Chapter 5: Kidnap
Pinagmasdan ko ang sarili kong pabalik-balik sa paglalakad. Uupo ako at ilang segundo lang ay tatayo na naman.
Isang araw na rin ang lumipas ng mangyari ang pag-uusap namin ni Kiero sa cafeteria. Pagkatapos no'n ay agad akong lumabas at dumiretso rito sa dorm. Hindi ko talaga alam kung ano ang balak niya but in my side nakapag isip-isip na rin ako na unang hakbang na rin pala iyon para mapalapit sa kanila. Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mahuli sila.
Napahawak naman ako sa dibdib ko at naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Mula ng mangyari 'yon ay wala na rin akong balak na pumasok pang muli sa classroom.
Kasi alam kong 'pag papasok ako ay mas pag i-initan lamang ako ng mga babae doon, dahil paniguradong kumalat na ang nangyari sa cafeteria. They will never be too late, especially sa mga isyung sangkot ang Devil Phoenix.
Ilang beses na rin akong gumawa ng paraan para ma contact sina Xander kaso wala pa rin. Natigil naman ako sa pag-iisip ng may biglang kumatok sa pinto ng dorm ko.
I snapped. "Nandito sa pinakadulo ng girls building ang dorm ko. Kaya sino ang pupunta rito?"
Tumayo naman ako at pinagpag ang damit ko. Tinungo ko ang pinto at binuksan ito upang makita lamang ang walang ka tao-taong hallway. Isasara ko na sana muli ang pinto ng may biglang humarang sa pagsara ko.
"Hey, Ano ba!" singhal ko kaya lang may biglang humila sa akin.
Mabilis ang pangyayaring 'yon kaya't wala man lang agad akong nagawa para i-defend ang sarili ko. Basta na lang may kumuha sa aking dalawang makikisig na lalaki at agad na tinakpan ang bibig ko ng isang puting tela. Na tila ba nakakawala ng malay.
Naramdaman ko rin ang pagsisimulang paghina ng paghinga ko. Hanggang sa sinakop na lamang ako ng kadiliman.
Nagising akong sumasakit ang ulo. It was hazy kaya hindi ko pa masyadong maaniag ang paligid o kung nasaan man ako.
Nang umayos na ang pakiramdam ko ay doon ko lang rin nalaman na nasa isang abandonadong silid ako. Sinubukan ko ring gumalaw kaso bigla na lang sumakit ang iba't-ibang parte ng katawan ko at halos hindi na ako makagalaw.
Napayuko naman ako at na realize na itinali pala nila ang katawan ko dito sa upuan.
I cursed. "Shit!"
Ano bang ginawa ko? Naramdaman ko rin ang pag-agos ng pulang likido galing sa ulo ko. Ang sakit at pilit ko itong iniinda, feeling ko rin na any minute ay bibitiw na 'tong katawan ko.
Naaawa ako sa sarili ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"This can't be!" pilit kung ani, kahit masakit pa ang bibig ko.
Susunod na ba ako sa agent na ipinadala ni papa dito? Hindi ba namatay rin siya? Mas napa daing pa ako ng maramdaman ang sakit ng bawat sugat na nasa mukha ko dahil sa luhang sabay-sabay na pumapatak sa pisngi ko.
Natahimik na lamang ako ng marinig ang yapak ng dalawang tao. Paparating sila sa silid na ito habang nagtatawanan.
"Ano ka ba naman, ofcourse walang makaka alam nito."
"Mas maganda ng nakakasigurado."
"Sure! You can tell me a secret."
Conversation nila 'yan. Nagtaka naman ako. Mga babae? As I remember wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila ah.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagtahimik nilang dalawa pagkakita sa akin. Nakita ko pang napa-atras 'yong isa niyang kasama.
"Celine," panimula nung babae.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Victim
RomanceIsang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa loob ng underground society. Kumalap ng impormasyon, iyon lamang ang dapat niyang gawin sa loob ng maikling panahon. Akala'y magtatagumpay...