Chapter One

5.4K 66 4
                                    

"Aki, you're not listening. Importante 'to."

Bahagya nang nilingon ni Aki ang manager niyang nagsalita. Humiwa siya ng slice ng bacon at isinubo bago binalingan ang notebook kung saan isinusulat niya ang bago niyang kanta.

"Huds, hindi mo kailangan ng opinion ko. You just need me to do my job."

Pumalatak si Huds. "You know that I-don't-care attitude won't work here. Possessive din ang mga fans dito sa Pilipinas. They would want your full attention, especially now that you're back here finally after five years."

"You've already taken care of that, hindi ba?" sarkastiko niyang balik dito.

Ngumisi si Huds na lalo niyang ikinairita. Minsan ay hindi niya alam kung ano'ng nasa isip nito kahit na nga ba ito na ang manager niya simula nung debut niya may limang taon na ang nakalipas. He was also his number one critic, his arch-nemesis, and his best friend and confidante rolled into one. Kahit malimit siyang mainis dito ay malaki ang utang na loob niya sa manager niya dahil ito ang umaasikaso sa mga pangangailangan niya.

He happened to be his only family too, even though they weren't blood related. Nagkakilala sila noong nagsisimula pa lang ang career niya sa musika. Rumaraket siya noon sa isang maliit na bar nang ma-spot-n siya ni Huds at kinuhang talent. Huds was four years older than him. He was one of the managers under SnS - Asia's number one talents agency and the home of Asia's top "Idols" that was based on Japan.

Pumirma siya ng exclusive contract sa SnS Agency at nanirahan sa Japan. SnS wasn't number for nothing. Ma-impluwensiya ang naturang agency na worldwide ang catering kaya mabilis siyang nabigyan ng debut sa Europe at sa US hanggang sa nakilala rin siya sa Oricon Charts ng Japan. Sunod-sunod din ang tours na pinupuntahan niya kasabayan ang ilan din sa mga sikat na idols sa ilalim ng SnS.

Sa sobrang busy niya ay hindi na siya nakakabalik dito sa Pilipinas – bukod pa sa wala na siyang babalikan. Except for his music, he already lost everything that's important in his life five years ago.

Even the only woman I loved, he thought bitterly.

Pero pinalis niya ang kaisipang iyon. He shouldn't be thinking about unpleasant memories over breakfast.

"Hanggang ngayon ba naman ay pinag-i-initan mo pa ako dahil sa desisyon ng kumpanya? Pero may point sila," untag ni Huds sa kanya. "You have to give back to the Filipino fans, especially after that hotel incident with Song Hye Kyo. Inatake sa puso si boss nang mabasa ang balita."

"I told you already, nagkita lang kami sa hotel kaya sabay na kaming kumain. Nagkataong may reporter pala kaya nakuhanan kami ng litrato na magkasamang lumabas ng hotel," nababagot niyang sabi. "Bakit hindi na lang si Hero o si Max ang ni-recommend mo? Or even Kei? I'm sure they'll be thrilled."

Ang tatlong iyon ay mga Idols din sa ilalim ng SnS at halos kasabayan niya sa industriya. Kapag hindi sila busy ay sila-sila ang magkakasama sa pad ng SnS.

"'Di lalo nang nagkagulo kapag isa sa tatlong iyon," nakangiwing sabi ni Huds. "Don't worry, their time will come. For now, oras mo naman. Kaya magtino ka kung gusto mo'ng umayos pa ang career mo."

Aki gritted his teeth. May point kasi si Huds at ang SnS. Asian fans were really possessive of their so-called "idols." Siya at ilan sa mga kasamahan niya ay alam na nabubuhay sila para sa mga fans. And the best way to win their hearts was to blend among them for a time.

"Ito na ang una't huli, Huds. I'm a musician first before an idol, for pete's sake! Possessive fans are already bringing out the worst in me. Gusto ko lang kumanta at magsulat."

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon