Chapter 8

5.2K 283 21
                                    

Chapter 8

Ex


"Binigyan mo 'ko ng bulaklak noong graduation ko-"

"You asked for it!"

"Iyong halik!" pilit ni Sica. "Iyong halik, Gab! Bakit mo ako hinalikan-"

"That was nothing! We're both adults and that's okay-"

She slapped him. Kasabay na bumuhos ang kaniyang luha na kanina pa nagbabadya.

Natutulala si Sica. Malayo ang tingin sa labas ng bintana ng eroplano. Ang announcement sa paglapag ng sinasakyan ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Pagkatapos ng ilang taon na naging nurse siya sa ibang bansa ay nakauwi na siya.

"Ate!"

Agad niyang nakita ang kaniyang pamilya na sumundo sa kaniya sa airport. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Sica na palapit sa mga ito.

"Anak," sinalubong siya ng yakap ng kaniyang ina.

Niyakap ni Sica ang kaniyang Nanay at kapatid. Pagkatapos ay umuwi na sila sa kanilang bahay kung saan naghihintay ang kaniyang Tatay na nasa wheelchair nito.

Kahit paano ay nakaramdam siya ng contentment nang makita ang two storey house na bunga rin ng pagtatrabaho niya sa ibang bansa para sa kaniyang pamilya. Napagtapos na rin niya ng kolehiyo si Lalaine na ngayon nga ay may maganda nang trabaho at nakakatulong na rin sa pamilya nila.

"Tatay," niyakap ni Sica ang kaniyang ama nang makarating sila sa bahay.

"Sica," marahan naman nitong tinapik ang kaniyang likod.

Pinagsaluhan ng kanilang pamilya ang niluto ng kaniyang Nanay para narin sa pagdating niya. Halos lahat ng paborito niya ay nasa mesa. At maganang kumain si Sica habang nakukuwentuhan din silang mag-anak.

Pero higit sa lahat may isang taong siya talagang unang tumulong kay Sica. Naging malaki ang parte nito sa kung nasaan man siya ngayon. Si Don Eduardo Angeles.

"Sica!" sagot ni Manang Nelly mula sa kabilang linya. Ito ang mayordoma sa mansyon.

"Manang," napangiti si Sica nang marinig ang boses nito. Na-miss niya rin ito.

"Sica, napatawag ka?"

"Opo, Manang, nakauwi na po ako-"

"Nako, mabuti naman kung ganoon! Malaki ang kita sa ibang bansa pero mahirap parin ang ilang taon na malayo sa pamilya."

Sica agreed to what Manang Nelly said. Totoo iyon. Hindi rin naging madali sa kaniya ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

"Oh, may aasahan na ba akong pasalubong mula sa 'yo?" biro pa ng mayordoma.

Napangiti lang lalo si Sica sa tinuran nito. "Syempre, Manang, makakalimutan ko ba naman po kayo?"

Tumawa ang kausap sa telepono.

"Manang, dadalawin ko po sana si Lolo."

"Oo, naman! Matutuwa ang Don."

"Opo, uh, pupunta po ako kapag wala sana si..." saglit naipikit ni Sica ang mga mata. "si Gab..."

Hindi agad nakapagsalita si Manang Nelly. "Ganoon ba... Sige, sasabihan kita kapag wala rito si Sir Gabriel..."

"Salamat, Manang."

Tinapos na rin niya ang tawag at tinungo na ang kama. Natutulog na doon si Lalaine. May ilang silid din naman ang kanilang bahay pero pinili ng magkapatid na magtabi muna, gaya noon. Noong mahirap pa ang buhay pero masaya naman sila ng kaniyang pamilya. Mas naging kumportable lang ang buhay nila ngayon.

Hearts Series 2: Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon