Chapter Seven

1.4K 42 4
                                    

Dahil sa nangyari sa kanila ni Aki ay pakiramdam ni Kim na kayan-kayanan na lang niya ito. Hindi na talaga siya humiwalay dito, lalo pa at kailangan siya sa mga eksena para sa MV. Even the staff found their bickering amusing. Kapag sinusundan niya kasi si Aki ay tinutukso na sila ng staff na mukhang hindi na affected kapag tinititigan nang masama ni Aki. Si Aki naman ay hindi nagbago at paulit-ulit pa ring siyang inaangilan. His mood seemed worse than usual.

"Cut!"

Sabay na lumingon si Kim at Aki kay Adrian. Naiirita na si Aki dahil paulit-ulit ito'ng naka-cut sa partikular na eksena na 'yon. Hindi kasi nito maitama ang hinihingi ni Adrian na emosyon.

"Aki, hold her a little tighter, like you don't want her to go. Hindi tayo matatapos kung magmamatigas ka. Desperation, fear, and love. The character feeds on those emotions," sita ni Adrian mula sa kinauupan ng mga ito. Mukhang stressed na ito dahil kailangan na nilang i-wrap-up ang mga eksena sa araw na iyon.

Aki looked like he wanted to say something back but held himself. Ikinuyom nito ang mga kamao, bago nilingon ulit siya. Mukhang alam na ni Kim kung bakit nahihirapan si Aki. And again, mukhang kasalanan na naman niya.

Huminga nang malalim si Aki kasabay nang pagsigaw ni Adrian. "One.. two.. three!"

Aki did what he was told. Hinigpitan nito ang hawak sa mga braso niya. When he spoke, his voice was laced with sadness.

"Don't go," he said softly. His grip tightening on her arms. A desperate gesture that was dangerously familiar. "Kahit ano pa ang sabihin mo, basta huwag mo'ng sasabihing iiwan mo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. I wouldn't know how to live, please..."

Napahugot si Kim ng paghinga, hindi lang dahil sa boses ni Aki kundi dahil na rin sa nakikita niya sa mata nito. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya, pero ganon na ganon ang hitsura ni Aki nang sabihin niya noon dito na wala siyang mapapala sa isang "striving and struggling artist." Bigla ay hindi niya mapigilan ang dagling paninikip ng dibdib niya at ang muntik nang pagbalong ng luha sa mata niya.

"Ahmm.." Si Kim naman ang nawalan ng sasabihin. Ano na nga ulit ang pesteng linya niya?

"Cut!"

Napangiwi na naman si Kim sa lakas ng sigaw ni Adrian. Si Aki ay nanatili lang nakatayo pero hindi na nagsalita. Lumapit na si Adrian sa kanilang dalawa at sa hitsura nito, gusto na silang pag-umpugin.

"You two, bakit ba hindi niyo maayos-ayos ang eksena niyo? We're at the end of the filming! Ano bang problema talaga?"

"Ayaw ko na!"

Sa frustration ni Kim ay isinalpak niya ang script sa dibdib ni Adrian. Halatang nagulat si Aki sa ginawa niya dahil napaatras ito. Pati na rin ang mga staff sa set nila ay natigilan at maang na nakatingin sa kanila, hinihintay kung sasabog si Adrian.

"Kasi naman, Sir, sino ba ang nagsulat ng script na 'to? Masyadong tragic, eh ang ganda-ganda ng kanta," inis na sabi niya. Kapag ganoon na ang nararamdaman niya ay nawawala na lahat ng rason sa kanya at nakakalimutan na niya kung sino ang kausap niya. "Saka pagpahingahin niyo naman si Aki. Kagagaling lang niya sa rehearsal kanina, tapos bumalik siya dito para sa filming. Ni hindi pa yan tumitikim ng meryenda."

Pagkatapos noon ay tumalikod na si Kim at naglakad palayo. Kailangan niya munang pakalmahin ang loob niya na nagwawala na nang makita si Aki kaninang nagmamakaawa sa harap niyang huwag niyang iwan. She couldn't stand seeing that expression again.

***

"Illegal ata yang ginagawa mo."

On instinct ay mabilis na inihagis ni Kim ang patpat na hawak niya nang marinig ang boses ni Aki. Lumapit si Aki sa kanya at sinipat-sipat nito ang inukit niya sa pine tree.

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon