Chapter 3
Wear
Nilipat ko ang tingin ko sa aking iniihaw.
Mula sa puwesto ko ay rinig ko ang tawanan ng magpipinsang Alcazar.
"You seem bothered by something, hija." Tita Amelia approached.
Huminga ako ng malalim. Ilang beses na akong lumingon sa p'westo ni Rahoul. He is busy with them. Kita ko kung ano ang pagkakaiba ng pakikitungo niya sa mga pinsan niya kumpara kapag ako ang nasa harap niya. He's completely different.
"Stress lang po sa school." Dahilan ko.
I won't tell anyone what's bothering me. That's stupid of me. Nagpakatanga na nga ako kay Rahoul, e. may itatanga pa ba ako?
"Oh, right! You're graduating. How's your thesis?" Tanong nito.
"Ngayong semester palang po namin sisimulan."
"You can ask Rahoul's help for that." Tita Amelia suggested.
"Okay lang po. I will ask him if I need help." Sagot ko.
Though, I am not sure if I will ask him.
Malamang sa malamang ay tatanggihan niya lang ang pagtulong sa akin. Kung hindi nga siguro siya naghihigante sa akin ay hindi niya maaatim na makasama ako sa iisang lugar.
Tita Amelia kept me company for the whole day. Maganda ang isla na pinuntahan namin.
If I remember it right. I heard its name is Araceli?
May talon sa daw sa loob ng Isla. Bukas ang balak naming pagpunta doon. We rented a resthouse near the shore. There are villas surrounding the place but we decided to stay in one bigger place.
The house has three rooms.
One for Rahoul's parents, one for the three boys, and one for me.
The house is well maintained with a touch of modern design.
Hapon ng magdesisyon akong magswimming sa pool sa harap ng resthouse.
Sinuot ko ang aking black one-piece swim suit na pinatungan ko ng manipis na summer dress.
Nang makarating sa pool ay kaagad akong nagsisi. Craige and Ross are there but Rahoul and his fling or girl is there too. Pare-pareho silang nakalubog sa swimming pool at nagtatawanan. Nakayakap ang babae kay Rahoul habang nasa harap niya ang dalawang pinsan na may kanya kanyang hawak na champagne glass.
Bago pa ako makatalikod ay nalingunan na ako ni Craige sa aking puwesto.
BINABASA MO ANG
Chained to You
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay hindi para sayo? Are you willing to let him go? Paano kung pareho kayong nakatali sa isang kasunduan? Are you willing to spend your whole life with him?