Chapter 20 (End)

9K 381 56
                                    

Chapter 20

What's wrong


"Sino'ng excited?" baling ni Sica sa mga anak na nasa backseat.

She's seated on the shotgun seat and her husband was driving. Nagkatinginan sila ni Gab at parehong napangiti.

"Me!" halos sabay na sabi ng dalawang bata sa likod.

Napangiti lalo si Sica habang pinagmamasdan ang mga anak. Kuhang-kuha ng mga ito halos lahat sa hitsura ni Gab. Buti nga at mukhang hindi naman nasali ang kasupladuhan ng ama ng mga ito.

Ngayon ay ihahatid nila ni Gab ang mga anak sa school. First time ng mga ito na papasok sa eskwela kaya kita rin nila ni Gab ang excitement sa mga anak nila. Time flies fast. Parang kailan lang noong baby pa ang kambal at ngayon ay malalaki na at nakakapagsalita na at malilikot! Normal naman iyon dahil bata.

Hindi rin naman gaanong nahihirapan si Jessica sa pagpapalaki sa kambal dahil katuwang niya lagi si Gab. Ito nalang halos ang nagtatrabaho dahil nag-usap na rin silang mag-asawa na maging hands on muna sa mga anak nila lalo at maliliit pa ang mga ito. In the future puwede pa rin naman siyang bumalik sa trabaho niya bilang nurse kung gusto niya. Pero sa ngayon ay ini-enjoy muna ni Sica ang pagiging ina at pag-aalaga sa mga anak nila ni Gab. Pakiramdam pa naman niya ay ang bilis lumaki ng mga bata.

Nakarating sila sa school at hinatid nila ni Gab ang mga anak hanggang sa classroom ng mga ito. Binati at nakausap din nila sandali ang teacher ng kambal.

Hinalikan na nila ni Gab ang mga anak at nagpaalam na rin at magsisimula na ang teacher sa klase nito.

May ngiti pa rin silang mag-asawa na pabalik sa sasakyan nila. Hawak ni Gab ang kamay niya. Masaya ang buhay may asawa para kay Sica. Oo siguro minsan hindi maiwasan na may hindi sila mapagkasunduan ni Gab minsan lalo para sa mga anak nila at first time parents pa naman sila. Pero sa huli naaayos din naman agad and they agreed to learn this together. Iyon naman ang mahalaga. Bilang mag-asawa dapat alam ninyo na dalawa kaya sa journey ninyo as husband and wife.

"Oh, hindi ka papasok sa hospital?" tanong ni Sica kay Gab nang makarating sila sa bahay matapos ihatid ang mga bata.

Nagtatanggal ng mga damit si Gab. Nasa loob na sila ng kwarto nila. Sica slowly smirked at her husband. Ganoon din ito.

"Gabriel, ha, ang aga-aga pa." nangingiti niyang sabi sa asawa pero unti-unti na rin naghubad.

"This is our time. Wala ang mga bata. Mamayang gabi tatabi na naman ang mga 'yon dito sa 'tin. Lagi nalang tayo sa bathroom." ani Gab na mukhang hindi naman nagrereklamo at alam ni Sica na gusto rin ng asawa na katabi ang mga anak nila.

"'Sus! Ang sabihin mo matanda ka na kaya hindi mo na rin keri ang standing position." Sica teased her husband.

Ngumisi lang naman si Gab sa kaniya at tuluyan na nitong nahubad ang lahat ng saplot sa katawan. "Who's old, huh? Baka ikaw ang sumuko ngayon." And he attacked her.

Nagtitili at malakas na napatawa si Sica habang binuhat siya ni Gab patungo sa malaki nilang kama...

Nang mag-birthday ang kambal bago ang araw na iyon ay nag-dinner muna silang apat sa isang restaurant para mag-celebrate nang advance bago ang party kinabukasan at nakakuha rin ang dalawa ng stars sa klase nila. Natutuwa ang mag-asawa at proud na rin sila sa kanilang mga sarili.

Habang naghihintay ng order nilang pagkain ay may napuna si Sica sa kabilang mesa. Mukhang masama iyong pakiramdam ng isang matanda na kumain din doon sa restaurant at concerned itong inasikaso ng isang mabait na waitress.

Napangiti si Sica habang nakikita iyon. Naalala niya ang sarili niya sa waitress noong nakilala rin niya niya noon sa unang pagkakataon si Don Eduardo Angeles, ang Lolo ni Gab, sa isang restaurant din na pag-a-apply-an pa sana niya noon.

Palagi rin talagang may kapalit na maganda ang kabutihan.

Dumating na ang mga pagkain nila at nagsimulang maganang kumain ang kambal. Nagkatinginan sila ni Gab at parehong may ngiti sa mga labi na pinagmamadan ang mga anak nila. They were both happy and contented with their life as married couple and with two adorable kids.

"I love you." sabi sa kaniya ni Gab.

Sica turned her husband and smiled. "I love you, too, hubby." she said sweetly and even touched his cheek.

"I love you, Daddy!" panggagaya sa kaniya ni Mimi, nickname for Camila.

They both turned to their daughter at pareho nalang bahagyang napatawa sa kakulitan nito. Namana rin talaga sa kaniya ni Mimi ang kapilyahan niya.

"Mahal na mahal din namin kayo ng Daddy ninyo." Sica said and touched her children's chubby and smooth cheeks.

Malalaki naman ang ngiti ng dalawang bata.

Muli silang nagkatinginan ni Gab na kuntentong ngumiti sa isa't isa.


AUTHOR'S NOTE: Hi, readers! Thank you so much for reading my story! I hope you enjoyed Gabriel and Jessica's story. This is the end. Until my next stories! Take care!

Hearts Series 2: Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon