Undefined Creature

165 10 1
                                    

"The cold air feels nice" I groggily said. 

"Talaga? Gusto mo ba mas malakas pa?" a girl asked. 

"Yes please" Naramdaman ko namang lumakas yung hangin. "That's nice"

"Buti naman" 

"Mmm... This feels comfortable " Then it hit me sinong kausap ko? I opened my eyes. "I think I need to sleep some more?" I shut my eyes tightly. Lord, stalker ba to? Kaluluwa? Crap kahit gusto kong sabihing tao siya imposible e. Anlamig ng hininga niya. Kahit yata kumain ka ng yelo hindi magiging ganoon yung lamig noon. Nagpanggap akong unconscious. Naiihi ako shit. Nararamdaman kong dinudutdot niya yung pisngi ko. 

"Alam mo kahit magpatay patayan ka hindi yan uubra" Kagat kagat ko na dila ko. Mum where are you? 

"In Jesus name bad spirit go away..." Nanginginig ako. Narinig ko siyang humagikgik. 

"Hail Mary, full of grace the Lord is with thee. Holy Mother of God, pray for us sin-" 

"Lumagpas ka. Nalimutan mo yung - " Mabilis kong sinabi yung nalimutan ko. Baka yung yung way para iwan niya ko. 

"Blessed are thou amongst women, and blessed is the fruit-" shit sumasabay siya! 

"Ano ba yan! hindi ka nagpepray no? Dumilat ka na kase. Pag hindi ka dumilat sige ka! gagahasain kita. Puro pa naman tuwalya lang yung suot mo. In fairness a ang yummy mo" 

From normal na multo to succubus real quick. Without opening my eyes mabilis akong umusog at sumandal sa pader. Ramdam kong butil butil yung pawis ko. I covered myself with the towels.

She laughed again. Ayoko na aatakihin talaga ko sa puso. Hindi pa ba sapat na nadiagnosed ako ng may high functioning depression? ngayon naman mukang schizophrenia na! 

"Dumilat ka na kase. Ang ganda ko kaya. Iniisip mo pangit ako no kaya para kang tanga dyan"  Anlutong ng pagkasabi niya ng tanga. Napadilat tuloy ako. 

"Excuse me?"  First time I saw her face. I remembered the song Nadarang. Suddenly I don't feel cold anymore. I looked at her face. She's right. Hindi nga siya mukang multo. Almond shape jet black eyes and hair, small nose na hindi pango hindi rin naman foreigner sa tangos at plump and pinkish lips. Muka siyang angel... na may jologs style. 

"Oh in love ka na?" 

"Ha? no way!" Napalunok ako. 

"Kahit kulang na lang tumulo yung laway mo?" I saw her smirk. Normally I always have a retort but this time I don't.

She sits next to me and leans on my shoulder comfortably. Para naman akong nanigas. "Ang bango mo. " 

"Kung hindi ka multo ano ka?" buong tapang kong tanong. 

"Tao? ewan ko. Ano nga ba ko?" She did not answer my question. She only made it worse. 

"Kung pipilitin mo kong tulungan ka para magrevenge, I'm sorry I can't help you" 

"Chill ka lang. Revenge agad? agad agad? Ni hindi ko nga alam kung sino ko basta pagkagising ko invisible na ko sa paningin ng lahat ng tao. Lumalagpas sa pader tapos... tapos..." Parang iiyak na yata siya. Kanina ang angas angas ngayon naman para siyang bakang ngangalngal. "Wala kong matandaan kundi yung nawawala lang na letter" I face palmed. Problemado na nga kong hanapin yung right emotion sa kanta ko, dumagdag pa tong multo na hindi multo na to. Ngayon pumapalahaw na yung iyak niya. 

"Don't cry my mum will hear you. Ano nalang sasabihin niya? Nagpasok ako ng babae dito?" She stopped crying naman. 

"Help me get back my memories please" I crossed my arms. Parang nasanay nalang ako sa pagsandal niya sa'kin. 

Encountering The NormyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon