Chapter 24: Escape
Hindi ko alam kung paano kami nakalabas ni Xander basta ang alam ko lang ay sinundan lang namin si Topher. Huminge ako ng tawad at nagpasalamat sa lahat ng tulong niya. Ngayon ay nandito kami sa sasakyan papuntang agency kung saan naghihintay sina Dad.
“Xandra..” pagtawag sa akin ni Xander.
Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Tulala lang akong nakatingin sa daan. Wala akong mukhang maipapakita kay Dad. Binigo ko siya at… trinaydor. Nakipag relasyon ako sa taong alam kong dapat kong iwasan.
“Okay lang ‘yan. Maiintindihan ka ng Dad mo.” asik niya sa mababang boses.
Bumuntong hininga naman ako. “H-Hindi niya ako maiintidihan, Xander. Baka itakwil niya pa nga ako.” sagot ko.
Tama nga rin ang hinala ko. Padkarating namin sa agency ay malutong na sampal ang nakuha ko sa aking ama. Masasakit na salita ang natanggap ko. Hindi rin niya inisip ang mga matang nakapalibot sa amin.
“Ano ito, Alexandra?! Ikaw ang pinadala ko dahil alam kong handa ka na! Bakit mo ‘to ginawa? Binigo mo ako!” singhal niya.
“I’m s-sorry, Dad.” I whispher.
Alam kong mali talaga ako. Maling-mali sa lahat ng bagay. Akala ko pa naman nakuha ko na ang impormasyon tungkol sa kanila, iyon pala ay hindi. Dahil plinano lahat ng walanghiyang lalaking ‘yon!
Naramdaman ko ang paghawak ni Xander sa braso ko. Tinatayo niya ako. Nang sampalin ako ni Dad ay natumba ako ng bahagya dahil na rin siguro sa tamlay ng katawan ko ngayon. Wala akong gana.
“Huwag mo siyang tulongan, Alexander! Hayaan mo siyang ganiyan!” singhal ni Dad kay Xander.
Tiningnan ko si Xander at nginitian. “O-Okay lang.” bulong ko.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at napailing na lang.
“Hindi ko kaya makita kang ganiyan, Xandra. Halika.” wika ni Xander sabay kuha sa akin.
Bridal style ang ginawa niyang pag-karga sa akin. Ano bang ginagawa ng lalaking ‘to? Alam niyang mapapagalitan siya ni Dad.
“Huwag na!” pagpigil ko ngunit kinarga niya talaga ako sa mga bisig niya.
“Alexander!” mariing tawag ni Dad sa kaniya ngunit hindi iyon pinansin ni Xander.
“Magpapahinga lang po si Xandra. Sasamahan ko po siya.” paalam niya sabay alis namin sa agency.
Wala na rin akong lakas na umangal pa kaya sinubsob ko na lamang ang aking ulo sa dibdib niya. Pilit itinatago ang aking pag-iyak sa mga agents na nandito sa loob.
Isa akong kahihiyan! Paniguradong alam na nila lahat ang nangyari. Ang ginawa ko.
Nakarating kami sa condo ni Xander. Malinis ito at maaliwalas. Bata pa lang siya ay binigyan na ito ng sariling condo ng kanyang magulang. Independent na rin ito sa lahat ng bagay. Nakakapunta na rin ako rito ng ilang beses.
“Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka.” sabi niya sabay halik sa aking noo ng malapag niya na ako sa kama niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit na lamang ang aking mga mata. Mabuti na lang at hindi niya ako inuwi sa bahay. Hindi pa kasi ako handa para umuwi roon.
Nagising ako ng maamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain. Inunat ko ang aking katawan at lumabas sa kwarto.
“Xander.” pag tawag ko.
Bumungad naman siya sa akin habang nagluluto ng pagkain sa kusina. Narinig ko rin ang pagtunog ng aking sikmura.
“Adobo.” sambit ko ng maamoy ko ang mabangong aroma.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Victim
RomanceIsang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa loob ng underground society. Kumalap ng impormasyon, iyon lamang ang dapat niyang gawin sa loob ng maikling panahon. Akala'y magtatagumpay...