Chapter Ten

3.5K 92 23
                                    

"Huy, ale, tulala ka na naman diyan!"

Napangiti si Kim nang umupo si Dianne si katabi niyang mesa sa loob ng McDonald's. Kaagad ito'ng kumuha ng French fries bago dumukwang sa kanya. Buong pagmamalaki niyang iniladlad sa mukha nito ang video na nasa cellphone niya. Iyon ang Music Video na ginawa nila noong fan event. Kumalat na iyon sa YouTube at sa official website ni Aki.

"Ang pogi ni Aki dito, oh. Bagay niya talaga yung buhok niya ngayon. But personally, I liked his hair before his debut. He seemed more normal back then."

Umirap ito. "Sus. Kasi ngayon, mukhang anghel na siya, ganon? Mahirap nang abutin?"

Ngumisi siya. "Tomoh!"

"Luka-luka ka talaga," napapailing na sabi nito bago sumipsip sa McFloat niya. "Ikaw lang ang kilala ko'ng brokenhearted pero masaya."

"Hindi ako brokenhearted. I just love him more when he's the superstar Aki."

"Masokista," irap na naman ni Dianne. Pero magaang hinaplos nito ang buhok niya. "Don't worry, Kim. Kayo talaga ni Aki ang para sa isa't-isa. Someday, you'll see. Magugulat ka na lang dahil bumalik na naman siya dito."

"I know," she said happily.

Pero sa loob-loob niya ay napapabuntong-hininga siya. It had been almost two months since she and Aki parted ways. Bumalik na ulit ito sa dating mundo nito at ang mga panahong nagkasama silang muli ay parang naging isang magandang panaginip na lang. But she was happy for him. Siguro nga ay may panahon ang mga bagay sa mundo. Hindi siguro ito ang panahon nilang dalawa.

Isinaksak niya ang earphone para marinig ang musika sa Music Video. Aki's rich voice rang through her ears as if he had been by her side all along. Mahina niyang sinabayan ang pagkantang iyon.

"Give me a little more time to get closer to your heart.. To be yours once again.. To find you beneath the cloud of tears always waiting for me.. You'll never be hurt again 'cause I will protect you from now on and always..."

Naabala siya nang biglang yugyugin ni Dianne ang buong katawan niya. Napatingin siya kay Dianne para tanungin ito, pagkatapos ay natigilan. May tatlong gwapong lalaki kasing nakatayo sa harap nilang dalawa na naging dahilan kung bakit ang bruha ay mukhang mahihimatay na.

Ang isa ay dumukwang para alisin ang earphone sa tenga niya.

"You're Kim, right?" wika ng siyang pinakamatangkad sa tatlo. His hair, like Aki's, was long and was in shining auburn.

Alanganin siyang tumango. Alam niyang nakita na niya ito pero hindi niya ma-alala kung saan.

"Aki's Kim?" wika naman ng isa na napailing. Sabay pa silang napalingon ni Dianne dito. Another gorgeous guy with pale grey eyes looked back at them. "Darn, Kei. Aki's always getting the best. Pwede bang magreklamo sa management?" wika nito sa matatas na Tagalog.

"Ako din. Magrereklamo ako," singit naman ng isa pa na nakatayo sa kanan niya. He seemed to be the most amiable among the rest as his eyes were twinkling with obvious pleasure. Nang ngumiti ito ay may lumabas na biloy sa pisngi nito. "My name's Max. These two idiots beside me are Kei and Hero."

"Kei and Hero?" nakakunot na ang noo niya.

Pilit niyang iniisip kung sino ang mga ito. And then it was Dianne's shriek that she heard next. Naglaglagan ang mga French fries na subo-subo nito.

"Ayyyy! As in SnS's main idols? Oh, my golly!"

Doon na nanlaki ang mga mata niya. Kasabay ng mga tilian din ng mga babaeng nasa loob ng McDonald's. Kahit iyong may mga kasamang boyfriends ay nakitili na rin. Nagsigawan na ang mga tao sa McDo.

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon