Chapter Eight

1.5K 42 1
                                    

Dala-dala ang backpack ay nagpalinga-linga si Kim sa memorial cemetery na iyon sa Batangas. Mukhang masama ang panahon kaya minabuti na lang niyang umalis nang maaga sa Tagaytay para makauwi din siya kaagad.

Nang makita niya ang hinahanap na magkatabing lapida ay sumalampak siya sa damuhan at isa-isang inilabas ang laman ng bag niya. May dala siyang wine at maraming sandwiches na binili niya sa hotel. Ipinatong niya iyon sa lapida bago siya nagbukas ng sariling sandwich.

"'Nay, dumating na ho si Aki noong isang linggo pa," wika niya sa pagitan ng pag-nguya. "Alam kong namimiss niyo siya. Ang tagal din niyang Nawala, 'di ba? Tinupad ko na ho yung pangako ko sa inyo noon na gagawin ko ang lahat para magtagumpay si Aki. Siguro naman po, quits na tayo ngayon."

Malungkot siyang ngumiti habang pinaparaanan ng daliri ang pangalang nakasulat sa lapida – Eleanor Eleazar – Aki's mother. Walang kinalakihang ama si Aki. Ang nanay naman ni Aki ay nag-collapse tatlong buwan matapos niyang makilala si Aki. On her deathbed, Eleanor made her promise to take care of Aki no matter what.

"Alam niyo ba, 'Nay, ang hirap ng pinagawa niyo sa'kin? Hindi rin po ako matapang. Hindi ko kayang alagaan si Aki kung ako lang. Kinailangan ko ho ang tulong ni Huds." Suminghot siya at pinagpatuloy ang pagnguya ng sandwich. "Kita niyo naman po, matagumpay na si Aki. Kung ako lang, hindi ko na siya babalikan ulit. Guguluhin ko lang ang buhay niya. Pero mahirap po. Mahal ko talaga ang anak niyo, eh."

Binuksan niya ang bote ng wine at tinungga iyon. Ngayong mag-isa na siya, nag-iisip siya kung ano na ang balak niyang gawin kapag umalis ulit si Aki. Kapag nakapagdesisyon ulit si Aki na hindi na siya nito kailangan. Katulad nga ng paulit-ulit niyang naririnig na sinasabi ni Aki, wala daw ito'ng balak na ibalik pa sa dati ang lahat. She couldn't blame him. He's perfect now, so he probably didn't need her again.

Itinaas ni Kim ang tuhod niya at itinuon doon ang noo. Suddenly, the future seemed blurred. Limang taon na ang nakalipas, napakasimple ng lahat. Sabi ni Huds, limang taon lang ang kailangan ni Aki. Sa mga panahong iyon, makabubuti kay Aki na mag-concentrate sa career nito. Having her on the side woud only be too painful for both of them. Aki had always belonged to his music. She had enough proof of that already.

Pinahid niya ulit ang mga luha niya. Binuksan niya ang iba pang sandwiches na ginawa niya.

"'Nay, hindi ko kayang ubusin lahat 'to. Hatian niyo ako."

"Kapag bumangon 'yang si Nanay, huwag kang tatakbo," banta ng tinig sa likuran niya.

Nabitawan ni Kim ang hawak na sandwich sa pagkagulat. Si Aki ay dinampot ang sandwich at pinagpag sa pantalon nito. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya. Akmang isusubo na lang nito ang sandwich ay inagaw pa niya iyon dito.

"Kuha ka na lang diyan." Inginuso ni Kim ang ilan pang sandwiches na nakapatong sa puntod. "Kay Nanay na 'to."

"Iniisip ko kung saan ka pupunta nang makita kita kanina," wika ni Aki habang nakatitig sa lapida. "Naaalala mo pa pala ang birthday ni Nanay."

"Syempre, biyenan ko'ng hilaw 'yan eh. Mumultuhin ako niyan kapag hindi ko dinalaw."

"I wonder why you can remember those things that I've already forgotten."

"Importante din sa'kin lahat ng importante sa'yo noon," she said gently.

Hindi na nagsalita si Aki. Buong pagkasabik nitong hinaplos ang lapida. Pakiramdam ni Kim ay napakarami nito'ng gustong sabihin pero mas piniling tumahimik na lang.

She stared at his profile. Malakas ang ihip ng hangin dahil sa nagbabantang pagsama ng panahon. But the strong wind was only to his advantage because it sent every little strand of his hair flying like angel's wings. Ganoon ang hitsura nito kapag kumakanta ito sa harap ng maraming tao – so mesmerizing and more beautiful than anything in this world.

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon