Chapter 2

8.1K 317 14
                                    

Chapter 2

Doctor


"Wow!" hindi napigilan ni Sica ang pamamangha. "Lolo, ang laki at ang ganda naman po nitong, teka, bahay pa ba ito?" nanatili ang mga mata niya sa mansyon sa kanilang harapan.

Natutuwa lang na napatawa si Don Eduardo Angeles sa kaniyang reaksyon. Giniya na siya ng matanda kasunod ang trusted bodyguard nito sa loob.

Nilibot ni Sica ang paningin sa kabuuan pa lang ng malapad na sala.

Tumuloy sila sa dining room na nasa mahabang lamesa na ang pinahandang lunch ng Don. Agad nakaramdam ng gutom si Sica sa nakikitang mga pagkain na mukhang masasarap.

"Maupo ka, hija." anang Don.

Maagap naman ang pag-upo ni Sica sa upuang nilahad sa kaniya. Bago pa sila makapagsimula sa pagkain ay bumaling ang Don sa kaniyang bodyguard.

"Tawagan mo siya muli-" ngunit nabitin ang utos nito nang marinig nila ang bagong dating.

Awtomatiko ang pag-awang ng labi ni Sica nang makita ang lalaking pumasok sa hapag kainan. Parang biglang nagkaroon ng slow motion. Nanatili ang mga mata niya sa matangkad at matipunong lalaki habang binabati nito si Don Eduardo.

Manghang mangha siya sa kaguwapuhan nito.

Ngunit nang lumipat sa kaniya ang seryoso at parang nakakatakot nitong tingin ay parang unti-unti rin siyang nabalik sa reyalidad. Bahagya siyang napangiwi at napababa ng tingin sa kaniyang plato.

"Sica, gusto kong ipakilala sa iyo ang aking apo, this is Doctor Gabriel Angeles." tawag sa kaniya ng Don na pinakilala ang nakuwento na rin nito sa kaniyang nag-iisa nitong apong lalaki.

Maingat na tumango si Sica at ngumiti sa lalaki na naging ngiwi rin dahil hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Naupo ito kaharap niya at nasa kabisera naman ang matandang Don.

"Gab, this is Jessica. At dito na siya titira sa atin." nakangiti at mukhang excited pa na anunsiyo ni Don Eduardo na agad naman inalmahan ng apo.

Gab looked at his grandfather. Balak na pala ng Lolo niya na mag-ampon at gawing orphanage ang bahay nila. Umiling siya. "No,"

"Gabriel," his grandpa called his name in a warning tone.

Ngunit seryoso rin siyang bumaling sa kanyang Lolo. "What is this, really?"

The Don sighed a bit. "I already told you," Eduardo Angeles eyed his only grandson.

Gab let out a lazy sigh. Napatingin siya sa babaeng kasama nila sa hapag. He caught her looking. Mukha itong namamangha kanya. She was looking at him as if she was dreaming. Mabilis din itong napakuha sa baso sa tabi nito at napainom ng tubig at parang biglang nahiya. Nanatili itong tahimik at nagbaba ng tingin.

Binalik ni Gab ang atensyon sa kanyang Lolo. He was so busy lately at the hospital. Sunudsunod ang kanyang naging mga operasyon at halos hindi na siya nakakauwi. Yes, he still lives with his Grandpa in his grandparents' mansion. Kagustuhan niya ang huwag munang bumukod. He wants to be with his Lolo, his only family left.

Over a phone call the other day, sinabi na nga ito sa kanya ng kanyang Lolo. Na may iuuwi itong babae sa bahay nila na nagboluntaryo raw maging Nurse ng kanyang Lolo na kailangan nito. Ang dati rin kasi nitong Nurse ay nagpaalam na aalis sa trabaho dahil nagbuntis. At kasalukuyan pa lang silang naghahanap. At ito nga at mukhang may nahanap ang Lolo niya. He sighed and looked at the direction of the girl. She looked young, maliit ang mukha nito. Nanatili lang itong nakayuko habang nag-uusap sila ng kanyang Lolo.

Hearts Series 2: Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon