Chapter 21
Insomnia
---
WARNING: This chapter contains angsty phrases and suicidal thoughts. Kindly skip if you are not mentally prepared. It might even trigger your mental health! Skip the first one and start to read when you saw three black hearts. Thank you po for understanding!
Noong bata pa ako, natutulog ako ng maaga. Bago sumapit ang alas-nwebe, kailangan hindi gising ang diwa dahil kung hindi, tiyak na papagalitan ako ng mga magulang ko
It's my habit to go to bed early. Sabi raw kasi nila na kailangan natin ng sapat na tulog pero ngayon na dalaga na ako, tila iwinaksi ko sa aking isipan ang mga bilin ng mga magulang ko.
Hindi sa naiwaksi, kundi nakakalimutan. Sinong estuyante ang hindi makakalimot kung tinatadtad ka ng mga assignments at projects sa school?
Minsan, alas-dyes na ako o 'di kaya, hating-gabi na tapos hindi ko namalayan na alas-syete na pala ng umaga. Damn, late na ako sa school!
Even though school has already ended and summer started to wave at me, it felt as if the pressure and stress will never subside. Tila walang balak na umalis sa isipan ko.
Sinubukan kong uminom ng gatas bago matulog pero hindi pa rin ako inaantok, mistulang hindi nakikisama ang mga senses ko. Hindi ba nila alam na may bata sa sinapupunan ko?!
Pregnant women should rest early but it's already 10 PM and I still can't sleep. Ano kaya ang problema kung bakit hindi ako dinadalawan ng antok?
Sumagi sa isip ko ang mukha ko sa tuwing marami akong inaasikaso sa paaralan, hindi ako nakakatulog. Because I like to take things more compliciated, I put an all-nighter whenever I feel like it.
Sinabi ko rin noon sa sarili ko na one-time experience lang 'yon pero hindi ko namalayan na palagi ko na 'yon ginagawa.
Kapag stressed na stressed na talaga ako at alak ang iniisip ko palagi dahil 'yon na lang ang nag-iisang medisina upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi 'yon napansin ng mga kaklase, maging si Kenji na roommate ko, walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa kaibigan niya.
The memories are still fresh in my mind. I still remember how many beers, I probably bought a dozen of them at the convenience store just to keep me sane. Bihira lang naman na tumitingin si Kenji sa refrigerator kaya hindi 'yon issue.
Pagsapit ng umaga, tila umiikot ang ulo ko na parang trumpo na palaging pinaikot-ikot. My room is lingered with the intoxicating scent of beer at labahan na hindi pa nalalabahan ng isang linggo, hindi 'yon alintana dahil nasanay na ako.
Kapag naaalala ko ang mga katangahan na ginawa ko noon, unti-unti kong narerealize na hindi ako inalagaan ng maayos, kung makaasta ako ay parang isang mabangis na tigre na walang kamuwang-muwang sa mapaglarong mundo.
If I was a stray tiger who had been hiding in the urban, matagal na akong nagpaalam. I mean, who woule ever welcome wild people who never think about their own actuations? Talagang itatakwil ka ng mga tao kung wala kang silbi!
Napahugot ako ng isang malalim na bunton-h-hininga at tumungo sa veranda upang makalanghap ng sariwang hangin. Parang nasasakal ako sa loob pero hindi ko alam kung bakit.
Tumingala ako upang mapagmasdan ang maliwanag na buwan. Is this the second time I witnessed the moon?
Parang may sariling isip ang aking mga paa at naglakad ito patungo sa hagdan. Dahil malapit na ang hating-gabi, desidido ako na marami na ang nagpapahinga sa kani-kanilang kuwarto pero heto ako, gustong lumabas at pagmasdan ang buwan. Is this the perks of being pregnant?
BINABASA MO ANG
Broken Dreams #1 : A Light To My Darkest Days
Teen FictionTeenagers. Young. Juvenile. Free. Madalas kapag sa murang edad nagsisimula lahat ang buhay natin. At a young age, we tend to explore. We make some countless memories. At a young age, we tend to make some mistakes. They are inevitable but some wouldn...