Chapter Five

1.3K 43 2
                                    

Paikot-ikot si Kim sa gilid ng set habang binabasa ang script para sa MV. Kanina pa siya naloloka sa binabasa niyang eksena.

"Subject A draws a little closer to subject B. Subject B moves a step backward and tries to run away. Subject A will hold subject B's arms tightly and pull her to his body... Grr!" Naiinis na ibinato ni Kim ang script sa lupa. Pero hindi siya nakatiis at dinampot din niya iyon. "Nasaan ba ang scriptwriter nito? Mabuti pala at ako ang nanalo sa event dahil kung hindi, ibang babae na ang nakatsansing kay Aki."

Tiningnan niya ang mga tao na abala na naman sa pag-aayos ng set. Sa likod kasi ng hotel ay may malawak na gubat na magandang gawing setting para sa MV. Wala naman si Aki dahil naghahanda pa ito at si Huds para sa press conference maya-maya lang.

Sumalampak siya sa lupa at tinitigan ulit ang script. Pero malayo na doon ang isip niya. Dapat ay si Aki ang ma-i-inlove sa kanya pero mukhang siya na naman ang na-i-inlove kay Aki. When he played for her last night, she was sure that she fell in love with him once again. Nakatulog din siya sa ibabaw ng grand piano nito kaya hindi na niya ito nakausap. Nang magising siya ay nasa sarili na siyang kwarto. At hindi na sila nagkita ni Aki dahil sa magulong schedule.

Paano ba niya gagamitan si Aki ng charm niya?

Napakamot siya sa ulo. "Ang tanga-tanga ko lang kahit kailan."

"Miss Kim!"

Nilingon ni Kim ang tumawag sa kanya. SI Lea iyon, isa sa mga make-up artists. Ni hindi siya nag-abalang tumayo kahit nang tumigil ito sa harap niya.

"Kailangan na daw kayong ayusan hangga't hindi pa nag-uumpisa ang taping."

"Hanggang ano'ng oras daw ba ang interview?" nababagot niyang tanong. Kapag hindi niya nakikita si Aki ay parang wala rin namang silbi ang pagsali niya sa event. "Ano'ng petsa ko pa makikita si Aki?" himutok niya.

Natawa si Lea sa kanya. "Fan na fan po talaga kayo ni Aki ano? Kung gusto niyo po... ano..." Yumuko ito sa kanya at bumulong. "Sa event hall po ng hotel ang presscon. Silipin niyo po muna si Aki. Nagumpisa na po ang interview. Balik na lang po kayo kaagad dito."

Para siyang nakakain ng energy bar sa narinig. Agad siyang tumayo at nanakbo papunta sa event hall. Sa malayo pa lang ay naririnig na niya ang boses ng mga nagtitiliang mga babae. Hindi na niya makita si Aki sa dami ng mga nagkukumpulan sa entrance pa lang ng event hall. Marami sa mga iyon ay mukhang guests ng hotel at mukhang mayayaman at ubod ng gaganda.

Some idol, she muttered irritatingly.

"Excuse me.. excuse me.." pinilit niyang sumiksik sa maraming tao tutal naman ay maliit siya.

Nang makarating siya sa unahan ng kumpulan ay hindi niya maiwasang mapangiti sa nakita. Aki was on the the middle of a white table, laughing at something the reporter said. Something pricked into her heart when she saw him laughing the way he used to.

Noon pa man, kapag napapanood niya si Aki sa TV ay palatawa ito at palangiti. But since seeing him personally again, ni hindi pa niya nakaringgan na tumawa ito. Para tuloy ang saklap isipin na kasalanan niya kung bakit hindi pa tumatawa si Aki. He must have hated her so much he forgot how to laugh again.

"So, Aki, maraming nagtatanong na fans. You're turning 30 this year. Is there any chance that you'd get married soon?" tanong ng isang baklang reporter.

Ngumiti ito ng matamis sa audience. "I'm open for applications."

"Ay bongga!" tili ng bading. Kasabay niyon ay ang nakabibinging tilian ng mga audience. "But we're curious. May source kasi kaming nabalitaan na may iniwan ka daw noon sa Pilipinas. The source said that you're just waiting for someone."

To Be Your Number One (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon