Chapter 14
Anger
"Gago." Pahayag ko sa sinabi niya.
Abot abot ang tahip ng dibdib ko at parang pinipiga ang ouso ko. I shouldn't feel happy because of what I heard. Alam kong naglalaro nanaman siya. At sa oras na bumigay ako ay paniguradong babawi siya sa lahat ng sakit na naramdaman niya, ipaparamdam niya rin iyon sa akin.
His jaw clenched at my remark. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Uh-huh?" His voice is now husky.
Nanigas ako ng ibaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Cheater!
"Stop it, Rahoul." Banta ko.
He sniffs my neck before his lips planted kisses on it. Napaliyad ako sa ginawa niya. Probably because of my hormones that's why I am so turned on by what he is doing.
"I miss you damn much." He groaned in my ears.
"No, Rahoul. I am not Grace." Nanginginig ang boses ko at kaunti nalang ay bibigay na sa halik niya.
His hands rested on my waist, holding me delicately.
"No, you're not her. Ibang iba ka, Rania." He whispered again.
Hinila ko ang ulo niya palayo sa akin. He groaned before letting me move him. Hinila ko siya sa buhok niya.
Tumayo ako ng maramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa akin. Malalim ang paghinga niya habang nakatitig sa akin. He licked his lips as he stares to mine.
"I'm staying here for tonight. Ayokong umuwi. Dito lang ako sa'yo." He said.
Napatingin ulit ako sa kanya. Niloloko niya talaga ako. Damn this player!
"Hinahanap ka ni Grace!" Agad kong sabi.
"I will text her." He only ended.
"Ano? Umuwi ka nalang! You are not welcomed here!"
Kailangang umalis na siya bago pa ako tuluyang bumigay sa mga halik niya. Because I will be forever weak when it comes to him. Kayang kaya niya akong paluhurin sa isang pitik lang ng kamay niya. Parang biglang naglaho ang mga plano ko para sa sarili ko!
"I'm staying, I told you." Pilit niya.
Sumandal pa siya sa sofa at itinuon ang tingin sa tv. Sinubukan niya ulit akong hilahin paupo pero bago niya pa magawa iyon ay mabilis na akong naglakad papunta sa kusina.
Nagluto ako ng hapunan namin. Pero ng magsisimula na akong kumain ay wala na akong gana. Nakaupo na kaming pareho sa dining table ng mapansin niyang tinutuhog ko lang ang gulay sa plato ko at hindi kinakain.
BINABASA MO ANG
Chained to You
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay hindi para sayo? Are you willing to let him go? Paano kung pareho kayong nakatali sa isang kasunduan? Are you willing to spend your whole life with him?