Chapter Four

1.4K 44 3
                                    

Napanganga si Kim nang makita ang silid kung saan siya pansamantalang maglalagi. Kasama sa perks niya nang manalo siya sa event na kahit saan magpunta ang staff ay kasa-kasama siya. Nakahanap sila ng Japanese style na hotel sa kalagitnaan ng Tagaytay. May Zen garden iyon sa likuran at may nakita pa silang man-made hot spring. Sa ibang pagkakataon ay maglulunoy siya sa hot spring na iyon.

Ngayon naman ay napasok siya sa isang Japanese style na kwarto. Lahat ay yari sa mamahaling kahoy. May malaking tatami mat siyang nakita sa gitna ng silid. Pati ang mga upuan ay gawa sa mamahaling kahoy. Sa may malapit sa pinto ay may tea table at may mga tasang nakapatong.

"Hala! Akala ko ba, nasa gubat kami? Bakit ang ganda nito?" bulalas niya.

She heard someone chuckle behind her. Isa iyon sa mga staff ng event.

"Sanay si Aki sa mga Asian style na kwarto kaya VIP treatment lahat ng staff." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Raymond, Miss Kim. Nagkita na tayo noong pre-interview."

Nahihiyang tinanggap niya ang kamay nito. "Sorry, hindi ko matandaan. Kinakabahan kasi ako noon, eh."

Ngumiti ito sa kanya bago nilibot ulit ng tingin ang silid niya. "Alam mo bang si Aki mismo ang namili ng kwartong 'to?"

Marahas siyang napalingon dito. Malapad ang ngiting lumabas sa labi nito. Nag-peace sign ito sa kanya.

"Huwag mo'ng sasabihin kasi magagalit si bossing. Kabilin-bilinan kasi ni Aki na huwag na huwag mag-kwe-kwento sa'yo," pagkatapos ay pilyong kumislap ang mata nito. "Pwedeng magtanong?"

"Ano 'yon?"

Mataktikang bumulong ito sa tenga niya. "Talaga bang fan ka lang ni Aki? Wala kasing naniniwala sa staff eh."

Nagulat siya doon. Takang tinitigan niya si ang lalaki. "A-ano'ng ibig niyong sabihin?"

"Eh kasi, malimit naming mahuling nagnanakaw ng tingin si Aki sa'yo kapag hindi ka nakatingin. Tapos, kukunot ang noo niya at maniningkit ang mata. Tapos, sisinghalan na niya kami. Kapag ganoon ang hitsura niya, natatakot na kami at umaatras. Hindi kasi kami sanay. Natural naman kasi na mabait si Aki."

Diyatat balak nga ata siyang patayin ni Aki sa tingin!

"Pero alam mo, bagay kayo," dugtong ni Raymond. "Pinaguusapan kayo nila Sir Adrian. Nung pinanood namin ang video ng fan date niyo, parang matagal na talaga kayong magkakilala."

Parang pumalakpak ang tenga niya sa narinig niya. Sinabayan na rin niya iyon ng tawa. Ho-ho-ho! Hear that Aki?

Kaya naman nang may dumadagundong na boses na tumawag sa kanya ay malapad pa rin ang ngiti niya. Nilingon niya ang tumawag na nasa likuran ni Raymond. Si Aki ay nakasandal sa hamba ng malapad na pinto at nakakrus ang braso sa dibdib. She could tell that he was angry again as his eyes seemed to be darting poisoned arrows. Gayunman ay nakangiti ito.

"Lapit ka dito, Kim," malambing na sabi nito pero halata naman na pakitang tao. Nakikita niya kasi na naglalabasan ang ugat sa gilid ng mata nito.

Nginitian niya si Raymond na may panunukso na ang tingin sa kanya. Parang gusto niya tuloy sabihin dito na malayong-malayo sa iniisip nito ang sitwasyon nila ni Aki.

"Sige po, Miss Kim," iyon lang at tumalilis na ito.

Siya naman ay mabilis na pinuntahan si Aki sa pwesto nito. Muntik na siyang hindi makahinga habang pinagmamasdan si Aki na pinapanood ang paglalakad niya. He was looking at her intently that her legs buckled a little bit under his gaze. He had on a poker face, but his eyes gave him away. As if he couldn't even believe he was really seeing her up-close after all these years.

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon