Nag-angat ng paningin si Aki mula sa binabasa at tinitigan ang mug ng kape sa tabi niya. Parang nang-aakit iyon na tikman niya. Its bittersweet aroma reached his nostrils and it took all his willpower not to touch the mug and indulge in its sweetness. Dahil mahabang panahon din ang kinailangan niyang gugulin para sanayin ang sarili na hindi na niya matitikman ang ganoong lasang kape kahit kailan.
Pinilit niyang ituon ang atensyon sa script para sa music video. Pinagaaralan niya ang mga eksena sa pagitan niya at ng leading lady niya – ni Kim. Pagkaisip kay Kim ay uminit na naman ang ulo niya. Inamoy-amoy niya ang sarili niya.
"Watermelon, my ass!" Naiinis na ibinagsak niya ang script sa lounge chair. "Subukan mo lang magpakita sa'kin, Huds. Humanda ka."
Kagabi pa siya gigil na gigil sa manager niya na mukhang sinasadya pang nagpatay ng cellphone nito. Simula nang makita niya si Kim pagkalipas ng limang taon ay hindi na siya nakatulog at nakapagisip nang maayos. He thought he was strong. He should be. Pinaghandaan na niya ang gagawin niya sa oras na makita niya ulit si Kim. Akala niya ay matatagalan pa bago ulit magtagpo ang landas nila ng dalaga. When he couldn't contact her a year after he left the country, kinalimutan na niya ang ugnayan nilang dalawa.
Kaya ngayong nasa harap niya ito ulit pagkalipas ng limang taon ay para siyang tinadyakan sa sikmura. Ni hindi niya naisip na dadating ito sa buhay niya sa ganoong paraan. She still had that charm, that confident stride he fell in love with the first time he saw her walking inside the small bar. Unang tingin pa lang niya dito noon ay alam niyang magkakaroon ito ng malaking espasyo sa buhay niya. And he wanted to punch himself for still thinking that Kim was the most beautiful woman he had ever seen in his life.
Ang masama pa, hindi niya maintindihan ang dahilan kung bakit siyang-siya siya sa kaalaman na hindi siya nakalimutan ni Kim kahit kailan. Tiningnan niya ang kape sa tabi niya. Hindi na siya nakatiis at sumimsim ng konti doon. Pero naibuga rin niya ang kape nang may magsalita sa tabi niya.
"Akala ko ba, ayaw mo ng kape dito?"
Aki suddenly felt defensive. Mabilis niyang ibinaba ang mug ng kape sa lamesa. Huds settled on the chair beside him, obviously ignoring the fact that he was trying to kill him with his glare.
"Bakit ngayon ka lang? Kagabi pa kita gusto'ng makausap. Bakit hindi mo sinabi na si Kim ang nanalo sa event?" angil niya kaagad dito.
Bale-walang tumango ito at binulatlat ang script. "So, nagkita na nga talaga kayo. How's she doing?"
"Don't give me that crap! Alam mo'ng nagkita na kami dahil pinatay mo ang phone mo. Halatang tumatakas ka sa pagpapaliwanag."
Huds had the nerve to grin. "Kung sinagot ko ang tawag mo kagabi, you would say something stupid like backing out of the deal. Alam mong imposible iyon. I was just saving your pride."
"You—"
"And besides, ano ba ang problema kung nagkita kayo ni Kim? Sinabi mo na noon na wala ka nang pakialam sa kanya. It just happened that she won the event fair and square. Nasagot niya lahat ng mga fan questions tungkol sa'yo. Ni hindi siya nagkamali kahit isang tanong."
Umismid siya. "And you expect me to believe that? Hah! Si Kim ang kahuli-hulihang taong iisipin ko na sasali sa event. You must have done something for this to end up this way. Ano na namang plano mo?"
"Binabayaran ko lang ang utang ko sa kanya," halos pabulong na sabi nito na nagpakunot ng noo niya. Tatanungin niya sana ito pero bumalik ang nakalolokong ngiti sa mga labi ni Huds. "Saka isa pa, ano bang ipinagkaiba niya sa iba mo pang fans? Whatever her reason is for joining this event, you shouldn't really care about it. Or maybe you're angry because you still feel something for her," patay-malisya nitong idinagdag.
BINABASA MO ANG
To Be Your Number One (Published under PHR)
RomanceKim and Aki used to be a perfect couple. Five years later, nabura na si Kim sa bokabularyo ni Aki. Bakit hindi? Iniwan ito ni Kim sa mga panahong kailangan siya nito. Pero hindi pa huli ang lahat para ibalik ang nakaraan nila. Kim was determined to...