?" aniya kaya napatingin naman ako sa gilid ko.
Eh 'di ko naman hinaharangan ang daanan nila ah!
"Kung gusto mong dumaan edi dumaan ka. Hindi naman kita hinaharangan ah!" salita ko at sa salitang iyon tila narinig ko ang pagsinghap nilang lahat.
What? Nakita ko namang napakunot noo siya.
"Ganiyan ka ba talaga ka manhid? 'Yang pwesto mo ay pwesto ko at dahil nandiyan ka na, ngayon saan na ako uupo?" mariing tanong niya sa akin kaya napalunok naman ako.
Tumayo agad ako at umalis sa pwesto niya.
"Oh, ayan! Okay ka na?" tanong ko sabay aalis na sana ng pinigilan niya ako.
"Sa palagay mo paalisin ka lang namin ng ganiyan-ganiyan lang?" he grins.
"You messed with our way a second time around." he said cooly habang papalapit sa akin.
"At lahat ng may kasalanan, nagbabayad." sabi niya na mas lumapit pa sa akin hanggang sa ang mukha niya na ay malapit na sa mukha ko kaya napa-atras naman ako ng 'di oras.
Ano bang ginagawa niya? Hindi ko naman kasi matingnan ang mga mata niya kasi ano... Parang feeling ko hinihigop niya ako sa bawat titig na ipinupukol niya sa mukha ko.
"I like you," sabi niya malapit sa tenga ko.
I then felt the shiver around my spine. Napatikhim naman ako.
"A-Ano bang pinagsasabi mo?" garalgal na pagkakabigkas ko. Ang init!
Napatawa naman siya sa tanong ko. Na tila nakakapang-akit sa pandinig ko. Nagkamali yata ako ng akala. Si Kiero pala ang flirt sa kanila, hindi pala si Alex!
Naramdaman ko naman ang hininga niya sa tenga ko and then he whispered.
"I like you..."
Namilog naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Inulit niya na naman? Ano bang pinagsasabi nito? Ramdam ko na rin na parang kakainin na ako ng buhay ng mga babaeng nakatingin sa akin sa paligid.
My god, ano ba 'tong napasok ko? He stared at me for a second and gave me his sweetest yet dangerous smile.
"I like you... to be my next victim."
BINABASA MO ANG
The Gangster's Victim
RomanceIsang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa loob ng underground society. Kumalap ng impormasyon, iyon lamang ang dapat niyang gawin sa loob ng maikling panahon. Akala'y magtatagumpay...