Chapter Six

1.3K 43 1
                                    

Pasipol-sipol pa si Kim sa hallway ng hotel habang hawak-hawak ang mangkok ng ginisang kabute na iniluto niya. Mabuti na lang at mabait sa kanya ang chef ng hotel na iyon kaya pinagbigyan siya nang sabihin niya na magluluto para kay Aki.

Tumigil siya mismo sa tapat nang kwarto ni Aki. Pero napurnada ang pagkatok niya nang marinig na may kausap si Aki sa loob.

"Huwag kang makialam dito, Huds. Tama na yung kanina," wika ni Aki sa mahina pero mariing tinig.

"Ang sinasabi ko lang, kung ayaw mo ay pabayaan mo na lang siya. You know about the provision, Aki." Boses ni Huds ang narinig ni Kim.

Napakunot-noo si Kim. Nagtatalo na naman si Huds at Aki. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Noong nirerecruit pa lang ni Huds si Aki at ayaw ni Aki ay malimit magtalo ang dalawa. Ano na naman kaya ang dahilan ng pagtatalo ng dalawang ito?

"You know about the provision too, pero binibigyan mo pa siya ng pag-asa. Tapos ko-konsensyahin mo ako ngayon? C'mon, Huds. Aren't we getting a little hypocrite here?"

Kinabahan si Kim. Siya ba ang pinaguusapan ng dalawa? Mas lalo pa tuloy niyang idinikit ang tenga niya sa may pinto para marinig pa ang usapan ng dalawa. Nang may dumaan pa na attendant na takang tiningnan siya ay nginitian lang niya ito.

"Ang sabihin mo, mahal mo pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi mo siya magawang itulak nang tuluyan palayo. And it's crushing your ego because after everything you've achieved so far, it wasn't enough to replace her in your life."

Doon mapaklang tumawa si Aki. "Mahal? Pfft. Ang pathetic ko naman kung hanggang ngayon ay mahal ko pa rin ang babaeng 'yon. No, Huds. I've been burned once, and I learned my lesson. Gusto ko lang makita ngayon kung paano siya maghabol."

"May hindi ka naiintindihan, Aki. Actually, Kim—"

Doon niya mabilis na binuksan ang pinto ni Aki bago pa maituloy ni Huds ang sasabihin. Sabay pa napalingon ang dalawa sa kanya na halatang nagulat na makita siya. Nginitian niya si Aki.

"Dinalhan kita ng ginisang kabute. Sorry, natagalan. Ang hirap kasing sumingit sa kusina kanina eh. Buti na lang, may crush sa'kin yung chef kaya pinayagan ako'ng gumamit ng kusina," tuloy-tuloy na sabi niya para malihis ang topic. Sinabayan pa niya iyon ng tawa.

Sandaling napatda si Aki. Tila nalito ito sandali. Hinigpitan niya ang kapit sa mangkok kahit ang init-init na niyon mapanindigan lang niya ang sarili niya.

"Kanina ka pa diyan? Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin?" he asked in a quiet voice.

She practiced her fake frown. "Ano'ng pinaguusapan niyo ni Huds? Ako ba?"

May ilang sandali ding tinantiya siya ni Aki. Tila nakahinga ito nang maluwag. Nang magsalita ulit ito ay paangil na.

"Bakit ka ba pasok nang pasok diyan nang hindi kumakatok? Hindi mo ba alam na hindi mo basta-basta pwedeng pasukin ang kwarto ko?"

She wrinkled her nose. "Excited kasi ako'ng patikim sa'yo 'to. Sabi mo sa'kin noon, ma-mi-miss mo ang luto ko kapag nagpunta ka na sa ibang bansa. Sinasamantala ko lang na ipagluto ka habang nandito ka pa." Lumapit siya sa mesang nakapagitna dito at kay Huds. "Iwan ko na lang muna dito." Nagbababalang tingin ang iniwan niya kay Huds bago siya tumalikod. Sana ay naintindihan nito na huwag na ito'ng magsasalita ng kahit ano patungkol sa kanya.

Hawak na niya ang seradura nang tumikhim si Aki.

"Stay here with me."

Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa niyang paglingon dito. Her eyes were hopeful as they stared back at Aki.

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon