Chapter 17
Own
My eyes remain staring at him.
"Ano ba, Rahoul? Bumalik ka nalang kay Grace." Saad ko.
Marahas ang iling ang isinagot niya sa akin.
"Ayoko. Dito lang ako." He said while hugging my hand.
Napapikit ako ng mariin. Nilingon ko si Sid na pinapanood kami mula sa counter. May isang costumer na pumasok at nasa tabi na rin ni Sid ang kapalit namin sa shift.
"Stop this bullshit, Rahoul. Alam nating pareho na hindi ka dapat nandito."
"I want to be with you. Kasama ang anak natin." He softly whispered.
"Umalis ka na, Rahoul. Please lang." Itinulak ko siya palayo sa akin.
Hindi mahigpit ang hawak niya sa akin kaya nakawala ako. Mabilis kong nilakad ang distansiya pabalik sa counter. Saktong eleven na. Pumasok ako sa staff room at kinuha ang gamit ko. Paglabas ko ay nag-aantay na si Sid sa labas ng staff room at nakatayo si Rahoul sa gilid ng counter. Ngumingiti pa sa kanya iyong kapalit namin sa shift. Hindi naman iyon pinapansin ni Rahoul. Lumapit ako kay Sid.
"Tara na?" Tanong niya kaagad.
Tumango ako at naglakad na palabas. Rahoul is following us the whole time. Wala siyang sinabi at nakasunod lang. Nakasakay na ako sa sasakyan ni Sid. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin sa bintana ng sasakyan. Nag-iwas ako ng tingin.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng magsalita si Sid.
"Nakasunod pa rin iyong kakilala mo, Rania." He said while glancing at the rear view mirror.
Naroon nga sa likod namin ang sasakyan ni Rahoul. I don't know if it is really him but he's the only person who will do this.
"Hayaan mo siya."
Pagkarating ay nagpasalamat ako kay Sid. Bumaba ako kasabay ng pagparada ng sa tingin ko'y sasakyan ni Rahoul. At tama nga ako. Bumaba siya mula doon.
"Rania." He called.
Tumalikod kaagad ako. Bahala siya diyan. I don't want to talk to him.
Tulog na sila Mommy ng buksan ko ang pinto. Nasa likod ko si Rahoul. I glared at him.
"Umalis ka na sabi." Utos ko sa kanya.
Tumitig lang siya.
"Wala akong matutuluyan." Aniya.
"Hindi ka p'wede rito. Kapag nakita ka ni Daddy ay malamang na sasaktan ka niya."
BINABASA MO ANG
Chained to You
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay hindi para sayo? Are you willing to let him go? Paano kung pareho kayong nakatali sa isang kasunduan? Are you willing to spend your whole life with him?