Linger

111 7 1
                                    


/ˈlɪŋɡə/.verb stay in a place longer than necessary because of a reluctance to leave.

oOo

Normy

"Tang ina mo naman Anthony. Hindi naman porket hindi mo na ko makita hindi na ko nag eexist. Tignan mo ginagawa mo sa sarili mo. Natulog ka na naman ng nakaupo" 

Hindi niya maiwasang pitikin sa noo si Anthony dahil sa inis. Alam niyang hindi na ito mararamdaman ng binata kagaya ng dati. Nailing na lang siya saka tinabihan ito na para bang may magagawa siya kung sakaling dumantay sa kanya ang nakapilig na ulo nito. 

"Pano ko babalik kung ganito kang kupal ka?" Bumuntong hininga siya. 

"Akala ko hindi mo mapapansin,akala ko hindi ka masasaktan. Ano bang dapat kong gawin sayong lalaki ka?" Para siyang tangang yumakap sa tulog na anyo ni Anthony. Wala naman sa huwisyong napakamot ng ilong ang binata. 

"Kung pwede ko lang bitbitin lahat ng inaalala mo ginawa ko na kaso tao lang din ako, gustuhin ko man, wala akong ganoong kakayahan. Pero kung sakaling may pwede man akong gawin para manatili kang masaya hanggang sa pagtanda gagawin ko."

"Stay with me...Please" bulong ni Anthony. Nanlaki ang mata ni Normy. Sandali siyang nanahimik sa kakakuda. Noong napagtanto niyang tulog pa rin si Anthony napakagat na lang siya ng labi. 

"Yawa ka talaga." kumalas siya sa pagkakayakap. Ipinagsalikop niya ang kamay nila at nagpanggap siyang nahahawakan pa rin niya ang kamay nito. "Hindi naman ako umalis."

Kahit madilim hindi mahirap para sa kanyang hulaan na lumuluha si Anthony. Maliwanag ang buwan sa labas

"Bro, Lord, baka naman. Kahit isang beses lang. Alam ko selfish ako, baka nga wala kong kwentang tao noong gising pa ko pero kahit isang beses lang, kahit hindi na ko bumalik sa katawan ko, kahit hindi na ko magising, basta kahit isa lang talaga, please bigyan mo ko ng pagkakataong magpaalam sa kanya."

Unti-unting bumagsak ang luha sa mata niya.

"Hindi ko kayang makita tong tangang 'to ng ganito. Umiiyak, naghahanap saka hindi mapalagay ng hindi niya alam. Ok na sana, bakit kase naaalala niya pa ko. Kahit ngayon lang, kahit sa panaginip niya lang sa huling pagkakataon...may skill naman akong magsinungaling kagaya noong sinabi ko sa kanyang hindi ko siya iiwan. Magsisinungaling ako sa paraang hindi na niya ko hahanapin kahit kailan."

Ipinikit ni Normy ang mata niya. Hindi madamot ang langit, kahit na puro kalokohan yung pinagsasabi niya, pinagbigyan syang pumasok sa panaginip ni Anthony. Bahagya siyang nalungkot sa nakita. Wala na ngang mga halimaw na humahabol dito pero nasa gitna naman ito ng dilim. 

Oras na nagtama ang mata nila at nakita niyang kumunot ang noo nito kagaya ng laging ginagawa ng binata tuwing yamot o kaya ay confuse, she lost her composure. She said to comfort him is her sole reason pero natunaw lahat ng pretenses niya. 

Hindi niya hinintay magsalita si Anthony, patakbo siyang lumapit dito at saka niyakap ang binata. 

"Who are you?" malamlam na tanong nito sa kanya na para bang pamilyar ito sa kanya ngunit naninigurado. Napakagat siya ng dila. Hindi naaalala nito kung anong itsura niya. Sa halip na bumitiw sa pagkakayakap, hinigpitan niya lang ang hawak dito. 

"Hindi mo matandaan kung sino ko pero tinatawag mo ko sa panaginip mo." Hindi nagbalik ng yakap si Anthony. 

"Anthony, Kagaya ng dati wala na naman akong pakundangang pumasok sa panaginip mo. Eto walang paalam. Bitbit ko na naman lahat ng kagagahan ko sa katawan. Putangina, sa huli ako pala tong mahina. Natatakot akong makalimutan Anthony. Natatakot akong sumagi sa isip mo ng walang mukha o pangalan hanggang sa isipin mong imahinasyon lang pala ko. Sobrang makasarili ako kung itulak at kabigin ka."

Anthony slightly move and wrap his arms around her. Sa halip na magsalita ang binata, marahan lang nitong tinapik ang likod niya at saka isinubsob ang mukha sa leeg niya. Naging hudyat yon para pakawalan ni Cassandra lahat ng tagong nararamdaman.

Ngumawa siya ng sobrang lakas. She said she will comfort him pero mukhang this time it is not the case. 

"Shhh, it's ok. It's ok. I don't know your name but my heart remembers you." Sabi niya ay magsisinungaling siya pero ngayong nakakulong siya sa bisig nito, wala siyang magawa kung hindi maging transparent sa presensya ni Anthony. Puro hikbi at sigok lang ang ginagawa niya.

"Please, wag mo kong kakalimutan. I...I will always believe in you, even in the future, wag mo kong kakalimutan. Makasarili na kung makasarili pero please think of me"

"I will so do not be a stranger ok?" tumango siya at sa huling pagkakataon, mariin niyang niyakap si Anthony. 

oOo

The next day when he opened his eyes, panandalian niyang itinuon ang atensyon sa kisame. 

"Anthony are you up son?" tawag ng mummy niya na nasa labas ng pintuan

"Mum?" sagot niya. Dahan dahang pumasok ang ina. Tumayo siya saka binigyan ng mahigpit na yakap ang ina. 

"Ma, If I will sing once more, I want to sing because I am expressing not because I am dictated. I want to sing to inspire people and convey what I am feeling" 

Ibinalik ng mummy niya ang yakap "The incident reminded me that life is short Anthony, from now on you are free to become who you want to be. I will trust your decisions."

"Thank you mum. Thank you for staying with me" 

"Thank you din anak. Thank you for not leaving me behind"

"If you want to hold your concert off as long as you can it is fine. Kung gusto mong bumalik sa US, I can arrange a flight back right away."

"Ma, it's ok. I want to sing. I want to stay"

His mum smiled at him, she reach to pat his head. 

"Susuportahan kita sa kahit anong magiging desisyon mo"

oOo

"Paging Doctor Gallaga , the patient in room number 301 is finally awake. Paging Doctor Gallaga the patient in room 301 is finally awake"

Encountering The NormyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon