Chapter Two

1.7K 43 5
                                    

"Alam mo bang late ka na? I arrived here ten minutes ago," masiglang patuloy ni Kim, sinisikap alisin ang tensyon sa pagitan nila.

That certainly brought Aki back to his senses. He clamped his mouth tightly. Gumalaw ang Adam's apple nito at bahagyang nanlisik ang mga mata.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" His voice was slightly raised in unconcealed anger. "This was supposed to be a fan date!"

She grinned at him. "Exactly."

It took a moment before it dawned on him. "Ikaw ang napili para sa music video," Aki said as a statement. Pagkatapos ay luminga-linga ito. "This must be a prank, right? I can't believe Huds allowed this," iritang sabi nito.

Padabog ito'ng naglakad palayo sa kanya. Mukhang hindi nga talaga nito inaasahan ang presensiya niya. Worse, it seemed that he cannot tolerate her presence even for a minute. Pero inaasahan na ni Kim iyon. Nasasaktan man siya sa reception ni Aki ay isa lang iyon sa mga bagay na kailangan niyang tiisin. She won't be rattled by this.

Napahinto sa paglalakad si Aki nang magsalita siya.

"If you're thinking of leaving me here, think again. Maraming reporters na naghihintay sa lobby. Alam ko ring may hidden camera dito. Magtataka silang lahat kapag basta mo na lang iniwan ang date mo," she said in a sing-song voice.

Aki finally turned to her, his eyes blazing with fire.

"The hell I care about them!"

"Eh, paano ang naman ako na fan mo? Kapag iniwan mo ako dito, iiyak talaga ako sa harap ng maraming cameras. An idol making a fan cry? Not really good on papers," malambing pang sabi niya.

Ikinuyom ni Aki ang mga kamao. Kung tingnan siya nito ng mga sandaling iyon ay ngali-ngali na siguro siya nito'ng ihagis sa rooftop. Pero naglakad ito pabalik sa mesa nila at padabog na hinila ang upuan. Ilang sandali pa ay lumapit ang waiter at i-si-nerve na ang pagkain nila.

Sa gitna nang pagkain ay hindi umiimik si Aki. Malaya niya ito'ng napagmasdan. Maraming nabago dito, lalo na ang buhok nito. Dati ay maigsi lang iyon pero alam niyang kahit nakapusod iyon ngayon ay abot iyon sa balikat ni Aki.

How she waited for this moment to finally happen! She lived through empty, miserable days just so she could see him this well and shining the way he was supposed to. She gave up everything for him five years ago for this moment.

"Congratulations, Aki," she said softly. "I heard na sold-out na raw ang tickets para sa concert mo. Ibang level ka na talaga, ah! Pati Araneta ay napupuno mo na."

Hindi umimik si Aki. Pero parang gusto niyang maawa nang makita na mine-murder na ni Aki ang steak sa harap nito. Kim could tell he was really pissed off. But that was part of her plan. Kahit ano pang reaksyon ni Aki, basta ba may nararamdaman ito sa kanya ay tatanggapin niya.

"Siguro nagtataka ka kung ano'ng ginagawa ko sa harap mo ngayon." Patuloy si Kim sa pag-kwe-kwento habang sumusubo ng pagkain. "Actually, I was at Singapore last year. I saw you before you arrived at the Singapore Indoor Stadium. Kaya lang ay maraming tao. Hindi na ako nakalapit sa'yo sa sobrang dami ng fans. Then SnS announced four months ago that they'd be filming your MV here, kaya sumali na rin ako sa contest. Don't you think it's too much? Kailangan ko pang sumali sa ganito para lang makita ka. Bigatin ka na talaga 'no?"

Hindi pa rin umiimik si Aki. Pero gigil na gigil na nito'ng pinag-pi-pira-piraso ang mga gulay na kasama ng steak.

"And you seemed surprised, given your reaction," masigla pa rin niyang sa Kim. She smiled at Aki. "Hayaan mo, masasanay ka rin na makasama ulit ako. Matagal-tagal ding gagawin ang MV, 'di ba? We have a few days to catch up on wasted times."

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon