Chapter Nine

1.7K 46 5
                                    

"Kim, hindi mo kailangang magmadali. Kabilin-bilinan ni Aki ay huwag kitang paaalisin," angil ni Huds na tinangkang abutin ang roller bag na dala-dala niya.

"Kapag hindi ako umalis dito, makikita ko kayong umalis ni Aki bukas. Mas 'di ko ata kakayanin 'yon. Sisibat na ako ngayon pa lang."

"Malilintikan na naman ako kay Aki, eh."

She looked sadly at him. "Huds, Aki was offered another contract, right? And the same provision still stands. Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

Kahapon ay parang hindi big deal iyon. Pero ngayong nakita niya ulit kung gaano kalaki ang impluwensya ni Aki ay parang nahihila siya ng masakit na reyalidad. There was a big world separating both of them. It was a world that she wasn't able to break in just a week.

Napakamot ng batok si Huds. He looked guilty as hell. "Sorry naman. Alam kong matagal mo nang gusto'ng makita si Aki, and this event is a once-in-a-lifetime chance. I don't know. I decided to play Cupid. Siguro nga ay mali ako nang sabihin ko sa'yo 'to. I never thought that you would be chosen, but I'm glad it went well. I can't stand to see you suffer more than you have to."

Sa kabila ng lahat ay na-amuse siya. "Hindi ko alam kung kakampi ba kita o kaaway. I should be mad at you dahil kung hindi sa'yo, hindi naman kami maghihiwalay ni Aki noon. Ikaw kaya ang dakilang epal sa buhay naming dalawa. Kung hindi mo siya ni-recruit, baka kasal na kami ngayon. Tapos, pinaasa mo pa ako na limang taon lang."

Napangiwi si Huds. Tumawa siya. Nilapitan niya ito at niyakap.

"But you know how grateful I am to you, hindi ba? Kahit naman noon pa, priority na talaga ni Aki ang musika. Magagalit din ako sa sarili ko kung hindi ko siya pinakawalan noon. Back then, I don't have the confidence to say that I would not ruin his life. So, masaya pa rin ako na dumating ka."

"You're actually making me feel guilty all the more," nakangiwing sabi nito. Pero gumanti ito ng yakap. Siya naman ay itinuon ang ulo sa balikat ni Huds, umaamot ng lakas dito. Right now, ito na lang ang kaisa-isang taong makakaintindi sa kanya.

"Kailan pala ang balik niyo sa Japan?"

"After the concert."

Tumango-tango si Kim. Kung ganon ay mawawala na naman si Aki sa buhay niya. Tumingala siya para pigilin ang nagbabantang pagpatak na naman ng mga luha. Bakit kaya hindi iyon maubos-ubos sa tinagal-tagal ng panahon?

"Ilang taon ang susunod na kontrata? Five years ulit? 30 na ako no'n. Nasa kalendaryo pa rin naman, so keri lang."

"Kim..."

Ngumiti siya kay Huds at may kinuha sa bag niya. Inabot niya dito ang snow globe na may hyacinth sa loob. All the while, she thought that she would break down any moment. Pero nagpakatatag siya. Wala namang katuturang umiyak.

"Pakibigay na lang kay Aki. Maiintindihan niya kapag nakita niya 'yan. Alam mo ba, sabi niya sa'kin kahapon, konti na lang at pwede na ulit kami. For a day, I actually thought it was possible. Pero hindi totoo 'yon, 'di ba? Aki will always be a star, and I will always be just his number one fan."

Kinuha ni Huds ang binigay niya at malungkot na tiningnan iyon. "Hindi mo man lang sasabihin na ikaw si Miss X."

"Hindi na. I want to continue supporting him on the sides," pinisil niya ang pisngi ni Huds nang makitang nalulungkot ito. "Huwag ka ngang mag-drama diyan. Just continue being his manager. Dadating din ang araw na pwede na kaming dalawa ni Aki. I believe it with all my heart, so it must be true."

Kinuha niya ang maleta at binuhat iyon. Nasa pintuan na siya nang lingunin ulit si Huds.

"At ikaw na rin pala ang magpaalam kila Sir Adrian para sa'kin. Pakisabi salamat sa pag-aasikaso sa'kin. Don't bother sending me away. Ayaw ko'ng umiyak sa harap mo."

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon