Chapter 13
Jealous
Hindi ko alam kung anong oras umalis si Rahoul o kung umalis ba talaga siya.
Si Eliphaz naman nagtext na sa aking mauuna na siya para makapagpahinga. Si Eden hindi ko alam.
Madaling araw ng magising ako dahil sa gutom. Kahit na tamad na tamad ako sa pagbangon ay kailangan kong bumangon.
Dumiretso kaagad ako sa kusina para tumingin ng makakain. Mayroon pang box ng pizza doon na hindi pa nagagalaw kaya yun ang binuksan ko. Nagtimpla rin ako ng gatas. Naupo ako sa dining table at sinimulang kumain.
"Raniella." Tawag sa akin.
Natigil ako sa akmang pagkain ng marinig ang pamilyar na boses ni Rahoul.
"Do you want anything?" He asked.
Tumayo siya sa harap ko. Namumungay ang mata at namumula.
"Bakit nandito ka pa?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
Umiling siya.
"I can cook you a proper meal." He said.
"Hindi na." Iwas ko.
"Pumayat ka. You should eat more." Kumilos siya palapit sa ref at binuksan iyon.
"Umuwi ka na." Tanging sagot ko.
"I will leave after you eat a proper meal, Rania."
"No. Leave now, Rao!" Inis ko ng saad. Itinuro ko pa ang pinto para malaman niyang ubos na ang pasensya ko sa kanya.
"What did I do to make you so mad at me?" Bigla niyang tanong. Soft eyes and soft voice, silently killing me.
Nakakunot ang noo niya at hindi bumibitaw ang titig sa akin.
My heart melted at his soft voice. Bakit ba ang bilis bilis kong bumigay kapag nasa harap ko siya?
"Wala. Wala lang ako sa mood para makipag-usap." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Simula n'ung umalis ka sa bahay. You are acting like this. Is this because of Grace?" Mapungay ang mga mata niya. Sinandal niya na ang sarili sa counter at tinuon ang buong atensyon sa akin.
I stared back at him without any emotions.
"Don't mind me, Rahoul. I am not your business." I spat harshly.
"Bullshit, Raniella. I am fucking worried about you. Hinadi ako aalis dito." He said firmly.
BINABASA MO ANG
Chained to You
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay hindi para sayo? Are you willing to let him go? Paano kung pareho kayong nakatali sa isang kasunduan? Are you willing to spend your whole life with him?